"SALAMAT, Sebastian," sabi ni Hannah nang tulungan siya ng binatang ipanhik si Phrexus paakyat sa kuwarto nito. Bakit naman kasi naisipan nitong uminom gayong hindi naman pala nito kaya? Mabuti nalang na kahit papaano ay nagagawa pa nitong maglakad.
"Balik na po ako doon," anito.
"Sige, salamat ulit."
Binuksan niya ang kuwarto nito gamit ang isang kamay habang nakaalalay naman sa binata ang isa, iyon ang unang beses na nakapasok siya sa silid nito. Tipikal na silid ng mayayaman.
Humakbang ito patungo sa kaniya at dahil lasing si Phrexus ay nakahilig ang lakas nito sa kaniya. Napaatras siya at kasama niya itong nawalan ng panimbang, pareho silang natumba sa kama. "Hey, hey..." tinapik-tapik niya ang pisngi nito.
Nagpumilit siyang bumangon, but Phrexus held her wrist and pulled her back. Napasubsob siya pabalik dito, sa mismong ibabaw ng katawan nito.
Nataranta siya. Nakatukod ang dalawa niyang kamay sa dibdib nito upang huwag siyang mapasubsob at mapayakap dito. Nagsikap siyang bumangon but Phrexus' arm curled around her waist and held her close.
Hannah gasped. Hindi iyon ang unang pagkakataon na nagkadikit ang kanilang mga katawan pero ganoon pa rin ang sensasyong dala niyon. She found their position so intimate.
"Hoy, tumayo ka nga," she finally managed. "Iinom-inom ka, hindi mo naman pala kaya."
Hannah's heart started to race when he suddenly cupped her face. And she was sure her breathing literally stopped.
"W—why? Bakit puro pansamantala lang ang sayang nararamdaman ko, why it always have to end? Bakit sa huli ay babawiin rin ang s—saya na i—yon?" Nakita niya ang mumunting butil ng luha sa gilid ng mga mata nito.
Tulad ng isang slow motion. Umangat sa kama ang ulo ni Phrexus while the hand in her waist went up to her nape and pulled her down. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Hindi niya alam kung takot o excitement ang biglang naramdaman. Maaari siyang sumigaw o hindi kaya ay itulak si Phrexus but she chose to close her eyes and held her breath and waited for him to kiss her.
Siniil nito ng halik ang kaniyang mga labi. She knew she was trembling, torn between fear and a certain emotion she couldn't put a name.
Naramdaman niya ang malamyos na paghaplos nito sa kaniyang batok. Habang tumatagal ang halik na iyon, lalong naglalaho ang hangarin nilang bumitiw sa isa't isa. Ilang sandali lang ay naramdaman niyang hindi na nito ginagantihan ang paghalik niya. Nakatulog na ito.
Agad siyang bumalik sa kaniyang silid matapos mabihisan ito at maiayos ang pagkakahiga nito sa kama. Napasandal sa likod ng pinto si Hannah matapos maisara iyon. Her fingers touched her lips. She let Phrexus kissed her. Magagawa niyang umiwas kung ginusto niya pero hinayaan niya itong sakupin ang kaniyang mga labi.
"Noong sinabi ko sa'yo that I'm okay, it was a lie. Ang totoo ay hindi ako okay. I haven't lived a full life yet," muling sumagi sa isipan ni Hannah ang mga sinabi sa kaniya ni Phrexus. "Nakakapanghinayang, I mean, I'm too young to die. Marami pa rin akong gustong gawin sa buhay ko pero wala, eh. Hindi pinahintulutan ng pagkakataon."
Mahal niya ang binata, sigurado siya sa nararamdaman at hindi niya pahihintulutang hanggang doon nalang ang magiging buhay ni Phrexus. Alam ni Hannah na may magagawa pa siya.
Kinuha niya ang cell phone at mabilis na idinial ang numero ng kaibigan. "Hello Girllyne? I need your help."
Yg:E