10

11.2K 205 0
                                    

ILANG sandali lang ay may napadaang truck na sa tingin ni Hannah ay nagde-deliver ng hinog na saging dahil sa logo na nakapaskil sa unahan niyon.

"Uy, may truck, o!" sabi niya sa binata kapagkuwan ay kinawayan ang paparating na sasakyan. "Kuya, makikisakay kami! Please!"

"Manong!" sabi ng binata, kumakaway na rin ito sa paparating na sasakyan. Huminto iyon sa tapat nila.

"Saan ang punta niyo?" tanong ng driver niyon.

"Sa estasyon po ng bus sa bayan," sagot ng binata.

"Sakto, may dadaanan ako do'n," sabi ng may-edad na lalaki. "Kaso wala nang puwesto dito sa loob, eh. Okay lang ba kung sa likod nalang kayo pumuwetso?"

"Wala pong problema. Maraming salamat po!" mabilis na sabi ng binata kapagkuwa'y tinulungan siyang umakyat sa likod niyon.

"HAY, salamat!" sabi ni Hannah, saka iniunat ang mga paa. Napatingin siya sa binata, nasa harapan niya ito, tahimik na nakaupo habang nakapikit. Natitiyak niyang pagod na rin ito. Ipinikit niya ang mga mata at bahagyang isinandal ang ulo pero tuwing napapadaan iyon sa malubak na daan ay nauuntog ang ulo niya sa nakaumbok na bakal sa kaniyang likuran.

Balak sana niyang lumipat ng puwesto pero puno na iyon ng mga basket ng saging. Napasimangot si Hannah, napasulyap siya dito. Tulog na yata ito.

"Ouch—" hinaplos niya ang ulo nang muli na naman iyong tumama doon. Nakita niyang nagmulat ang binata, hindi niya ito tinignan sa mata dahil tiyak na nanlilisik na naman iyon dahil naistorbo niya ang tulog nito.

Nakita niyang bahagya itong tumayo at tumabi sa kaniya ng upo. Kumunot ang kaniyang noo, bakit lumipat ito doon gayong masikip na nga ang puwesto niya?

"O," sabi nito.

Mas lalong kumunot ang kaniyang noo. "Ano'ng 'o'?" pagtataka niya.

"Gamitin mo na ang balikat ko—o," anito saka iprinisinta ang balikat. Napatitig si Hannah sa binata, dinaanan ba ito ng sampung anghel? "Ang ingay mo kasi, hindi ako makatulog sa kaka-ouch mo—sige na, bago pa magbago ang isip ko." Hindi niya alam pero parang may kumikiliti sa sikmura niya, pusong-mamon din naman pala ang mokong na iyon.

"Huwag na," tanggi niya.

"Bahala ka," pagsusuplado nito pero hindi na ito muling bumalik sa dating puwesto. Hindi nalang siya matutulog, ipipikit nalang niya ang mga mata para kahit papaano ay ma-relax siya. Ngunit ilang sandali lang ay unti-unti na siyang hinihila ng antok at ang balikat pa rin nito ang sumalo sa kaniya.

nguage:5YGE

Unlove Me COMPLETED (To be published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon