Chapter 13: Best Picture Ever

228 16 4
                                    

Chapter 13: Best Picture Ever

 

=*=RAIN'S POV=*=

Medyo badtrip pa din ako sa kanya. Pagkamalan ba daw akong rapist. Napailing na lang ako habang naaalala ang expression ng mukha niya kanina. Muntik pa niya akong batuhin. Kababae pa naman pero ang dumi mag-isip.

 

Wala naman talaga akong balak na pumunta dito sa Heaven Paradise. Pauwi na sana kami ng  bigla na lang pumasok sa isip ko na pumunta dito. Maaga pa kasi para umuwi ng bahay wala naman akong gagawin dun. Sinadya ko talagang isama si Summer para naman mapasyalan niya ang lugar na 'to.

 

Natutuwa ako dahil nakikita kong natutuwa siya ng sobra sa ganda ng lugar na 'to. Pero syempre hindi ko pinakita sa kanya. Muntik na akong matawa nung pinagkamalan niyang dagat ang napakalawak na Pulanggi river. Kahit na sino naman pwede itong mapagkamalan.

 

"Rain. Selfie naman tayo." Aya niya ng bigla itong lumapit. Kanina pa 'to nag seselfie pero mukhang hindi nagsawa.

 

"Tss. Ayoko." I declined her offer. I hate taking pictures it's useless after all.

 

Kumunot naman ang forehead niya. "Tsk! Masungit na. KJ pa." Medyo naiinis niyang sinabi habang papaupo sa tabi ko.

"Wag ka ngang masyadong dumikit sa akin." Naiirita kong sinabi saka umusog ng konti. Ayoko ng sobrang lapit kami sa isa't isa kasi masyadong awkward sa pakiramdam.

Nagkibit balikat ito. "Ang arte mo naman. Galit ka pa rin ba sa akin?" Aniya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

"Malamang. Pagkamalan mo ba akong rapist." Sabi ko para magkaroon ako ng alibi at agad na nag-iwas ng tingin.

"Nag sorry naman ako diba. Sahreeh kung paranoid akong mag-isip." Panunuyong sinabi niya.

Nakonsensya ako at the same time na awkward-an sa presensya niya. Nakakailang na hindi ko ma explain, basta nasabi ko na 'to dati na may something sa kanya na nagpapatiklop sa akin.

"Sige na. Oo tinatanggap ko na ang sorry mo. Lumayo ka nga dito gusto kong mapag-isa." Taboy ko sa kanya dahil masyadong awkward sa pakiramdam.

"Tsk! Ayoko nalibot ko na ang buong paligid." Naka pout niyang sinabi. At ang cute niyang tignan.

"Can you please stop pouting like that? Hindi bagay sayo." Masungit kong sinabi to stop her.

Instead na mainis ngumiti lang ito ng malawak. "Tsk ang sungit! Ayaw pang sabihin na nacu-cute-tan sa akin." Mapang-asar niyang sinabi and then a gorgeous smile formed in her face.

I shook my head and smiled sarcastically, "in your dreams."

Napailing din ito, "sige lang Rain. Lait-laitin mo lang ako ngayon. Balang araw ma in-in-love ka sa akin. Kaya humanda dahil papahirapan talaga kita." She said it desperately.

Bobita QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon