Chapter 02: I Don't Want To Be Your Friend
=*=RAIN'S POV=*=
I'm enjoying riding my bike nang maisipan kong dumaan sa park para tumambay saglit bago umuwi ng bahay. Pagdating ko sa may park agad na akong naghahanap ng bakanteng lugar para paglagyan ng bisekleta. Nang makita ko yung sira ulong babaeng nagsisigaw sa tapat ng kwarto ko kaninang umaga. I tried to ignore her but I just can't help myself na kusang tumitingin sa kanya.
Hindi ko rin maitanggi sa sarili na ang ganda niya. Pansin kong nakatingin rin siya sa kinaroroonan ko. Napailing ako at nagpatuloy na lang sa pag pedal ng bisekleta, ayokong mapansin niyang tinitignan ko rin siya.
Pero sadyang makulit ang kabilang side ng sistema ko pilit niya parin akong pinapatingin sa kinaroroonan niya. Nakita ko naman siya na patuloy lang sa paglalakad ng hindi nakatingin sa kanyang dinadaanan.
Nakatingin parin ito sa kinaroroonan ko. Hanggang sa natapilok siya. Nakita ko siya na dahan-dahang naupo sa tabi saka hinihimas yung paa niya. Napailing naman ako. Napakaengot naman kasi naglalakad na nga lang. Sa kung saan-saan pa nakatingin ayun tuloy ang napala niya.
Nag patuloy na ulit ako sa pag pedal para umuwi. Nagbago na ang isip ko siguro dahil nakita ko siya. Habang padaan ako malapit sa kanya pinilit nito na tumayo pero agad naman na naupo ulit saka hinihimas yung paa niya.
Naisip ko na baka napasama yung pagka tapilok niya. Without second thought huminto na muna ako sa tapat niya pero hindi niya ako napansin. Nakayuko kasi ito habang hinihimas 'yung paa niya.
Pinaka-ayaw ko yung mag-aproach ng tao, lalo na sa mga taong hindi ko kilala pero kailangan. Alam kong kailangan niya ng tulong. Kahit pa badtrip ako sa kanya, I'm not that bad para hayaan na lang siya.
Labag man sa kalooban ko wala akong nagawa kundi ang tanungin siya. Agad naman siyang napatingala para tignan ako. Instead of answering my question she just stared at me and I don't know, kung ano ang iniisip niya habang nakatitig sa akin. Nagsimula na akong mainis at nainip sa sagot niya, its either 'yes or no' lang naman ang isasagot niya.
Ayokong maghintay kung kelan siya matatapos sa kakatitig sa akin so tinanong ko siya ulit. She smiled at me gorgeously and good thing agad naman niyang sinagot ang tanong ko. Agad kong tinignan 'yung paa niya and I was right kailangan niya ng tulong. Sinabi ko sa kanya na kailangan niya itong ipahilot para hindi mamaga, pero ang sabi niya wala siyang kakilala. Nagsimula naman akong ma-frustrate pero tinulungan ko pa rin.
And here we are patungo sa bahay ni Mang Andres para ipahilot ang nagsimula nang mamaga niyang papa. We're both silent, wala rin naman akong balak na kausapin siya. Badtrip parin naman ako sa kanya.
"We're here," casual kong sinabi habang pinaparada ang bisekleta sa tapat ng bahay ni Mang Andres. Agad naman itong bumaba pero muntik na siyang matumba mabuti nalang at agad kong naalalayan.
"Ouch ang sakit na ng paa ko. Feeling ko mas lumalala pa ata," sabi niya na halatang nasasaktan. I have no choice kundi ang buhatin siya papasok sa bahay ni Mang Andres. Tss masyado ng sinuswerte ang babaeng 'to.
BINABASA MO ANG
Bobita Queen
Підліткова літератураSummer Keith del Valle ang super-duper gorgeous lady in town na may pagka feeling-era when it comes to her beauty and charms. She's almost perfect pero bilang tao may mga flaws and imperfections din. Being Bobita is her greatest downfall. Bobita Q...