Chapter 07: I Just Can't Resist
=*=SUMMER'S POV=*=
Muntik na akong bumigay mabuti na lang at napigilan ko ang katakawan ko. Ang totoo hindi naman ako super duper galit sa kanya. Super duper lang akong nagtampo sa ginawa niya. Kaya hindi lahat ng sinabi ko sa kanya ay totoo. Lalo na 'yung "I hate you" effect ko.
Imposible naman kasing mangyari 'yun. Ewan ko ba, kahit napaka super duper sungit niya. Simpleng sabi lang niya ng sorry lahat ng inis at sama ng loob ko sa kanya ay agad na mawawala.
Ganun pa man ayokong ipakita sa kanya na hindi ako galit. Ayokong ipakita sa kanya na super duper mabait ako. Minsan kasi kapag masyado kang mabait pwede itong abusuhin kasi tingin nila okay lang. Isa pa gusto ko lang namnamin ang pagsuyo niya sa akin para lang humingi ng sorry.
Matapos kong mag lunch nag-ayos lang ako ng konti para bumalik sa school. Tamang-tama naman paglabas ko ng bahay nandun na rin si Rain naghihintay ng tricycle. Dahil kunyari galit pa ako sa kanya nilagpasan ko lang ito para doon sa kabilang kanto maghintay ng tricycle.
Syempre naghihintay lang din ako na pigilan niya kaya binagalan ko ang paglalakad pero walang effect sa kanya. Hindi man lang siya nag effort na sundan o tawagin ako.
So it means wala na siyang pakialam o balak mag sorry ulit. Siguro iniisip niya na sapat na yung paghingi niya ng sorry kanina. Mas lalo tuloy akong nainis sa kanya. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad para panindigan ang pag deadma ko sa kanya.
"YOU CAN'T DO THIS TO ME LIAM!" Bigla kong narinig ang isang pamilyar at galit na boses nung dumaan ako sa may bakanteng room.
Dahil masyado akong curious sa kung ano ang pinag-uusapan nila mas lumapit pa ako ng konti para mag eavesdrop (hindi ko 'to gawain kaya lang nacu-curious kasi ako.) Mabuti na lang at nakabukas ng konti ang pinto kaya hindi na masyadong nahirapan ang beauty ko. At tama ang dinig at hinala ko, si Liam at si Evil Queen ang nasa loob.
"Nakapag desisyon na ako Daphne. Simula pa lang sinabi ko naman sayo na hindi kita mahal at hinding-hindi kita matutunang mahalin. Kaibigan lang talaga ang tingin ko sayo." Seryoso at mahinahong sinabi ni Liam kay Evil Queen.
"No. Ayokong maniwala sayo. Just tell me, you love me. Please Liam. I'm begging you." Pagmamakaawa ni Evil Queen. Ew! Yuck! How cheap. Naku teh sinabi ng ayaw niya sayo, bakit mo pa pinipilit?
"I'm so sorry Daphne. I just can't." Malungkot na sinabi ni Liam sa kanya. Pakiramdam ko tuloy para akong nanood ng movie sa ginagawa nila at ako yung dakilang tsismosa.
"BAKIT LIAM? DAHIL BA SA BABAENG 'YUN?" Galit na galit na si Evil Queen habang sinasabi 'yun. "Anong pinagsasabi mo?" Tanong ni Liam sa kanya in a frustrated way. "WAG KANG UMASTA AS IF HINDI MO ALAM KUNG SINO ANG TINUTUKOY KO... SI SUMMER BA LIAM? SUMAGOT KA!"
Natigilan at napaisip naman ako saglit. Bakit naman nasali ang beauty ko sa drama nilang dalawa?
TING! Light bulb on...
Oh my golay! Don't tell me. May gusto si Liam sa akin? Kyaa! Well I'm not surprised dahil masyado akong maganda, kaya kinabog ko ang beauty ni Evil Queen. Hindi ko na hinintay ang sagot ni Liam. Agad na akong umalis bago pa nila ako makita. Alam ko naman ang magiging sagot ni Liam. I'm pretty sure na "YES na YES" ang isasagot niya. Sa ganda ko ba namang 'to.
BINABASA MO ANG
Bobita Queen
Teen FictionSummer Keith del Valle ang super-duper gorgeous lady in town na may pagka feeling-era when it comes to her beauty and charms. She's almost perfect pero bilang tao may mga flaws and imperfections din. Being Bobita is her greatest downfall. Bobita Q...