Chapter 24: Nasaan ka na ba?
Lyn lyn's POV
Nagising ako na hindi ko alam kung nasan ako at nasan rin yung mga kaibigan ko. Mga ilang segundo ay biglang bumukas yung pinto at iniluwal nito sila Zell.
"Nasan si Insan" tanong ko sakanila dahil napansin kong Wala siya.
"Wala ka bang matandaan?" Tanong ni Elle
"Bakit? Ano bang nangyari?" Sobrang kinakabahan nako habang nakatingin sakanila.
"Lyn kumalma ka muna" mahinahong saad ni Elle
"Bakit ba? Ano ba talagang nangyari?" Hindi ko maiwasang kabahan."Lyn si ciacia...wa-wala...Nawawala siya" Parang nahihirapang sabi ni Elle.
"Ano? Panong Wala na siya? Diba nagpaalam siyang magc-cr lang? Umuwi ba siya samin nang walang pasabi?" Kahit alam ko naman talaga ang sagot pilit ko yung tinatanggi sa sarili ko.
"Lyn kanina nung sinundan natin siya sa cr naabutan natin siyang nakabulagta sa sahig ng cr at puno ng dugo tapos nung dinala ka namin dito sa clinic pagbalik namin Wala na yung katawan niya" naiiyak na pagkukwento ni Zell
Agad akong tumayo sa kinahihigaan ko at tumakbo palabas ng clinic. Naririnig ko pa ang pagtawag nila sakin. Naramdaman ko ring sumunod sila.
Biglang may humila sa kaliwang braso ko na nakapagpatigil sakin "sandali lang Lyn, saan ka ba pupunta? Bumalik na tayo sa clinic kailangan mo pang magpahinga" sabi ni Ash na siya palang humila sakin.
"Hindi, kailangan nating hanapin si insan. Please guys hanapin natin siya. Hindi ko kayang mawala siya sakin, hindi ko Kaya" Napahagulgol nalang ako.
…………………………………
Ilang araw narin pero hanggang ngayon wala parin kaming balita kung anong nangyari Kay insan. At sa ilang araw nayon Wala nakong ibang ginawa kung hindi umiyak nang umiyak.
Nasa school garden ako ngayon tinititigan ang langit habang umiiyak.Naalala ko pa noon mahilig din kaming tumambay sa garden dun sa mansion ng grandparents namin lagi din kaming tumitingin sa langit tapos sabay kaming naghihintay dun hanggang magtakip silim Kasi umaasa kami na kahit saglit dadalawin kami ng mga magulang namin na wala nang ibang insip kundi business.
At ngayon ganun din ang sitwasyon ang kaibahan lang siya naman ang hinihintay ko. Nagulat ako nung biglang may humawak sa balikat ko at hinila Nita ako paharap sa kanya pagtingin ko si Dave pala.
"Umiiyak ka na naman" sabay punas sa luha ko at bigla nalang Nita akong niyakap "Tumahan ka na, kung nasan man si Cia cia ngayon paniguradong ayaw niyang umiiyak ka. Gusto mo bang batukan ka nun para lang Tumahan ka?" Sabi pa niya.
"Di kaya, di niya ako kayang batukan. Mahal na Mahal ako nun" Parang batang saad ko.
Nagulat nalang ako nung bigla niya akong binatukan "Tumahan ka na Kasi" Parang naiinis na sabi niya.
"I HATE YOU!!! Di tayo bati" Sigaw ko sabay walk out.
Bumalik na ko ng dorm namin. Pagpasok ko di ko sila pinansin at agad nakong pumanhik sa kwarto ko. Pagpasok ko nakita ko agad yung picture naming dalawa. Kuha yon noong Christmas nasa may tapat kami ng malaking Christmas tree habang nakayakap siya sakin at nakasandal ako sakanya. Sobrang saya namin nun at hindi ko na alam kung masusundan pa yon.
"Nasaan ka na ba......Cia-cia?"
YOU ARE READING
Sheratton's Mystery Murders
Misterio / Suspenso"simula ng magaral kami dito, naging magulo ang lahat, yung inakala naming simple lang kaming magaaral... Akala namin isa lamang itong typical school Ang magulong paaralan ay bigla nalang naging tahimik.. Ang mga bullies ay biglang tumiklop, lumab...