Chapter 08: I Like The Way You Are
=*=RAIN'S POV=*=
Minsan nakakainis ang pagiging madaldal niya. Pero minsan nakakatuwa din pala lalo na 'yung pagiging prangka at pagka makulit niya. Natutuwa ako nung tinitigan niya ako kanina kaya bigla kong naitanong ang isang bagay na ayaw kong itanong.
Marami ang nagsabi na gwapo ako, na kahit kelan hindi ko pinapaniwalaan. Dahil kung totoo 'yun, bakit hindi ako magawang magustuhan ni Daphne? Pero sa naging sagot ni Summer wala akong makita na kahit anong bakas ng pagsisinungaling at pambobola.
Biniro ko lang naman 'yung tungkol sa crush pero hindi ko inaasahang. Magsasabi siya ng totoo. Syempre natuwa ako kahit medyo masama ako sa kanya may pagtingin pa rin siya sa akin. Ang mas ikinatuwa ko pa ay yung pag-aakala niyang crush ko rin siya. Ayaw ko naman siyang biguin kaya sinabi ko na rin sa kanya ang totoo.
Sino ba naman ang hindi magka-crush sa kanya. Aminado akong napakaganda niya mas maganda pa kesa kay Daphne. Pero hindi naman 'yun sapat na dahilan para mawala ang hinayupak kong nararamdaman para kay Daphne.
Ilang ulit akong nagpapalit-palit ng posisyon sa paghiga dahil hindi ako makatulog. Hindi mawala sa isip ko ang magandang ngiti ni Summer. Pati ang mukha niyang tulala na nakatitig sa akin.
Kinaumagahan medyo bangag ako pero kailangan kong pumasok.
"Good morning Rain." Masayang bati nito nang madatnan niya akong nag-aabang ng tricycle papuntang school.
Nginitian ko naman, "nakatulog ka ba ng maayos?"
"Oo naman. Ang sarap nga ng tulog ko."
"Ganun ba. Lika doon tayo maghintay." Aya ko sa kanya. So ako lang pala ang hindi nakatulog sa kakaisip sa kanya. Uneven!
"Teka. Hindi ka ba nakatulog kagabi?" Nakangisi niyang tanong.
"Hindi ah!" Nang hindi tumitingin sa kanya.
"Umamin ka. Hindi nakatulog ng maayos kagabi noh? Dahil sa kakaisip mo sa akin." Mapang-asar niyang sinabi. Mind reader ba siya? Para malaman ang iniisip ko.
"Sinabi ng hindi. Ba't ba ang kulit mo?" Pagsusungit ko sa kanya para tigilan niya ako pero hindi tumalab sa kanya mas lalong lumawak ang ngiti niya.
"Sige nga. Sabihin mo sa akin ng diretso habang nakatingin sa mga mata ko."
Aishh! Ang kulit niya.
"Hindi nga sabi." Masungit kong sinabi at agad nag iwas nang tingin sa kanya.
Napahagalpak siya ng tawa, "confirmed. Rain Andrie Almendras hindi nakatulog dahil sa nag-uumapaw na ganda ni Summer Keith del Valle." Natatawa niyang sinabi.
BINABASA MO ANG
Bobita Queen
Teen FictionSummer Keith del Valle ang super-duper gorgeous lady in town na may pagka feeling-era when it comes to her beauty and charms. She's almost perfect pero bilang tao may mga flaws and imperfections din. Being Bobita is her greatest downfall. Bobita Q...