Chapter 11: He Saves Me
=*=RAIN'S POV=*=
I feel so good habang dumadapo sa mukha ko ang malamig na simoy ng hangin. Sobrang sarap sa pakiramdam and I can't help but smile habang nakadungaw sa bintana ng aking kwarto. Sobrang nakakaaliw at napakasayang pagmasdan ang maaliwalas at tahimik na kapaligiran.
Nabaling ang atensyon ko nang biglang bumukas ang bintana ng kwarto ni Summer. Bumungad sa akin ang napakaganda niyang mukha though mukhang nagulat siya na pilit niyang tinatago.
"Good morning." She greeted in a gorgeous way. Saka ko lang napansin na wala akong suot na pang itaas tanging boxer short lang ang suot ko. Kaya pinasadahan ko lang ito ng tingin at nagmadaling pumasok sa banyo para maghilamos at nagsuot ng t-shirt.
Paalis na ito nung bumalik ako. Nakaramdam na naman ako ng inis. Nagmadali akong nag-ayos ng sarili para harapin siya pero wala naman palang kahihinatnan.
"Hey! Where do you think you're going?" Masungit kong tanong at dahil sa ginawa ko mukhang nagalit pa ito.
"Wala ka ng pakialam!" She said it sarcastically ng hindi man lang lumilingon.
"Wag ka munang umalis. Ang daya ko naman." Basta ko na lang nasabi mabuti na lang at medyo badtrip ang tuno nito.
She raised her eyebrow, "tsk! Matapos mo 'kong deadmahin. Ikaw pa ang may lakas ng loob na magsabi sa akin na madaya." Naiinis niyang sinabi.
Ayokong magtatalo naman kami masyado pang maaga at paniguradong talo ako pagdating sa kanya dahil masyado itong bungangera.
"Sorry na. Nahihiya lang akong humarap sayo kanina na ganun ang hitsura ko." Paliwanag ko sa kanya.
"Kailangan talaga deadmahin mo 'ko? Pwede namang nagpaalam ka muna. Maiintindihan ko naman 'yun." Galit pa rin niyang sinabi.
"Sorry na nga diba. Kasalanan ko ba na masyado kang maganda. Kaya ako nahihiyang humarap sayo na ganun ang hitsura ko." Frustrated kong sinabi.
Ayokong sabihin sa kanya ang bagay na 'yun dahil alam kong mas lalong lalaki ang ulo niya.
"Weeh! Seryoso? Baka mamaya binobola mo lang ako." Tss kunyari pa, alam ko namang naniwala siya sa sinabi ko bakas kasi sa mukha niya ang pagbubunyi.
"Totoo 'yun. Hindi ka naman mukhang bola para bolahin." Medyo badtrip kong sinabi.
Napangiti ito ng malawak. "Oo na. Naniniwala na ako sayo. Nakaka intimidate naman talaga ang ganda ko sa kahit na sino." Mayabang niyang sinabi at halos abot tenga ang ngiti. "Pero naiinis pa rin ako sayo. Ilang beses naman kitang nakita na ganun ang hitsura mo. Never naman akong nang deadma." Naiinis niya namang sinabi.
"Sorry na nga sabi. Baka naman pinagpapantasyahan mo ang katawan ko kaya ka nagagalit ng ganyan. Heto na nga ako diba kinakausap ka." Badtrip ko namang sinabi.
BINABASA MO ANG
Bobita Queen
Teen FictionSummer Keith del Valle ang super-duper gorgeous lady in town na may pagka feeling-era when it comes to her beauty and charms. She's almost perfect pero bilang tao may mga flaws and imperfections din. Being Bobita is her greatest downfall. Bobita Q...