chapter 13 ~ [Elle]

24 3 2
                                    

Chapter 13: Is this Life?

Elle's POV

Pumasok ako sa kwarto ko at iniwan sa sala yung lima. Bakit ba kasi ganun yung topic nila? Kainis naman oh.

Nagulat ako ng biglang may bumagsak na bato mula sa bintana ng kwarto ko. Pinulot ko iyon at binasa...

Pssssst
     -JV

JV? sa kanya galing to? Nagpunta ako sa veranda ng kwarto. Nagulat ako nang makita ko siyang nakaupo sa puno na katapat ng kwarto ko.

"J-JV? A-ano bang g-ginag-gawa m-mo dyan? B-bumaba ka nga diyan!" gosh! Ba't ba ako nauutal?

"Ano kasi pwede ba tayong magusap?" nahihiya pa niyang tanong.

"Ha? Ngayon na?"

"Oo sana."

"Ah sige wait lang."

Sinara ko agad ang pintuan ng veranda at nagtungo sa may pintuan para kunin yung jacket ko.

Naabutan ko naman siya sa tapat ng pinto ng dorm. "Ano bang paguusapan natin?" tanong ko pagkakita ko sa kanya.

"Tara dun tayo sa may garden," naglakad naman kami papuntang garden. "Gusto lang sana kitang kamustahin."

"Ha? Bakit naman?"

"Kasi kanina, nung kausap ko si Ash, panay ubo ka. Baka may sakit ka," sagot niya at nagkamot pa sa batok. Kinakabahan ba siya?

"Ah yun ba? Wala yun. Nakalanghap lang ako ng sweet scent *ehem* kaya ganun," sabi ko.

"Ayan inubo ka ulit, okay ka lang ba talaga?" tumango ako.

Nagkwentuhan pa kami ni JV. Hindi namin namalayan yung oras at nakita ko nalang na 11pm na.

"Ahhh.....hatid na kita sa dorm niyo," aya niya.

"Sige."

Nagsimula na kaming maglakad papuntang dorm namin. Pagkatapat namin ay humarap ako sa kanya para magpaalam.

"Sige bye. Bukas nalang ulit."

"sige bye. Ingat ka."

Pumasok na ako sa dorm namin. Pagkabukas na pagkabukas ko palang ng pinto sa dorm ay naririnig ko na ang sigaw ni Lyn lyn.

Napatakbo ako papunta sa kanya. Pinipigilan siya nila Zell at Cia cia. Lumapit ako sa kanila.

"Anong nangyayari?" nagaalalang tanong ko.

"Si lyn lyn. May nakita siyang patay na pusa sa kwarto niya. Tapos may nakatusok na kutsilyo sa katawan ng pusa," paliwanag ni Cia cia.

"Si cia cia yung unang nakakita kay Lyn Lyn. Nung lumabas kasi siya ng kwarto para sana uminom ng tubig naabutan niyang nakabukas ang kwarto ni Lyn Lyn.," sabi naman ni Ash.

"Traumatized na naman si Lyn Lyn. Sino ba kasing nagpadala ng pusa na iyon?" nanggagalaiting tanong ni Enn.

"Kahit naman ako matotrauma kung makakakita ako ng ganun," kinikilabutang sabi ko.

Buti nalang at kumalma na si Lyn lyn. "Si lyn lyn na ba ang kasunod? Pagkatapos si Ash si Lyn naman? Ghad! I can't take this!" sigaw ni Cia cia.

"Kailangan nating kausapin si JV. Siya ang nakakaalam ng maaaring mangyari!" sigaw ni Ash.

"Sino ba ang pwedeng kumausap kay JV?" tanong ni Zell. Nanlaki naman ang mata ko ng sabay sabay silang tumingin sa akin.

"ELLE!"

"Bakit ako?!"

"Kasi nakausap mo na siya!" sagot ni Enn.

"Ako lang ba? Ayan si Ash oh!"

"Wait! Speaking of nakausap! Nabanggit ni Lyn Lyn sa akin kanina na tinawag ka daw ni JV," sabay ngiti ng nakakaloko ni Cia cia.

"Wala yon!"

"Wag kang masyadong defensive!" sabay na sigaw ni Enn at Ash.

"Hindi kaya ako defensive!"

"Bakit ma nasigaw! Kung hindi ka defensive bakit ka nasigaw?"

"Kasi nasigaw din kayo kanina!"

"Basta! Ikaw na ang makikipagusap kay JV! Sama mo nalang si Ash at Enn," sabi ni Lyn lyn.

Oh ghad! Is this life?

•••••••••••••••

Sheratton's Mystery MurdersWhere stories live. Discover now