9

12K 222 3
                                    

NANGANGATOG na sa lamig si Hannah. Pakiramdam niya ay susuko na ang katawan niya sa sobrang pagod, hindi pa rin pala nalalamnan ang kaniyang tiyan simula kanina. Maaabutan nalang siguro sila sa paggunaw ng mundo pero wala pang napapadaang sasakyan.

Nakita niyang hinubad nito ang jacket saka ipinatong iyon sa balikat niya. "No, I'm fine," nahihiyang tanggi niya. "Alam kong nilalamig ka rin."

"No, wear it," he said. She bit her lip to hide her smile. May pagka-gentleman din naman pala ang loko. Napilitan siyang isuot iyon, hindi na rin naman niya kaya ang lamig. Napasulyap siya sa binata. "Deretso lang ang tingin."

Napatikhim siya nang maabutan siya nitong nakatingin. Ibinalik nalang ni Hannah ang mga mata sa mahabang daan sa harapan nila.

"Alam mo, iisipin ko na talagang may problema 'yang mukha mo," nawika niya. "Hindi ka ba marunong ngumiti?"

Hindi ito sumagot.

"Kanina pa tayong magkasama pero hindi ko man lang alam ang pangalan mo. I have introduced myself, hindi ba't unfair kung hindi ka man lang magpapakilala sa 'kin?"

"Hindi na kailangan, hindi rin naman tayo magkikita pagkatapos ng gabing 'to."

"As if I'm looking forward to see you again," irap niya. "Hindi naman kita pinipilit kung ayaw mong magpakilala."

Tahimik silang pareho habang binabaybay ang mahabang daan.

Muli siyang napasulyap dito, nagkaroon siya ng pagkakataong suriin ang mukha ng binata. Guwapo ito, hindi naman siya bulag para hindi ma-appreciate ang guwapo nitong mukha. At a glance ay mapagkakamalan itong si Chris Evans, hindi lang sa mukha kundi pati sa tindig at pangangatawan. Kasingkisig nito ang rebulto ng Oblation sa U.P. campus. Kaso nga lang, masama ang ugali—hindi match sa mukha.

"May itatanong sana ako—" Hindi ito sumagot kaya nag-alangan siyang magpatuloy but she asked him anyway. "Hindi naman sa namamakialam ako pero—ano ba'ng dahilan kaya mo naisipang tumalon kanina?"

He ignored her pero patuloy pa rin siya sa pagdaldal. "Marami kang pinagkakautangan? Napagalitan ka sa trabaho? Depression?"

"Wala, okay?" inis nitong sabi.

"Bakit nga?" Nagbingi-bingihan ito. Boring naman kasi kung hindi sila mag-uusap, mas lalo lang niyang mararamdaman ang pagod. Wala naman siyang ibang ma-i-topic kasi wala naman siyang ibang alam tungkol sa binata. "Naka-drugs ka ba? Siguro high ka kanina 'tapos nagha-hallucinate ka na lumilipad, 'no? Umakyat ka pa sa railings, feeling mo naman nasa Titanic ka."

He hissed. "Hindi ako adik. Hanep ka rin sa imagination, 'no?" Umirap siya. Kung sumagot nalang kasi, eh 'di sana ay hindi na siya nanghuhula pa.

She snapped. "Alam ko na—girlfriend!" Napalingon ito. "Iniwan ka? Tama ako, 'no?"

"Isipin mo na ang gusto mong isipin," may halong iritasyon sa tinig nito. Defensive, sa isip niya. Iyon nga siguro ang dahilan kung bakit parang lutang ito at wala sa sarili kanina. Marami din siyang kilalang gano'n.

Muli na naman itong tumahimik kaya itinikom na rin lang niya ang bibig. Naubos na rin ang energy niya kakatakbo kanina.

"I was digesting everything in," mahinang sabi nito. Napalingon siya dito. Digesting reality? Nakaramdam siya ng awa nang makita ang malungkot na ekspresyon ng mukha nito.

She sighed, parang nakonsensiya tuloy siya sa ginawa niyang pagsigaw dito kanina. Parang gusto niya itong damayan. "Hindi ko alam kung ano ang dahilan mo pero kahit ano pa man 'yan, huwag kang sumuko. Kaduwagan 'yon. Hindi naman ibibigay ng Diyos ang pagsubok na 'yan kung hindi natin kaya, 'di ba? Kaya laban lang."

Sa hinahaba-haba ng sinabi niya ay hindi man lang ito sumagot. De-susi yata ang mokong na ito, kailangan pang ikutin ang turnilyo bago magbitiw ng salita! 'Kainis!

"Bakit ba parang pasan mo ang daigdig?" ismid niya. Hindi niya mapigilang magdaldal, nababagot na siya sa mahabang lakarang iyon. "Ang mabigat na bagay ay gumagaan kapag binibitiwan."

"Kung makapagsalita ka, parang ang bait sa'yo ng mundo, ah," sambit ng binata.

"Sana nga pero hindi, katunayan ay napakasama ng mundo," mariin niyang sabi. "Hindi lang naman sa'yo malupit ang mundo, eh. Life is fair because it is unfair to all, ano namang magagawa mo kung makipagbangayan ka sa mundo? Maliit na tuldok lang tayo kumpara sa napakalaking mundong 'to kaya kung ako sa'yo, yakapin mo nalang ang lahat kasi may dahilan kung bakit kinakailangang mangyari ang isang bagay."

"You don't know what you are saying."

"Alam ko ang pinagsasasabi ko, 'no," wika niya. "Kung may contest lang ng disappointments in life, wala na sigurong makakatalo pa sa 'kin kaya 'wag kang umastang parang ikaw lang ang may problema." Hindi ito umimik.

"Alam mo ba ang dahilan kung bakit mataas ang suicide rate ng mga lalaki? Iyon ay dahil hindi niyo alam i-express ang emosyon ninyo. No, you refused to express your feelings, 'yon ang tamang salita." She glanced at him. "Mahaba pa 'yong daan, o. Kung gustong magkuwento ng iba diyan, may makulit na babae naman diyan sa tabi na handang makinig," kunwa ay pinariringgan niya ito.

"That will never happen."

"Hindi na ako magtataka kung isang araw ay sasabog ka nalang," aniya but she get no response from him. "Oo na, titigil na ako sa kakadaldal. 'Sungit."

She pouted saka itinikom nalang ang bibig, mukhang wala rin naman siyang mapapala sa isang iyon, para lang siyang nakikipag-usap sa hangin.

ldlike. Hin��Y丒E

Unlove Me COMPLETED (To be published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon