20

10.1K 207 1
                                    


"PARANG thousands of smileys!" natutuwang sabi ni Hannah nang marating nila ang itaas ng Kawa-kawa Hill.

'Hill without a hilltop', iyon ang bansag ng mga tao sa lugar. Parang may dambuhalang kawa ang tuktok niyon. At the hallowed top of the hill was a giant cauldron of sunflowers, animo'y sinalubong siya ng napakaraming ngiti. Mula sa kinatatayuan nila, they could see the Mayon Volcano in its full grandeur.

"Ang saya ko!" sabi ni Hannah na pinuno ng hangin ang baga saka dumeretso sa mahabang hilera ng bulaklak. Nakasunod lang siya dito. Sulit ang ginawa nilang pag-akyat doon sa ganda ng tanawin sa itaas niyon.

"Ako rin..." sambit ni Phrexus habang pinagmamasdan ang mga ngiti sa labi ng dalaga. She was genuinely happy. Makita niya lang ang mga ngiti ng dalaga ay sapat na iyong regalo sa kaarawan niya. Alam niyang hindi siya nagkamali sa naging desisyon niyang ibigay ang lupain kay Hannah, alam ng binata na mapapangalagaan ng dalaga ang mga taong itinuring na niyang pamilya.

"Wait, kunan mo muna ako ng picture. Pang-Instagram lang," sabi ni Hannah, iniabot nito ang camera kay Phrexus na walang nagawa kundi sumunod. "Bilang ka ng tatlo, ah."

Nakatitig lang siya dito, animo'y hinihipnotismo siya nitong mas lalong tumitig dito. Mas lalong gumanda ang lugar nang tumayo sa gitna niyon si Hannah.

"Okay na?" naiinip nitong tanong.

"Ah, sandali," tila nahimasmasan niyang sabi. "One two three—okay na."

"Maganda ba?" excited na tanong ni Hannah.

"Hmm, oo maganda."

"Talaga? Patingin nga!" Lumapit ito sa kaniya.

"Maganda 'yong background," pang-aasar ni Phrexus pero ang talagang tinutukoy niya ay ang dalaga.

Marahan nitong hinampas ang braso niya. "Ang sama mo!" she pouted, tiningnan nito ang kuha niyang larawan. "Maganda naman, ah."

"Oo nga, maganda," sabi niya saka ngumiti. 

Unlove Me COMPLETED (To be published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon