Chapter 7 ~ [Elle]

19 4 0
                                    


Chapter 7: Rooftop

Elle's Point of View

Nakarinig kami ng malakas na kalabog at nakakita kami ng black envelope. Lumapit kami nila Zell at Enn dito. Binuksan iyon ni Zell.

"Piliin ang pagkakatiwalaan
Hindi lahat ng nakikita ay totoo" yan ang nakasulat.

"Ano namang ibig sabihin niyan?" tanong ni Zell.

"Hindi ko alam," sagot ni Enn.

"Parang ibig sabihin niyan eh wag tayong basta magtitiwala sa kung sino sino na hindi pa natin sobrang kilala. At may mga tao na nagpapanggap lang. May possibility na isa sa nga taong kakilala natin ang killer," sagot ko naman.

"Dapat naman talaga ganun ang gawin natin eh," sabi ni Ash na hindi ko napansin ay nakalapit na pala sa amin.

"Tara na guys. Balik na tayo sa room."

Sinundan namin si Cia Cia. Bago umalis ay pinulot ko ang black envelope na naglalaman ng letter. Gusto kong malaman ang totoong meaning ng letter.

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Pagbaba ko nandoon pala sa kusina Ash. Nagluluto siya ng agahan namin.

"Good morning," bati ko sa kanya.

"Good morning."

Pagtapos niyang magluto ay pinatawag niya sa akin yung apat. Ginising ko silang lahat at sabay sabay na kaming kumain.

"Guys ha, tandaan niyo yung nakasulat sa letter. Make sure that you will be careful to the people around you. You don't know who to trust now," paalala ni Cia Cia sa amin. Umoo naman kaming lahat sa kanya.

Pagkatapos ng breakfast namin ay nagpunta muna kami sa kanya kanyang kwarto para magayos bago pumunta ng school.

"Huy. Samahan niyo muna ako dun sa rooftop," sabi ni Lyn Lyn.

"Ano namang gagawin mo dun?" tanong ni Cia cia.

"Eh kasi naiwan ko yung assignment ko dun. Eh natakot akong bumalik kahapon dahil nga sa nangyari."

"Sige na. Samahan na natin," sabi ni Ash.

Pagkarating namin sa rooftop ay nakatitig lang kami sa pinto.

"Ikaw na magbukas," sabi ni Cia cia at tinuro si Enn.

"Bakit ako?! Elle ikaw na!" sabi naman ni Enn.

"Hala! Bakit ako? Ash! Ikaw na," turo ko naman kay Ash.

"Zell!"

"Ako na nga!"

Binuksan ni Zell ang pinto. Wala na ang katawan ni Ivan dahil kinuha na ng mga pulis ang bangkay niya kahapon. Pero may mga bakas pa rin ng dugo sa sahig.

"Hanapin m-mo na a-ang a-ssignment mo Lyn," nanginginig na sabi ni Ash.

Aligaga namang hinanap ni Lyn lyn ang assignment niya.

"Anong ginagawa niyo dito?"

"Waaaahhhh!!!" sabay sabay na sigaw naming anim ng may biglang magsalita. Napatingin ako sa pinto ng rooftop. Nakatayo doon yung nerd na nagsabi sa amin ng mga creepy things.

"Magingat kayo.........malapit na ang isa sa inyo," at isa isa niya kaming tinignan.

Naramdam ko ang malakas na pagtibok ng puso ko. Gosh! He's so creepy.

Napalunok ako nang makaalis na siya sa rooftop. Nagkatinginan kaming anim.

Ano ba ang ibig sabihin ng nerd na yon?! Nakakainis na ha! Hindi niya nalang deretsuhin! Hindi yung nanglilito pa siya!

Nakabusangot ang mukha ko habang naglalakad kami papunta sa classroom. Nabubwisit ako sa nerd na yun eh. Ayaw pang deretsuhin kung sino sa amin ang mamatay. Para ready kami.

Habang nagkaklase ang teacher namin ay hindi ako nakikinig. Kokopya nalang ako kay Ash ng notes. Alam ko naman na yung tinuturo ni Sir Math eh. Qualitative and Quantitative lang naman yun.

Matapos ang klase ay umuwi na agad kami sa dorm. Inaantok na ako kaya pagkabihis ko ay humiga na agad ako sa kama.

• • • • • • • • • • • • • • • • • • • •

Sheratton's Mystery MurdersWhere stories live. Discover now