Chapter 3 ~ [Zell]

33 4 0
                                    

Chapter 3: First day, First blood

Zell's POV

Maaga kaming gumising dahil plano nga naming libutin ang buong campus pero mukang malabong mangyari yun dahil sa sobrang laki ng school baka last subject na kami makapasok.

So, ang plano namin ay hanggang 7:30 lang kami then mag aayos na kami para pumasok ng 8.

Around 4:30 nung ready na kaming lumabas at mag jogging na rin. "Anong una nating pupuntahan?" tanong ko sa kanila. Si Enn ang sumagot sakin.

"Sa hallway muna." sabi nito at tumango kaming lahat. Naglalakad kami ngayon papuntang hallway habang nag tatawanan sina Cia Cia at Lyn Lyn. Di ko magawang tumawa dahil parang may maling mangyayari, nangyari o nangyayari ngayon.

Nang makarating kaming hallway biglang humamgin ng malakas kaya naman napayakap ako sa braso ko. Nakalimutan ko kasi yung jacket ko, ang layo pa naman ng dorm namim dito.

Lalong dumagdag yung itsura ng hallway na toh sa kaba ko. It was like a creepy hallway. May ilaw hanggang sa dulo pero masyadong dim at kulay yellow. Wala ring classroom na may ilaw dahil nga 8 pa ang klase namin. Sa may dulong part medyo namamatay matay yung ilaw.

"Anp guys? Tutuloy o hindi?" nakangiting tanong ni Ash. "Ghost Hunting?" tanong nito. Nag sitanguan naman kaming lahat na animoy hindi natatakot kung mayron nga kaming makita dito.

Naglakad kami, dire diretso habang walang umiimik samin. Na para bang lahat kami nakakramdam na ng takot kahit wala naman talagang multo kaming nakita rito. Habang papunta kami sa dulo biglang namatay ang ilaw. Hindi ako nakagalaw sa kintatayuan ko dahil akala ko andito parin sila. Ilang minuto ang lumipas habang nakatayo parin ako nang biglang bumukas ang ilaw. Ako lang mag isa ang nandito, wala akong kasama na para bang naiwanan na nila ako which is partly true.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko dahil nag babaka sakali ako na makita ko sila dahil baka naman dumiretso lang sila at hindi nila ako napansin. patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa mapatigil ako ng hindi ko alam ang dahilan. 

Para bang may nagmamasid sakin kaya lumingon ako sa likod ko at sa gilid ko. Wala naman akong nakita pero pakiramdam ko ay may nagoobserba sa bawat galaw at kilos ko. At hindi sya simpleng tao na para bang napadaan lang. Iba ang kutob ko, hindi ako duwag na basta na alng matatakot. Nangyari na rin to sakin, pero pilit ko na alng kalimutan ang nakaraan ko. Dahil ayokong may ibang madamay.

Binaliwala ko ang nararamdaman ko at humakbang ulit. Mabigat ang bawat hakbang ko na para bang may humahabol sakin at kailangan kong takasn ito. Nakakabingi ang katahimikan sa hallway at tanging ang sapatos ko lang ang naririnig kong tunog. Sa pagmamadali ko ay bigla na lang akong nadapa. Nakayuko ako habang nakaluhod. 

'hhhmmmm.' May narinig akong sobrang hinang tunog na parang bang isang taong pilit kumakawala pero pilit ring tinatakpan ang kanyang bibig.

Napansin ko ang isang classroom na bukas at may ilaw sa loob. Wala namang ganito kanina, walang bukas na room kanina dito dahil ang alam ko yung sa labas lang ang bukas hanggang sa dulo at ito na nga ang dulong room. At dahil sa pagiging curious ko, pinuntahan ko ang room at sinilip.

Ibang kaba ang naramdaman ko sa pagsilip ko sa room. Para bang sobrang terror na teacher ang makikita ko dito at pagagalitan ako. O di kaya naman ay may multo na talaga dito at ako lang ang pinagpakitaan nya. Sa sobrang takot ko na baka nga may multo ay napahawak ako sa dibdib ko at ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Ayoko na sanang pasukin pa pero parang may nag udyok sakin na tumuloy kaya yon ang ginawa ko. Napatingin ako sa ilalim ng teacher's table at parang mayroong sapatos dun. Black shoes to be specific at may paa na pinag susuotan nun. Sa sobrang curious ko kung ano yun ay lumuhod ako para silipin yon.

"Aaaaaaahhhhh!" sigaw ko na halos ito na ang huling boses na lalabas sa bibig ko. S-sino ang gumawa nito? ...May nakita akong babae, sya ang may suot nung blackshoes. Nasa ilalim ng teacher's table at nakadapa. Nakasuot sya ng uniform namin at dilat na dilat ang mga mata habang may natulong dugo mula sa bibig. May bakat ng kamay sa paa nya at pati na sa bibig, may nakatarak na kutsilyo sa leeg at pumupuslit ang dugo mula roon. Napaupo ako kasabay ng pag tulo ng luha ko ang pag patay sindi ng ilaw sa loob ng classroom. 

Biglang may humawak sa balikat ko kaya ako napagitli. Si Ash. Niyakap nya ako at pilit na pinapatahan. Tinatanong nya ako kung bakit ako naiyak at tanging pag turo lamang sa kung ano ang nakita ko ang naisagot ko. Tumingin sya don, ganun din sina Cia Cia, Lyn Lyn, Elle at Enn. "Oh My God!" bulalas nila.

"S-sino ang gumawa nito? B-bakit?" tanong naman ni Lyn Lyn. Walang sumagot ni isa sa amin, binalot kami ng katahimikan hanggang sa may pumasok sa room. Professor ito sa tingin ko dahil naka suot sya ng uniform na katulad ng sa mga teacher.

"Jusko!" sabi nito at agad kaming tinanong kung ayos lang kami. Sila ang sumagot dahil hindi parin ako makakilos o makapag salita man lang. "Mga bata, umuwi na muna kayo sa Dorm nyo at kami na ang aayos dito." sabi nya.

Inalalayan ako ni Ash at Enn pauwi. Nakasalubong namin yung nerd nung madaling araw at mariin itong nakatingin sakin at biglang ngumisi. 

"Sabi ko naman sa inyo."

• • • • • • • • • • • • • • • • • • • •

Sheratton's Mystery MurdersWhere stories live. Discover now