Chapter 21: President and Vice President
Zell's POV
Saturday ngayon and ito na yung start ng pag iimbestiga namin.Nanggigil na talaga ako sa mga nangyayari ngayon. Parang ginagawa kaming tanga eh, alam mo yung tipong pinaglalaruan lang kami.
Lumabas ako ng kwarto at nakita kong kompleto na sila, mukang ako na lang ang hinihintay. "Morning." bati ko sa kanila. Tinanguan lang nila ako, mukang inaantok pa hahha.
Nagulat kami nung biglang may kumatok. "Zell, ikaw na mag bukas, malapit ka na rin naman sa pinto eh." sabi ni Enn. Tumango ako at lumapit sa pintuan. Aaminin ko, medyo kinakabahn ako. Malay ko ba kung sino yung kumatok.
Binuksan ko na yung pinto. "good Morning!" masyang bati sakin ng taong malamang sa malamang na kumatok sa pinto
"Morning, pres." bati ko pabalaik. "Bakit?"
"Uhmmm.. may ibibigay lang ako sa inyo. Project natin sa MAPEH kahapon lang binigay ni sir. Tapos ngayon ko na lang daw ibigay." paliwanang nito.
" Ahh.. sige tuloy ka muna, Dex." He's Dexter Guzman, Mr. President. Tumuloy naman sya sa dorm namin.
Bago ko isara ang pinto sa pag pasok ni Dexter, napansin ko yung isang lalakeng nakatayo malapit sa may dorm namin. Mukang hindi nya ako npapansin, naka blask na leaher jacket rin sya at naka cap. Mainit ba ngayon? Tinitigan ko muna ito bago ko na-recognize kung sino sya.
"Hanse!" sigaw ko sabay kaway dun sa lalake, si Vice. bigla nya akong tiningnan kaya naman napa atras ako, nakakatakot syang tumingin grabe. Pagkatapos nun ay lumapit sya sakin kaya lalo akong napa atras.
"Nandyan ba si Dexter?" bulong nito sakin. Mariin akong napatango, bago sya umalis. I saw him SMIRK. Geez, it gave me goosebumps.
Sinarado ko nayung pinto saka pumasok. Nakita kong nakikipag tawanan sila kay Dexter habang pinag uusapan yung project. Nung mapansin ako ni Ell agad nya akong tinanong. "Bakit ang tagal mo? Natabunan ka na ba ng pinto." pag bibiro nito.
"A-ahh Hinde, sira. May tiningnan lang ako." Sabi ko at dumiretso sa kwarto. Grabe hanggang dito nairirnig ko yung boses ni president. Lalake ba yun?
"Pres, truth bilis. May kaaway ka ba sa room?" rinig kong tanong ni cia-cia.
"ahh wala naman, pero merong galit na galit sakin. Hindi ko alma kung bakit." Sabi nito. sino kaya yun? I know masama ang makinig ng uspan ng may usapan pero, paki ba nila. Hahaha charot.
"Sino yun? Dali."sabni ni lyn-lyn.
"Si Vice President Hanse Choi. Ewan ko ba kung bakit anginit ng dugo nun sakin. Wala namana kong ginagawang masama."Inosente nyang sabi. Weh? galit sa kanya si Hanse? Di halata, joke.
"Baka naman, gusto nya lang maging president pero ikaw yung binoto." sabi ni Ash.
"Baka nga." sabi nito. "Oh sige, una na ako. Marami pa akong bibigyan,---- ay isa na lang pala, si Hanse na alng." sabi nya pa. Narinig ko ang pagbukas at pag sara ng pinto. Pag alis nya ay lumabas na ako.
"Ano? tara na? Kala ko ba mag-iimbestiga tayo?" tanong ko sa kanila. Bigla naman silang nagsitayuan at hinila ako sa labas.
"Kanino naman natin sisimulan?" tanong ni Ash.
"Kay President." suggest ko, bigla nman akong binatukan ni Enn. "Bakit ba?"
"Bungol ka talaga noh?! Kakagaling lang ni pres kanina sa dorm and nothing's suspicious about him... so, tapos na sya." sabi naman ni enn at nag sitanguan silang lahat.
"Ano yun? nakausap nyo lang inosenta na agad? pwede ba yun? pano kung ako killer? syempre mag a-act ako na parang inosente para hindi nyo mahalata. Kayo yung bungol eh." bulyaw ko sa kanila.
"May point ka, pero ano ba yung bungol?" taong naman ni cia-cia
"Aba malay ko! Sinabi lang ni Enn-----." napatigil ako sa pag sasalita nung biglang may sumigaw.
"Tulong! Si pres Dexter!" sigaw nung babae. Bakit sa tuwing may murder babae yung sumisigaw? Teka! MURDER? as in, si Pres? What the...
Bigla akong napatakbo at nakita ko ang kumpuln ng tao, malapit sa dorm nila Hanse. "Excuse me. Padaan po." sabi ko sa mga tao."OhMyghas!" sigaw, kelan kaya ako maiimune sa maga ganitong makikita ko?
Agad akong napaluhod at tiningnan kung may pulso pa si Dexter. But sadly, wala na. "Zell! Ano ba yan?!" rinig kong sigaw nila Ell. "OH MyGod!Sinong may gawa nito?"
"I don't know." sagot ko. "Aya! pakitawag yung school teachers, pakireport yung nangyare. Utos ko dun sa isa naming classmate na andito. Agad syang tumango at umalis.
Parang kanina lang tawa pa sya ng tawa bago sya pumunta kay Hanse----- Teka?! Hanse ba kamo. Napatayo ako at agad na tumakbo, di ko alam kung saan pero tumakbo ako hanggang sa makararating ako sa may garden. Again?
Pero mukang blessing in disguise ren dahil nakita ko dun si Hanse agad ko syang nilapitan. "Hanse!" tawag ko dito. "Aalam mo ba yung nangyare kay pres?" tanong ko dito.
"Bakit namatay na ba sya?" tanong nito kaya nagulat ako sa sinabi nya. "Pano mo nalaman?" tanong ko dito. Bigla syang lupait kaya napaatras ako. Nilapit nya yung muka nya sakin at bumulong. "Wag kang mag alala, hindi naman ako ang pumatay sa kanya."
YOU ARE READING
Sheratton's Mystery Murders
Misterio / Suspenso"simula ng magaral kami dito, naging magulo ang lahat, yung inakala naming simple lang kaming magaaral... Akala namin isa lamang itong typical school Ang magulong paaralan ay bigla nalang naging tahimik.. Ang mga bullies ay biglang tumiklop, lumab...