Chapter 09: Something Strange
=*=RAIN'S POV=*=
Naiirita ako sa reaction ni Summer. Nakikita kong nag e-enjoy siya sa ginawa niyang pang aasar at pangungulit sa akin.
"Sahreeh. Ang sarap mo kasing asarin. Nga pala sabay tayong uuwi mamaya ah." She said wearing her usual smile.
"Tss. Ayoko." Masungit kong sinabi, feeling close na kasi masyado. May parte naman ng kalooban ko ang natuwa sa offer niya.
"E. 'di 'wag. Kay Liam ako sasabay." Nagtatampo niyang sinabi.
Bigla naman akong nakaramdam ng inis nang marinig ang pangalan ni Liam. Masyado siyang nagtitiwala sa lalaking 'yun kahit hindi pa niya ito lubos na kilala.
Tinignan niya ako ng isang mapang-asar na tingin, "nagseselos ka ba?" Nakangisi niyang tanong. Nagsimula na naman akong mabadtrip. Bakit naman ako magseselos? Concerned lang ako sa kanya. Pero hindi ako nagseselos.
"Tss. Asa ka pa. Ayaw ko lang na mapalapit ka sa Liam na 'yun. Papaasahin ka lang 'nun." Mapanira kong sinabi.
Baka sakaling maniwala siya sa akin at hindi na ito masyadong lumapit sa lalaking 'yun. Lalo pa't nalaman ko na may gusto ito kanya.
Totoo din naman ang sinabi ko. Katulad nang ginawa niya kay Daphne. He said na hindi niya daw mahal. It sounds ridiculous, kung hindi niya mahal sana hindi niya ito binibigyan ng motibo.
"So parang ganun na rin yun?" Nakangiti pa rin siya.
"Hindi nga sabi. Ayoko lang na masaktan ka sa huli." Naiirita kong sinabi pero seryoso.
Ayokong maranasan niya ang sinapit ni Daphne dahil sa pagpakatanga sa lalaking 'yun.
Bigla naman itong sumeryoso. "Huwag kang mag-alala Rain. Hindi yun mangyayari." Kampante niyang sinabi na para bang sigurado na siya sa mga mangyayari.
I took a deep breath bago nagsalita. "Kahit na. Gusto ko na palagi ka lang sa tabi ko. Even you're so irritating and disgusting." Seryoso at totoo ang sinabi ko. Ganun 'yung nararamdaman ko sa kanya.
Kahit badtrip na badtrip ako sa kanya. Sa huli hindi ko pa rin mapigilan ang sarili na 'wag humingi ng sorry sa kanya. Hindi ko siya kayang tiisin. Gustong gusto ko siyang kasa-kasama sa bawat araw ng buhay ko. Not that I'm in love with her, si Daphne pa rin ang mahal ko. Walang duda 'yun.
"Seryoso? Bigla ka atang bumait." Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. I can't blame her palagi ko siyang sinusungitan kaya normal lang na ganyan ang mararamdaman niya.
Sa 'di ko malaman na kadahilanan bigla akong gumawa ng isang eksenang hindi ko inaasahan. "Sabi ko naman sayo susubukan ko. And there's no need to explain, kung bakit? It's just simply. I like the way you are." Nakikita at naramdaman kong nabigla siya sa sinabi ko. Kaya agad akong napaiwas ng tingin saka dumistanya.
BINABASA MO ANG
Bobita Queen
Roman pour AdolescentsSummer Keith del Valle ang super-duper gorgeous lady in town na may pagka feeling-era when it comes to her beauty and charms. She's almost perfect pero bilang tao may mga flaws and imperfections din. Being Bobita is her greatest downfall. Bobita Q...