//KATH//
Hindi ko inaakalang ganito yung mapapanood namin. Si Sofia ay nasa video, at dun sa video nakatayo sa rooftop si Sofia.
[NOTE: Yung mga naka-italicize ay yung nasa video na pinapanood nila Kath. :)]
"Bakit palagi na lang ako tinatarget? What is wrong with me? I'm trying to be best pero walang nakaka-appreciate nun." Sofia.
Tumungtong si Sofia sa bakod ng rooftop.
"Bakit ba kasi gento?! Sana maranasan din nila yung nararanasan ko ngayon! Ayoko na ng ganito." Sofia. Umiiyak siya ramdam ko yung sakit na nararamdaman niya.
"Hi Sofia..."
"Anong kailangan mo sakin? Will you stop recording video!" Sofia.
"I just want to record this exciting moment. Alam mo Sofia sobrang naiingit ako sayo. Lahat ng teachers ikaw ang gusto. Bakit palaging ikaw Sofia. Sinusubukan ko namang mag-aral ng mabuti pero bakit palaging ikaw ang topnotcher?! Ha, baket?!! Kaya ngayon ang tamang oras para makuha ko ang gusto ko. Lahat ng pangarap ko matutupad ko na dahil THIS WILL BE THE END OF YOU. Hahahahahahaha!!!!!!!"
Napaatras si Sofia na naging sanhi ng pagkalaglag niya. Pero napakapit siya sa bakod.
"Please wag mong gawin 'to. Promise hahayaan kitang maging Top 1 but please help me... MYRTLE." Sofia.
"Promises are made to be broken." Myrtle.
Inapakan niya ang kamay ni Sofia at nalaglag ito sa isang napakalalim na hukay. Pagkabagsak na pagkabagsak ni Sofia sa hukay biglang nagsilaglagan ang napakaraming buhangin papunta sa hukay. Iniharap ni Myrtle ang camera sa kanya at... Bzzzzzzzzz....
Natapos na ang video. Si Myrtle? Paanong naging siya? Ang alam ko kaklase namin siya diba? Nang biglang may nagsalita sa kung saan...
"I can do such things. Kaya kong hindi patandain yung mukha ko. Kaya kong gawing bata ulit ako. Kaya nga ako nag-aral ng mabuti ehh. Planado na lahat guys." Myrtle.
"Hayop ka! Wag mo kaming ma-guys guys! Tarant*do!!!" Ate Kim.
"Alam ko na... Maglaro na lang tayo!" Myrtle.
"Sige ba! Laban tayo sa Flappy Bird pataasan score ohh!" Quen.
"Pataasan tayo score sa Piano Tiles!" Miles.
"Padamihan ng makukuhang zombie sa Zombie Tsunami. Ano game ka?!" Karen.
"Battle tayo sa Pokemon X and Y!" DJ.
Itong mga 'to talaga. Nasa gentong sitwasyon na kami ehh kung ano-ano pa din ang iniisip.
"Mga h*ngal! Hindi ako nakikipagbiruan sa inyo! Let's play hide and seek." Myrtle.
Mula sa pagkakagalit biglang ngumiti ng hanggang tenga. Baliw ehh.
".. At ako ang taya. Magtago na kayo. Siguraduhin nyong hindi ko kayo makikita ha." Myrtle.
Nagsitakbuhan kami. Lahat kami sa iisang lugar lang nagtago. Para siguradong ligtas at walang mapapahamak.
Maya-maya nakita ko si Myrtle. Wait lang, yung paa niya. Hindi ito nakalapag sa lupa. Nakalutang ito. Ibig sabihin, Myrtle is really dead. Palusot niya lang yung sinabi niya kaninang kaya niyang gumawa ng pampabata.
"Guys. Multo yang Myrtle na yan. I think sinapian lang yung katawan ni Myrtle." Ako.
"By who?" Julia Barretto.
"By Sofia." Julia Montes.
"Hindi pa ba siya nakuntento. Ang dami na niyang kinuha satin hindi pa din siya tumitigil?!" Kiray.
"This is the last batch makukumpleto na ang paghihiganti ni Sofia." Julia Montes.
"Paano mo nalaman?" Ingrid.
"Diba nga may ability ako?" Julia Montes.
"Hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha sila DJ at Kathryn. Sila Kath at Daniel ang solusyon para matapos ang sumpa." Julia Montes.
"I'm willing to sacrifice myself. Tama na! Para matapos na din 'to." Ako.
"Hindi Kathryn. Walang magsasakripisyo! Kailangan nating hanapin ang katawan ni Sofia at pabendisyunan ito. I think that will solve the mystery." Julia Montes.
Biglang bumukas yung pinto ng Storage Room kung saan sila nagtatago. Pumasok dito si Myrtle. Nakita ni DJ ang mahabang steel bar at isinaksak ito kay Myrtle. Natumba si Myrtle at nakatakas na sila.
"Guys tumawag na tayo ng pari!" Ako.
"Hala siya! Di pa nga natin nakikita yung katawan ehh tatawag na agad." Kiray.
"Remember the video? Dun sa hukay diba?!" Julia Barretto.
"Oo nga pala. Sorry!" Kiray.
Pumunta kami nila DJ, Julia Montes, Miles at Julia Barretto ng simbahan at tumawag ng pari. Gamit namin ang Van ni DJ kaya kasya kami. Naiwan dun sila Quen, Kiray, Ate Kim, Janella, Karen, Jane at Ingrid. Sinimulan na nila Quen hukayin yung lupa para pagdating namin medyo konti na lang ang huhukayin namin.
---
Magtatagumpay kaya sila?
Last 2 Chapters nalang. Finally!
PLEASE FOLLOW ME ON TWITTER AND INSTAGRAM: @imtimothyrivera. THANKS! :)
BINABASA MO ANG
Mansion of the Haunted (COMPLETED)
HorrorField Trip ? Kadalasan ang Field Trip ay ... ... MASAYA ... LIGTAS ...NAKAKATUWA Pero pano kung ang Field Trip na inaakala mong masaya ay maging ... ... NAKAKATAKOT ...DELIKADO ... NAKAMAMATAY . Halika na at samahan natin ang buong klase...