Chapter 14: The Rivalry Begins
=*=SUMMER'S POV=*=
A typical Monday morning may pasok na naman kaya sobrang nakakatamad. For sure mahihirapan na naman ng bongga ang beauty ko. Ang hirap kasi ng mga lessons kaya madalas akong nangangomote noong nakaraang linggo.
Pero dahil maganda ako maaga pa rin akong nag prepare para pumasok. Kahit bobita ako naniniwala pa rin naman ako sa kasabihang Education is the key to success. Kaya 'di bali ng magkanda-ugaga ang mga brain cells ko ang mahalaga matapos ko ang pag-aaral na pinapangarap nila Mama at Papa para sa akin.
Pagbukas ko ng gate bumungad kaagad sa akin ang super duper gwapong mukha ni Rain. "Good morning Rain." All out smile kong bati sa kanya as usual.
Napangiti ito ng malawak mas lalo tuloy siyang pumogi. "Lika dun tayo maghintay ng tricycle." Aya niya in a very pleasant way. Ano kayang nalunok nito? Ba't ang bait niya? In fairness kinilig ako ng bongga.
"Tutunganga ka na lang ba dyan?" Naiirita niyang sinabi habang nakakunot ang noo. Saka ko lang din namalayan, petrified na pala ang beauty ko.
"Oo na." Sarcastic kong sinabi at mabilis na naglakad. Sana sinungitan niya na lang ako sa simula pa lang kung magsusungit lang din pala sa huli. Masyadong paasa Letche!
"Galit ka ba?" Kaswal niyang tanong nang mahawakan niya ang braso ko.
"Malamang. Paniwalang paniwala pa naman ako na bumait ka na. Pagkatapos susungitan mo lang pala." Naiirita kong sinabi habang inaalis ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.
"Tss. Mabait naman talaga ako at walang kinalaman ang pagiging masungit ko." Medyo masungit niyang sinabi.
"Okaaay! Mabait ka na sa lagay mong yan tsk!" Sabi ko sa kanya sabay irap.
"Okay fine sorry. Naiinip lang ako kung kelan ka matatapos sa kakatitig sa akin kaya kita sinungitan." Kaswal niyang sinabi.
Oh well its not all my fault kasalanan niya din dahil masyadong nakaka distract ang kagwapohan niya.
"Sahreeh ah sahreeh." Yun na lang ang nasabi ko dahil napahiya ang mala dyosa kong ganda. Wala na akong lusot and there's no point para magpalusot nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.
"You know what?" He said kaya napa slow-mo ako ng lingon.
"Ano na naman?" Mataray kong tanong.
"I missed you." Naka full smile niyang sinabi kaya biglang nalaglag ang panty kong dilaw ('di joke lang expression ko lang 'yun.) Pero sheet! Kinilig talaga ako ng bongga.
Buong araw kasi kaming hindi nagkita kahapon kaya maaring nagsasabi siya ng totoo.
"Tse! Sinungaling." Kunyari naiinis ako at hindi naniniwala mahirap na baka mapansin niyang nanisay na ako sa kilig.
BINABASA MO ANG
Bobita Queen
Fiksi RemajaSummer Keith del Valle ang super-duper gorgeous lady in town na may pagka feeling-era when it comes to her beauty and charms. She's almost perfect pero bilang tao may mga flaws and imperfections din. Being Bobita is her greatest downfall. Bobita Q...