Chapter 1: The black letter
Elle's Point of View
First day of school. Pagpasok palang namin sa gate ng school at ramdam ko na ang jolly ambiance dito. Isa ang Sheratton sa mga private school dito. Isa itong boarding school at napakayaman ng eskwelahan na ito.
"Mag enrol na tayo," aya ni Enn.
Tumango kami at nagpunta na sa Administration building para magpaenrol. "Ang haba naman ng pila," reklamo ko. Kasi naman ay nahuli pala kami ng punta dito. 8 o'clock na kami dumating eh 7 palang pala eh start na nang registration.
"Maghintay nalang tayo," sabi ni Cia cia.
Buti nalang at mabilis ang registration at mabilis kaming nakapagenrol. Tumambay muna kami sa garden dahil sa pagod. Sumandal ako sa may puno, sumunod naman sa akin yung lima.
"Dalian na natin at pumunta na tayo sa dorm," sabi ni Zell.
"Sige tara na," sabi naman ni Ash.
Kinuha na namin ang mga gamit namin. Ngayon na kasi kami maglilipat ng gamit since bukas na ang start ng first day. Nasa sixth floor pa ang room namin. Lahat kami ay magkakasama sa isang dorm. Anim na rooms kasi ang meron sa isang unit.
"okay dun ako sa may veranda!" sigaw ko nang makapasok kami sa dorm.
"Ako sa right ng room mo," sabi naman ni Enn.
"Ako sa left mo," si Cia Cia.
"Ako sa left ni Cia cia," sabi ni lyn lyn.
"Ako sa right ni Enn," si Ash.
"Ako sa right ni Ash," sabi ni Zell.
Nagkanya kanya kami ng pasok sa mga room namin. Inayos ko ang mga damit ko at inilagay ko sa closet. Naglalagay ako ng mga picture frame nang mabaling ang tingin ko sa picture ni lola.
This picture is when she is still alive, we are happy back then but she died. Nangingilid na ang luha ko kaya bago pa man ito tumulo ay itinaob ko na ang picture. I really miss my grandma.
Kukunin ko sana ang phone ko na ipinatong ko sa drawer na katabi ng kama ko nang mapansin ko ang isang black letter sa ibabaw ng mesa. Ano kaya yun?
Kinuha ko iyon at binasa. Nabitawan ko ang papel. Who the hell sent this?! Is this a prank or what?!
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ang nakasulat ay "First day, first blood" at nakasulat iyon gamit ang dugo. Hindi ako sure kung dugo ba talaga iyon pero sa tingin ko ay dugo nga iyon.
Lumabas ako mg kwarto para sabihin sa kanila pero nabigla ako nang lahat sila ay may hawak din sa itim na papel. Ganoon din ang nakasulat. Lahat kami ay shocked sa mga hawak naming papel.
"Nakatanggap din kayo?" tanong ni Enn.
"Oo," sagot ni Lyn lyn.
"Sino ba ang nagsend nito?!" iwinagayway pa ni Zell ang papel. Nanlaki ang mata ko nang may biglang tumulong dugo mula sa kamay niya. I'm sure that is blood.
"Z-zell? A-ano yang nasa k-kamay mo?" tanong ko habang nauutal.
Napatingin silang lahat sa kamay ni Zell, "B-blood?"
"Zell we have to treat your wound right away!"
Kinuha ni Cia cia yung medical kit na nasa comfort room. Sinulyapan ko ulit yung black letter. Lumapit naman sa akin si Enn at Ash.
"Who could have sent this?" naguguluhang tanong ni Ash.
"I don't know," sagot ni Enn.
"But we better find out."
Hindi ako sigurado sa sinabi ko but I want to find out who sent that. I may be sound determined but I'm scared deep inside. I don't want any of us to be hurt.
• • • • • • • • • • • • • • • •
Naalimpungatan ako kaya bumaba muna ako. Naabutan ko sila Ash, Zell, Cia-cia at Lyn lyn sa baba. Nagtimpla ako ng coffee tsama umupo sa tabi ni Zell.
"Hindi rin kayo makatulog?" tanong ko.
"Binabagabag pa rin kasi ako nung letter na yun eh," sabi ni Lyn lyn.
"Ako rin. Sa takot ko nga eh nilock ko lahat ng bintana at pinto ng kwarto ko," sabi naman ni Cia-cia.
Lumabas naman mula sa kwarto niya si Enn. "Oh Enn akala namin tulog ka na," sabi ko.
"Hindi ako makatulog," sagot niya.
"Oh eto muna kape," inabot niya ang kape na binigay sa kanya ni Lyn lyn.
"Thanks."
"Libot kaya muna tayo sa campus para naman hindi tayo maligaw bukas sa laki ba naman ng Sheratton." sabi ni Zell. Gusto ko rin maglibot kahit na nakakatakot.
YOU ARE READING
Sheratton's Mystery Murders
Mystery / Thriller"simula ng magaral kami dito, naging magulo ang lahat, yung inakala naming simple lang kaming magaaral... Akala namin isa lamang itong typical school Ang magulong paaralan ay bigla nalang naging tahimik.. Ang mga bullies ay biglang tumiklop, lumab...