Chapter 19: Another Victim
Elle's Point of View
Pagkatapos ng klase namin ay nagpunta na kami ng cafeteria para maglunch. Kasabay nga pala namin yung tatlo. Sila JV, Sean at si Josh.
"Guys, dun tayo sa gitna," turo ni Cia cia sa vacant table na nasa gitna. Pupusta ako ng 100, kokontra si Enn diyan. In 3....2.....1......
"Dun nalang tayo sa gilid. Masyadong exposed kapag nasa gitna tayo," sabi sa inyo eh. Kokontra at kokontra si Enn. At dahil diyan nagsimula na naman ang away nila.
"Manahimik nga kayo! Naririndi na ako sa mga sigaw niyo eh," awat ko sa kanilang dalawa. Tumigil naman silang dalawa sa pagbabangayan. "Good," sabi ko at umupo sa vacant table na katapat lang halos namin.
Naupo naman sila sa mga vacant seat. "Kami nalang ang oorder," sabi nung si Josh. Tumayo naman ang tatlong lalaki at nagpunta na sila sa counter para umorder.
"Hi! Can I ask you a question?" tanong nung isang lalaki kay Lyn Lyn. Siya kasi ang nasa may dulo ng table.
Bumaling ang tingin namin kay Lyn Lyn. At ang loka! Nakatulala sa lalaki. Iniscan ko yung lalaki. Well, not bad. Gwapo naman siya, may katangkaran, maputi, matangos ang ilong.
"Y-yeah. S-sure," may pautal utal factor pa itong si Lyn lyn eh.
"Kilala niyo ba sila JV, Josh at Sean? Kanina ko pa kasi sila hinahanap dito eh. May nakapagsabi na tanungin ko daw kayo."
"Ah...oo kilala namin sila. Bakit mo natanong?" biglang singit ni Cia cia kaya nakatanggap siya ng mahinang hampas mula kay Enn. "Ano ba?" singhal niya dito.
"Oo. Actually dito sila nakaupo."
Pagkasabi nun ni Lyn lyn ay dumating na yung tatlo dala ang mga pagkain namin.
"Oh, Dave!" tawag ni Sean kay Dave daw. So, Dave yung pangalan niya.
"Andito lang pala kayo. Kanina ko pa kayo hinahanap eh."
"So Franchz nandyan ba?"
"Oo. Naghiwalay kami ng pinaghanapan. Saglit tatawagan ko lang."
Naupo na sila. Dahil katabi ko naman si JV ay nagtanong ako sa kanya. "Kakilala mo siya?"
"Oo naman. Magkakaibigan kami simula elementary."
"Ah...okay."
Ilang sandali lang ay may bigla naman na dumating sa table ulit namin. Lalaki rin siya. Gwapo din, hindi ngalang ganun katangkaran.
"Oh Franchz. Tara dito."
"O may mga kasama pala kayong babae."
"Oo. Eto nga pala si Ash,Elle, Zell, Cia cia, Lyn Lyn, at Enn," pagpapakilala ni Sean sa amin.
Napansin ko na napatingin si Franchz kay Enn. Oohh, I smell something fishy.
Sabay sabay kaming kumain sa cafeteria. Masaya naman silang kasama dahil nakikisabay sila sa kwentuhan namin.
Pabalik na sana kami ng classroom ng may makasalubong namin si Duncan. "Zell, buti nakasalubong kita."
"Bakit? Anong meron?"
"Wala naman. Aayain lang sana kita. Wala na kasi tayong klase ngayon."
"Ah ganun ba. Sige tara na!" loka talaga si Zell. Basta sama oh! Palibhasa gwapo si Duncan.
Pagalis nung dalawa ay nagpasya kaming bumalik ng classroom para kunin ang mga bag namin.
"Buti nandito na kayo. Hanap kayo ni Ma'am Science," sabi ng isa namin kaklase.
"Bakit?" tanong ko.
"Ahh...hindi ka kasama Elle. Pati ikaw JV. Sila lang," turo niya sa walo.
"Sige. Susunod na kami. Kayong dalawa. Maiwan na muna namin kayo," sabi ni Ash at hinila si Sean palabas ng classroom.
Naiwan kami ni JV sa loob ng classroom dahil unti unti ng naglalabasan ng classroom ang mga kaklase namin. Babalik na siguro sila ng dorm.
"Tara labas tayo. Libot muna tayo ng school," aya ni JV.
Pumayag ako dahil wala rin naman akong gagawin sa dorm.
"Napaghahalataan ko yang mga kaibigan mo," biglang sabi niya habang naglalakad kami papuntang Admin. Building.
"Obvious kasi sila. Lalo na si Cia cia."
"Halata naman na gusto niya si Josh eh. Tapos si Ash, halatang may gusto kay Sean."
"Can't blame them though. Gwapo naman si Josh at Sean eh."
"Tss."
"Problema mo?" umiling lang siya. "Bahala ka nga sa buhay mo." sabi ko at nauna ng naglakad sa kanya.
Naramdaman ko naman na sumunod siya sa akin.
"Aaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!"
Agad na napatigil ako ng paglalakad at kinakabahang lumingon kay JV.
"N-narinig mo yun?" tumango siya. Alam kong galing sa classroom namin yun.
Nagmamadaling tumakbo kami pabalik ng classroom. Pagdating namin dun ay naabutan namin ang mga estudyante na pinapalibutan ang pinto ng classroom.
"Excuse me," hinawi ni JV ang mga estudyante para makita namin kung anong nagyayari.
Ano na naman ito?!
Si Dianne. Nasa loob siya ng classroom at ang katawan niya ay punong puno ng dugo. Pilit na sinisipa ng mga lalaki ang pinto.
"Meron na naman?!" nababahala na may halong inis na sabi ni Enn.
Nakabalik na pala sila galing sa Science Department.
Nang mabuksan ng mga lalaki ang pinto ay huli na ang lahat. Patay na si Dianne.
I took the chance to take a look at Dianne's conditon. May mga nakatusok na needles sa katawan niya. Tapos may barbed wire na nakadikit sa katawan rin niya.
That's so brutal.
Malapit na akong masukaaya bago pa mangyari yun ay tumalikod na ako.
Ano ba ang kailangan ng kung sino man ang gumagawa nito sa section namin? I don't understand him...or her.
• • • • • • • • • • • • • • • • • • •
YOU ARE READING
Sheratton's Mystery Murders
Mystery / Thriller"simula ng magaral kami dito, naging magulo ang lahat, yung inakala naming simple lang kaming magaaral... Akala namin isa lamang itong typical school Ang magulong paaralan ay bigla nalang naging tahimik.. Ang mga bullies ay biglang tumiklop, lumab...