Chapter 06: I Hate You

234 15 4
                                    

Chapter 06: I Hate You

 

=*=RAIN'S POV=*=

Kasisimula pa lang ng araw pero pakiramdam ko sirang-sira na ito dahil kay Summer. Kanina pa ako nababadtrip sa kanya. Nagsisisi ako kung bakit pa ako sumabay sa kanya. Ang ingay at daldal niya kasi. Hindi ko alam kung saan siya humuhugot ng lakas? Masyadong mayabang.

Hindi naman niya kailangan pang ipagmalaki kung gaano siya kaganda. Hindi naman ako bulag para hindi 'yun makita. She's really different. Nasa kanya na ang lahat na pinaka-ayaw ko sa isang babae.

Mas lalo pa akong nabadtrip sa kanya habang tuwang-tuwa nitong ipinagmalaki ang mga papuring naririnig niya. Hindi naman ako bingi para hindi 'yun marinig.  Kaya nung makahanap ako ng pagkakataon iniwan ko na. Ayokong kasama siya dahil paniguradong high blood ang aabutin ko sa kanya.

Matapos kong mahanap ang pangalan ko. Bumaba na ako para pumunta sa tahimik na lugar para magpalipas ng oras. Nadatnan ko ito sa baba. Parang tangang naghahanap ng pangalan niya.

"Hinahanap mo pangalan mo?" Walang gana kong tanong sa kanya.

Ngumiti naman ito saka napakamot sa ulo niya, "oo. Kaso hindi ko makita."

"Nasa taas ang classroom natin." Sabi ko sa kanya.

Napangiti naman ito, "talaga? Magkaklase tayo?" Natutuwa nitong sinabi.

"Malamang. Sinabi ko na diba!" Masungit kong sinabi  at agad na tinalikuran.

"Tsk! Sungit talaga!" Naiinis nitong sinabi at nang nilingon ko ito nagmadali na itong humakbang papuntang second floor.

Napailing ako. Hindi ko talaga magawang maintindihan ang mga taong hindi marunong umintindi ng isang salita. Yung tipong sinabi mo na nga hindi pa maniniwala gusto pa ng paulit-ulit. Nakakabadtrip lang para kasing sinasabi nilang sinungaling ka. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad papuntang likuran ng School building, na madalas kong tinatambayan kapag nagpapalipas ng oras.

Nakasalubong ko si Daphne kasama ang mga kaibigan niya.

"Hi! Rain," with a smile nitong bati. Bumilis na naman ang pintig ng puso ko.

Nginitian ko naman, "hi!" Matipid kong sinabi at agad na nilagpasan.

Gusto ko siyang iwasan in the best way that I can. Ayokong mahalata niya na hanggang ngayon gusto ko pa rin siya. Kahit 'yun ang totoo kaya hangga't maari iiwasan ko na lang.

Nang mag formation na para sa Flag Ceremony. Nahagip naman nang paningin ko si Summer, kadaldalan sina Abbie at Ken. Mabuti naman at nagkaroon na ito ng mga kaibigan. Siguro naman hindi na niya ako kukulitin pa.

Pagkatapos ng Flag Ceremony hindi na muna ako dumiretso sa classroom. Panigurado din naman na wala pang Teacher dun. Magdaldalan lang naman ang mga kaklase kong hindi nauubusan ng kwento. Kaya ayoko na munang pumasok may 10 minutes pa naman bago ang klase. Tumambay na muna ako sa canteen.

Bobita QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon