"SAAN ba tayo pupunta?" usisa ni Phrexus nang makitang may suot na backpack si Hannah.
"Mamamasyal tayong dalawa!" she beamed. Mahaba-habang lakaran ang gagawin nila bago makarating sa kanilang destinasyon kaya maaga palang ay kinatok na niya ito sa kuwarto. "No burial preparation for today, that's an order."
From Buenavista, mahigit isang oras ang biyahe papuntang Ligao. "Dapat nagdala nalang tayo ng sasakyan."
"Mas masaya ang roadtrip, mas feel mo ang bakasyon," aniya.
Nakaupo siya malapit sa bintana, naaaliw siya sa luntiang tanawin na dinaraanan ng sinasakyang bus.
Binalingan niya si Phrexus nang maabutang nakatingin ito sa kaniya. Napatikhim siya. "Naikuwento nga pala ni Manang Lucia na maganda raw ang sunflower field sa Kawa-kawa Hill sa Ligao, gustong-gusto mo raw na pumupunta doon. Sabi niya, nari-relax ka raw."
"Kaya tayo pupunta do'n para sa 'kin?"
"Yup," sabi niya. Kumunot ang kaniyang noo. "Hindi mo ba alam kung ano'ng araw ngayon?"
"Friday."
She laughed. "It's your birthday!" Nalaman niya iyon sa mga trabahante.
"Oo nga pala." Napakamot ito.
"Pati kaarawan mo, nakalimutan mo na," she hissed. "Kahit ngayong araw lang, I want you to be selfish." Tinapunan niya ito ng tingin. "Puro ibang tao nalang ang iniisip mo, isipin mo rin naman ang sarili mo, hindi 'yong—"
"Thank you," nakangiting sabi nito. Natigilan siya nang makitang nakangiti ito, madalas na niyang nakikita ang mga ngiting iyon pero ewan ba niya kung bakit ganoon pa rin ang epekto niyon sa kaniya—she was captivated over and over again. "Alam mo, ngayon ko lang mas naa-appreciate ang ganda ng Albay. It was all because of you. Thank you, Hannah—masaya akong nakilala kita."