Chapter 12: Heaven Paradise
=*=LIAM'S POV=*=
Masyado akong nagulat sa mabilis na pangyayari. Hindi ko man lang napigilan si Daphne sa ginawa niya. Hindi pa nakontento gusto pa nitong sabuyan ng fish ball sauce mabuti na lang at napigilan ko.
Kitang kita ang pagkabigla ni Summer ni hindi nga ito nakapagsalita o gumagalaw. Bago ko pa nalapitan bigla na itong hinila ni Rain palayo sa amin ni Daphne.
"Hindi mo dapat 'yun ginawa sa kanya!" Galit kong sinabi kay Daphne nung makalayo na sila.
"She deserved it Liam. Hindi mo ba nakikita 'tong hitsura ko? Sobrang nakakadiri dahil sa katangahan ng babaeng 'yun." Galit din niyang sinabi.
"It's just an accident Daphne." Giit ko.
Nababadtrip na ako sa kanya.
"Walang akong pakialam either it is an accident or hindi. Walang sinuman ang pwedeng gumawa sa akin ng ganun ganun lang. Lintik lang ang walang ganti. To be honest with you hindi pa ako satisfied sa ginawa ko dahil pinigilan mo 'ko. Kinampihan mo pa ang babaeng 'yun kesa akin." Mataray niyang sambit raising her eyebrow.
"Okay then. Kung sa tingin mo masaya ka sa ginagawa mo. Wala naman akong karapatan na pigilan ka." Galit kong sinabi at agad na humakbang paalis.
She ruined everything.
"Liam. Please don't leave me here." Pagpigil niya habang mahigpit na nakakapit sa braso ko.
"You're not a baby anymore. Nagawa mong pumunta dito mag-isa. So there's no reason para samahan pa kita." Seryoso kong sinabi sabay tanggal sa kamay niyang nakakapit sa braso ko.
Napipikon na ako sa kanya. Napakasama ng ugali. Naiinis ako sa sarili ko, kasi napakatanga ko. Ngayon ko lang nakita ang totoong kulay niya.
"I'm sorry. Please 'wag mo 'kong iwan dito." Pagmamakaawa niya.
"Hindi ka sa akin dapat mag sorry. Saka mo na lang ako kausapin kong nagawa mo na 'yun." Seryoso kong sinabi at agad na umalis.
Kabadtrip lang iniiwasan ko na nga sinusundan pa rin ako. Gumawa pa ng eksena tch.
Pauwi na ako sa amin ng madatnan ko si Abbie na mag isang naglalakad. Huminto ako sa tapat niya para mag offer ng ride, madadaanan ko din naman ang bahay nila.
"Abbie pauwi ka na?" Nakangiti kong tanong.
Ngumiti naman ito, isang matipid na ngiti. "A-ahh. Oo pa-pauwi na ako." Nauutal niyang sagot.
"Tamang tama pauwi na rin ako. Halika sumakay ka na." Masiglang offer ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Bobita Queen
Ficção AdolescenteSummer Keith del Valle ang super-duper gorgeous lady in town na may pagka feeling-era when it comes to her beauty and charms. She's almost perfect pero bilang tao may mga flaws and imperfections din. Being Bobita is her greatest downfall. Bobita Q...