Chapter 25: Secret Door
Elle's POV
Ilang araw na rin ang nakakalipas simula nung mawala ma parang bula si Cia-cia. Hanggang ngayon wala pa rin kaming kaide-ideya kung nasaan siya. Ito namang si Lyn-lyn nagmukmok ng nagmukmok simula rin nun.
"Nasaan na ba kasi yang si Cia-cia?" tanong ni Ash.
"Oo nga. Di ako sanay na wala akong kabangayan," nakangusong sabi naman ni Enn. Sabagay, medyo naging peaceful ang dorm dahil hindi nagsisigawan si Enn at Cia cia.
Natahimik ako bigla. Iniisip ko kung nasaan si Cia-cia. Sana naman hindi pa siya patay? Jusko po, alam kong medyo may kaartehan, na may kabungangaan yang si Cia cia pero sana naman hindi pa siya patay. Kahit na conyo yun mahal pa rin naman namin yun. Lalo na ni Lyn lyn.Simula kasi ng mawala si Cia cia, hindi na gaanong kumakain yun eh. Nagaalala nga kami na baka maging kasingpayat siya ni Enn.........sige kasing payat ko na rin. Huhu. Hindi naman ako ganung kapayat na para na akong balat na tinubuan ng buto.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Kakatapos lang ng klase ng iapproach ako ng kamember kong bakla. Si Skylar.......heaven ang tawag namin sa kanya. Mas maganda daw kasing pakinggan.
"Huy girl, pano na yung group presentation natin. Ang shokla naman nung main role eh," maarte niyang sabi.
Ako na nga pala ang leader ngayon dahil umapela si Ash. Ayaw daw niya ng napakaraming gawain kaya ayan, pinasa sa akin.
"Next week pa naman yun Sky--este Heaven," pagbawi ko sa sinabi ko kasi sinamaan niya ako ng tingin. Ayaw niyang tawagin siyang Sky or Skylar. Hmp! Arte.
"Asikasuhin niyo muna yung madadali. May mas importante pa kasi kaming gagawin eh."
Saka ako nagmamadaling lumabas ng classroom. Buti nalang at naabutan ko pa sila JV.
"Uhy Elle, nahanap niyo na ba si Cia-cia?" tanong ni JV.
"Hindi pa nga eh," nanghihinayang kong sagot.
"Wag kayong magalala, mahahanap din si Cia-cia! Tutulungan pa namin kayo," pag-cheer up sa amin ni Duncan. Napangiti nalang kami, well, maliban kay Lyn-lyn.
"Wala na tayong klase ngayon di'ba? Bakit hindi nalang tayo magsimula sa paghahanap ngayon?" suggest ni Zell.
"Oo nga. Sige," nag-agree kaming lahat sa suggestion niya.
Imbis na maghiwa-hiwalay, sama sama kaming naghanap sa buong Sheratton. Baka kasi kapag naghiwahiwalay kami ay may mapahamak sa amin.
"We searched almost the whole Sheratton, but no luck!" sabi ko.
"Magpahinga muna tayo," saka naupo sa damuhan si Sean.
Sumunod naman ang iba. Naglingon lingon muna ako sa paligid. Teka.....ano yun? Lumapit ako roon. Hinila ko ang braso ni JV at tinuro ang nakita ko.
"Ano yan?" tanong niya. Nagkibit balikat naman ako.
"Anong tinitignan niyo diyan?" nabigla kaming dalawa ng nasa likod na pala namin yung iba.
"May nakita kasi akong parang pinto. Pero nakatago siya sa damuhan," turo ko sa pinto.
Lumapit si Josh doon at pilit na binuksan ang pinto. Tinulungan siya nung ibang lalaki para buksan iyon. Nabuksan naman nila.
Sobrang dilim ng mabuksan nila ito. Nagkatinginan kami at sabay sabay na napalunok.
Kahit na natatakot ay pumasok pa rin kami. Tanging mga flashlights ng phone namin ang nagiging ilaw namin.
"Dead end?" takang tanong ni Lyn lyn.
"Kyahhhh!" sigaw ko ng may biglang matumba sa unahan ko.
"Statwa lang yan Elle," natatawang sabi ni Dave kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Guys tignan niyo ito, diba sila Diane ito?" turo ni Zell sa mga pictures na nakadikit sa pader.
"Teka. Lahat ng ito ay yung mga kaklase natin na namatay! At........si Cia-cia!" kianakabahang sambit ni Ash.
"Nakacross out lahat gamit ang....DUGO!?" sigaw ko. Nahawakan ko kasi yung picture ni Cia cia. Ramdam ko ang takot sa aming lahat.
Pansin ko rin ang kaibahan ng picture ni Cia cia sa iba. Yung iba ay crossed out na talaga at halot hindi na makita ang larawan pero yung kay Cia cia ay almost crossed out palang.
"Bakit may mga picture natin dito?" tanong ni JV.
Oo nga, buong klase namin ay nandito. "I don't know."
"Sino naman ang may gawa nito?" tanong ni Enn.
"Could it possibly be the killer?" tanong ko.
"Kung oo, dapat lumabas na tayo dito bago pa niya tayo maabutan," kinakabahang sabi ni Franchz.
Nagmamadali ngunit maingat kaming naglakad palabas. Mabuti nalang at nakalabas kami ng ligtas.
"Hindi naman siguro patay si insan hindi ba?" nagaalalang tanong ni Lyn lyn. Alam kong nababahala siya sa posibleng kalagayan ni Cia cia. Kahit ako ay kinakabahan na rin.
Natatakot ako para sa mga kaibigan ko. Hindi kami safe sa eskwelahan na ito lalo na at ang pinupuntirya ng killer ay ang section namin.
"Ihahatid na namin kayo sa dorm ninyo para makapagpahinga na kayo," sabi ni Duncan.
Pagdating namin sa dorm ay nagpaalam lang kami sa kanila saka pumasok. Pagpasok ko sa kwarto ko ay agad akong nagbihis at nahiga sa kama.
Ano kaya ang problema ng killer sa section namin? Bakit ang section lang namin ang pinupuntirya niya?
~~~•••~~~•••~~~•••~~~•••~~~•••~~~
YOU ARE READING
Sheratton's Mystery Murders
Mystery / Thriller"simula ng magaral kami dito, naging magulo ang lahat, yung inakala naming simple lang kaming magaaral... Akala namin isa lamang itong typical school Ang magulong paaralan ay bigla nalang naging tahimik.. Ang mga bullies ay biglang tumiklop, lumab...