Chapter 14: Invitation?
Enn's Point of View
Umaga na ngayon at nag aayos na ako tutal wala namang pasok ngayon. Ngayon namin kakausapin si Jv.
Pag labas ko ay nakabihis na si Elle pero wala pa si Ash.
"Aga ah."
"Anong maaga ako kaya pinaka mabilis kumilos."
"Ahh kaya pala ikaw ang dahilan kung bakit tayo nalelate.MINSAN."
"Ooyyy hin---"
"Oo kaya at saka kaya nga minsan diba."
"Tsk. Oo na. Andyan na si Ash."
Si Zell at cia cia ang maiiwan sa bahay. At hindi ko alam kung bakit kami ni Ash ang pinasama.
"Let's go?" aya ni Ash at sumama na kami.
"Guys pero sa totoo lang nung papunta ako sa room ni Cia cia mang heheram kasi ako ng book may narinig akong kumalampag sa kwarto ni Lyn lyn akala ko naman kasi eh si Lyn lyn lang. Nalimutan ko na tuloy mangheram ng libro." -Ash.
"Ano bayan palala ng palala ang mga nangyayari sa atin."-Elle.
"Teka saan nga pala n lupalop ng campus natin hahanapin si Jv.?" Tanong ko.
"Sa library." mabilis na sagot ni Elle.
"Woow." sabay na sabi namin ni Ash.
"Pano mo naman nalaman. Close kayo?" tanong ko.
"Ahh ehh hindi napag kuwentuhan lang namin."
"Wow may heart to heart talk na naganap." -Ash.
"Shut up pumunta na lang tayo sa library."-Elle.
Pag punta namin sa library ay sinundan namin si Elle na pumunta sa novel section don. And nandun nga si Jv the nerd.
"Psst." tawag ni Elle kay Jv bawal kasing maingay. Nang makuha niya ang atensyon ni Jv ay tinuro niya ang pinto at lumabas kami.
Saglit lang kaming nag hintay sa labas dahil lumabas na agad si Jv.
"Bakit?"
"K-kase alam mo ba kung sino ang nag send nang pusa sa kaibigan naming si Lyn lyn?"
"Hindi." nag aalalang tanong niya.
Na pang hinaan ako nang loob sa sinabi niya.
"Pero mag iingat kayo wag na kayong makigulo sa mga gulo dito sa Sheratton." nag aalala pa ding sabi niya.
Bumalik na kami sa dorm at may nakita daw sila Zell na invitation letter from Sheratton pero hindi pa nila binubuksan hinihintay pa nila kami.
"Enn buksan mo na."
"Ok."
Pag bukas ko ay ito ang nakasulat at binasa ko sa kanila ng malakas.
Good day everyone Sheratton is having a Pool Party. Everyone is invited.
"Wow may pa pool party."
"Walang date."
"Teka ito o sa likod meron."- Turo ko.
Tuesday.
Since Sunday ngayon kaunti na lang ang time ng school para mag prepare.
"Sama tayo guyys."-Zell.
"Di ako marunong lumangoy."-Elle.
"Pwede naman tayong kumain lang don no duuh."-Ash.
"Sige na nga."
***
Dumating na araw ng tuesday at nag hahanda na kami ngayon. Nag patong muna ako ng manipis lose dress na may butones para hindi masyadong expose yung balat ko. Wala naman akong balak mag swimming oh pumunta sa pool kakain lang ako dun."Lets go na excited na ako." -Cia cia.
"Mag popogi hunting ka na naman. Eww." bara ko sa kanya at napa pout na lang siya.
"Wag kang mag popout mahalay."-Elle
"Pinag tutulungan nyo ko eh. tara na nga."
Nandito na kami ngayon sa venue at napaka ganda. Pumunta ako sa buffet at nag simula nang kumain kasama ko si Elle at hindi ko alam kung saan pumunta yung apat.
"Miss pwede bang mag tanong?"
May lalaking nag tanong kay Elle.
"Sige po ano po yon."
"Saan po yung office ng principal kahapon lang po kasi ako dumating dito."
"Ahh doon po sa tabi ng Building ng seniors."
"Thanks."
Umalis na si kuya at may lumapit sa amin na babae alam ko siya yung queen bee.
"How dare you ka bago bago mo pa lang lumalandi ka na agad."
"A-ano?"
Sinabunutan nito si Elle at kinaladkad.
"Bitawan mo siya."
Sigaw ko at hinila ang buhok niya pero hinawakan ako ng mga kasama niya. Linaglag niya si Elle sa pool na malalim. Hindi siya marunong lumangoy.
Parang may nag slow motion at tumalon si Jv sa pool tinanggal nito ang salamin nito at lumangoy para kunin si Elle.
Buhat buhat niya si Elle na walang malay ihiniga niya ito and he place his ear next to Elle's ear and nose. Then he check her pulse. He is doing CPR now. And he begin mouth to mouth resuscitation.
At bigla na lang inubo si Elle while Jv is breathing hard.
Lumapit kami kay Elle pati sila Zell. At nag group hug.
"Thanks Jv."-Ash.
"No problem."
***
A/N: Sorry po sa matagal na pag aantay (kahit parang wala namang nag aantay?). Pero basta po itutuloy po namin toh. Itatry po namin ang 2 chapters sa isang linggo. Basta po kaya natin to. Marami naman po kami kaya keri lang. At kaya po hindi namin naituloy kasi marami po kaming mga ginagawa. Alam po namin na parang hindi naman reason yun. Pero napaka hectic po talaga yung schedule at madami din pong hinagawa ang ibang authors sa kanya kanya nilang buhay. Lovelotsss. Basta thank you sa mga supporters. Sorry kung pinag antay namin kayo. Muaaaahhh.
YOU ARE READING
Sheratton's Mystery Murders
Mystery / Thriller"simula ng magaral kami dito, naging magulo ang lahat, yung inakala naming simple lang kaming magaaral... Akala namin isa lamang itong typical school Ang magulong paaralan ay bigla nalang naging tahimik.. Ang mga bullies ay biglang tumiklop, lumab...