Chapter 2: The Nerd
Enn's POV
Tumambay muna kami after mag enroll at sumunod kami kay elle sa punong sinandalan niya.
"Dalian na natin at pumunta na tayo sa dorm," sabi ni Zell.
"Sige tara na," sabi naman ni Ash.
Kinuha na namin ang mga gamit namin. Excited na kinakabahan ako kasi parang ang ganda dito sa Sheratton pero mukhang ang aangas naman ng mga students. Nasa sixth floor pa ang room namin. Lahat kami ay magkakasama sa isang dorm. Anim na rooms kasi ang meron sa isang unit.
"okay dun ako sa may veranda!" sigaw ni Elle nang makapasok kami sa dorm.
"Ako sa right ng room mo," sabi ko naman sa kanya.
"Ako sa left mo," si Cia Cia.
"Ako sa left ni Cia cia," sabi ni lyn lyn.
"Ako sa right ni Enn," si Ash.
"Ako sa right ni Ash," sabi ni Zell.
Pumunta na kami sa mga room na gusto namin at hindi ko maipag kakailang malaki nga talaga ang Sheratton. White ang color ng wall at may boarder na pink. Ang cute ng walk in closet kasi nung pag open ko ay may naka vandalize don na inspirational na mga words. Inayos ko ang damit ko at isinabit ko sa hook sa likod ng pinto ang damit ko para bukas. Wala pang ina-announce na mayroong uniform.
Oo masaya ako ngayon pero hindi maalis sa isip ko ang sakit kodahil meron akong lung cancer. Sana kagaya na lang ako nila na masayang nabubuhay at walang sakit na pinoproblema.
Ipapatong ko na ang dala kong lamp shade at family picture namin sa picture frame na white nang makita ko ang isang black envelope siguro welcome letter ng Sheratton. Pero kinabahan ako ng binuksan ko tumambad sa akin ang "First day,first blood" . Kinabahan agad ako at lumabas pero nakita ko ang mga kaibigan kong nasa labas ng kanilang pinto at may bitbit na black envelope at hindi maka paniwala sa nabasa nila.
The heck hindi ko sila masisisi kahit ako shock pa din.
Alam kong hindi prank to dahil sinulat ito gamit ang dugo.
"Nakatanggap din kayo?" tanong ko.
"Oo," sagot ni Lyn lyn.
"Sino ba ang nagsend nito?!" iwinagayway pa ni Zell ang papel. Nanlaki ang mata ko nang may biglang tumulong dugo mula sa kamay niya. Blood. Bakit nag karoon ng dugo sa kamay niya.
"Z-zell? A-ano yang nasa k-kamay mo?" tanong ni Elle habang nauutal.
Napatingin ang lahat sa kamay ni Zell, "B-blood?"
"Zell we have to treat your wound right away!"
Kinuha ni Cia cia yung medical kit na nasa comfort room. Nakita kong sinulyapan ni Elle ang letter at lumapit kami ni Ash sa kanya.
"Who could have sent this?" naguguluhang tanong ni Ash.
"I don't know," sagot ni Elle.
"But we better find out." determinadong tuloy ni Elle sa sinabi niya.
Yes we need to find the sender of the letter no matter what. Kahit pilitin ko ang sarili kong paniwalain na prank lang to. Parang ayaw tanggapin ng sistema ko. We need to know who is the sender. Kung prank man to hindi to magandang prank.
"Guys wag tayong mag pahalata nang takot bukas. Kailangan nating ipakita sa kanila na matapang tayo at hindi tayo masisindak sa pananakot nila." sabi ko.
"Yes." sabay sabay nilang sagot.
Hindi namin kailangang mag pakita ng takot dahil kailangan naming maging matapang sa harap nang sender hindi namin alam kung isa ba sa mga kaklase namin ang sender since mag kakaklase kaming mag babarkada.***
Gabi na pero hindi pa din ako makatulog. Kahit anong gawin ko hindi ako makatulog. Bumaba ako dala ang phone ko sa bulsa papuntang kusina para uminom ng tubig. Pero nagulat ako nung makita sila Elle,Zell,Ash,Cia-Cia at lyn-lyn sa dinning room at umiinom ng kape.
"Oh Enn akala namin tulog kana." sabi ni Elle.
"Hindi ako makatulog." rason ko dahil totoo naman.
"Oh eto muna kape." inabutan ako ni Lyn-lyn ng kape.
"Thanks."
"Libot kaya muna tayo sa campus para naman hindi tayo maligaw bukas sa laki ba naman ng Sheratton." sabi ni Zell na parang walang nangyari kanina.
"Yeah. It is better since lahat naman tayo ay hindi makatulog." pag-sang ayon ni Cia-cia kaya pumayag na kaming lahat.
Lumabas kami at nag-lakad lakad at parang napansin ko ng taong nakaupo sa isang bench habang nakatingala ang ulo at tinitingnan ang mga bituin.
"Guys tingnan nyo may tao." sabi ko.
"Oo nga tara ting nan natin."-Elle.
Lumakad kami nang dahan dahan.
"Kuya bakit gising ka pa." tanong ni Ash galing sa likod.
Humarap sa amin ang lalaki at isa itong typical nerd .
"Mag-iingat kayo." sabi nang nerd at iniwan kaming nakatulala.
"What mag-ingat? diba dapat nga siya ang sabihan nating mag-ingat sa mga bullies."-Lyn-lyn.
"Yes. Hindi pa ba kayo inaantok guys?" tanong ni Cia-cia. At para namang nakaramdam na ako ng antok.
"Tara bumalik na tayo." pag sangayon ko at bumalik na kami.
Natulog na ako at nag dasal para bukas.
Sana mahanap na namin yung sender.
YOU ARE READING
Sheratton's Mystery Murders
Misteri / Thriller"simula ng magaral kami dito, naging magulo ang lahat, yung inakala naming simple lang kaming magaaral... Akala namin isa lamang itong typical school Ang magulong paaralan ay bigla nalang naging tahimik.. Ang mga bullies ay biglang tumiklop, lumab...