"oy... ausin mo nga yan, sabi na sungkitin mo tapos ishoot mo nang maayus dun eh" asa bahay ako nitong si Lionel di man lang ausin ung ginagawa...
"ang hirap kaya. palibhasa expert ka na dito eh.."
"tinuturuan ka kasi tapos di ka nakikinig.. sabi ko ikabit mo to lahat.. kailangan nkapatong na ganito dito.. ulit ulitin mo lang.. bakit iba iba ung pagkakapatong mo??"
"malay ko ba na kaylangan nakapatong na ganito.. bat mo pa kasi pinapagawa to sakin"
"kailangan makarami tayo kaya dapat parehas tayo kikilos..."
"eh kung dahan dahan kaya..."
"di pwede mas matatagalan tayo"
"urgh.. ang hirap.."
"tumahimik ka nga.. pwedeng gawin tong tahimik.."
"pano ako tatahimik eh nahihirapan ako.. "
"aysus.. nag eeenjoy ka naman eh.. kaya mo yan.."
"urgh.. anu ba gagawin na dito.. tama ba pagkakapatong ko??"
"oo tama na yan.."
"ah.. yes!"
"oi.. di pa tapos.. sabi ko ganitohin mo.."
"pano ba kasi yan.."
"sunkitin mo to.. tapos i lusot mo dito tapos isabit mo dito..."
"alin ba susungkitin ko?? di ko makita ung butas na lulusutan"
"yun oh.. ung nasa ilalim.."
"ah.. sawakas nakuha na din.. "
"ulit ulitin mo lng.. tapos bilisan mo.."
"ha?? bibilisan ko ?? ang hirap nun.. ang higpit kaya nito.."
"eh tiisin mo kaya.. ako nga tinitiis ko.. nasasaktan na din nga ako dito pero tinitiis ko lng.. KAILANGAN NATIN MAKARAMI!!"
"eh nahihihirapan pa ko.. ikaw kasi sanay na kaya.."
"ang dami mo arte.. e kung kumikilos ka lng kaya jan.. edi nakarami na tayo??"
*blag* *blag* *blag*
may kumakatok
"hoy! anung ginagawa nyo?? magiging ninong na ba ako??"
ano daw???
bumukas ung pinto??
"sagabal!" sigaw ni Lionel
pumasok ng nakatalikod.. "pinapabigay ni ate.. invited ka.. isama mo na tong si Carreen.. mukhang mag kakababy na kayo.."
baby?? kami??
binatukan ni Lionel si.. si? alvin?? albert?? basta may al.. nakalimutan ko.. napatingin sya samin tapos eto echura namin..
-_-a -ako
-_-" - Lionel
tapos nagulat sya.. as in ganito O_O
"anu ba iniisip mo?!" tanong ni Lionel..
"kala ko gumagawa na kayo ng anak.. haha.."
binatukan nga sya Lionel.. tsk tsk..
para sa kaalaman nyo.. gumagawa kami ng mga loom bands.. uso kasi to ngaun eh.. balak namin isama sa ibebenta namin..
"ikaw kung anong kalokohan iniisip mo!!" Lionel
"eh sino di mag iisip ng gnun?? mga words na naririnig ko 'nakapatong' 'sungkitin' 'ilusot' 'ipasok' 'ulit ulitin' 'mahigpit' at kung anu anu pang makakabuo ng sensored na thoughts.. hay!"
"eh walang laman yang utak mo kung hindi mga kalokohan eh.."
"oi.. kahit sinong mkarinig ng ganun un din ang iisipin!"
"tumigil ka nga jan! para saan ba to??"
"engagement ni utol.."
"ah!! sige punta ako..."
"ikaw miss??? free ka ba next saturday?"
miss?? ako ba?? ako lng namn babae dito eh..
"a-ako??" -_-a
"oo ikaw.. kailangan namin ng confirmation.."
"wa-wala naman akong--"
"sasama sya!!" sabat ni Lionel
di man lang ako pinatapos.. bat ba ko sasama??
"good!" sagot ni albert..
ha?? di pa ko pumapayag!! anu ba naman tong napasok ko!!
"pano ba yan.. see you sa party!!" sabi ni albert na paalis na..
"tuloy na natin to??" Lionel
"ayoko.."
"ha??"
"ayoko pumunta!!!"
"bakit ba?? isa pa wala namn akong date?"
walang date?? eh anong ginagawa ni alice??
"bat di mo yayain si alice??"
"di sya pwede.."
"bakit di pwede?? eh g.f. mo yun diba??"
"sinabi nang hindi sya pwede!! ang kulit!!"
hala?? galit ba to nag tatanung lang eh..
"well.. di sya pwede kasi may out of town filming sila.." nagsalita sya ulit
yun naman pala eh.. kung sinabi nya agad.. pero kasalanan ko din.. kinulit ko sya...
"sorry... sorry na"
"ayus lng.. gawin na natin to.."
ayan ginawa na namin ung loom bands ng tahimik pero ung utak ko lumilipad... iniisip ko ngaun ung susuotin ko.. pano ako makakapag suot ng formal?? may formal ba na long sleeves??
hay... anu ba tong pinasok ko...
A/N:
abangan ang suot na damit ni Carreen.. bwahahaha....
nga pala..mas lalong di ko sure kung gano tatagal ung mga updates ko dito.. malapit na ko mag start sa work at hindi ko alam kung may time pa ko nag update.. bahala na.. haha...
so panu bayan.. see yah when i see yah!!
Alese_samarra21
BINABASA MO ANG
Liberated meets Conservative
Romancemasusukat ba ang pag mamahal mo sa isang tao kung kasundo mo sya?? o pwede mo din mahalin kung sino sya, kahit kabaliktaran mo pa..