"KAINAN NA!" masayang sabi ni 'Nang Olivia, matapos maglagay ng pagkain sa mahabang mesa sa labas ng cottage, naghanda ang mga manggagawa nang maliit na salo-salo para ipagdiwang ang kaarawan ng binata. May ilan ding taga-kabilang hacienda ang inimbitahan nila.
Nagkakasiyahan ang lahat, may nagsasayawan, nagkakantahan, may tawanan din at biruan. May mga bandiritas din na nakasabit sa puno, parang piyesta sa saya.
Nakaupo lang si Hannah sa isang sulok habang pinagmamasdan ang mga ito. Napatitig siya sa binata na ilang hakbang lang ang layo sa kaniya, nakangiti ito at tila aliw na aliw sa pinanonood na nagsasayawan. Bagaman madilim ay klarong-klaro sa kaniya ang mapupula nitong labi. She swallowed hard, may kung ano bang halo ang iniinom niya at luminaw nang ganoon ang kaniyang paningin?
Her whole being was still craving for his lips but it would be dangerous for her to kiss him. It would be like adding wood to the fire. Tiyak na maa-addict siya nang tuluyan at baka mas lumalim pa ang kaniyang damdamin.
She was about to say something to him nang may isang babaeng lumapit dito, mukha namang hindi iyon trabahante o may-ari ng kabilang lupain. But one thing is for sure, the woman was seducing him. Sino naman ang hindi magkakagusto kay Phrexus? He's perfect!, sa loob-loob niya.
Nakita niyang may ibinulong ito sa binata kapagkuwan ay tumawa nang malakas na animo'y bruhang may summit sa Siquijor! Mukhang enjoy na enjoy naman si Phrexus. Sino ba naman ang hindi matutuwa gayong halos ikiskis na ng babae ang katawan sa binata?
Parang sinusunog ang mga mata niya habang nakatingin sa mga ito. Hindi na niya napigilan ang sarili. Tumayo siya saka pumagitna sa dalawa. The woman stopped laughing and eyed her oddly.
"Excuse me...," sabi ni Hannah, pilit na sumiksik sa maliit na espasiyo sa pagitan ni Phrexus at ng babae. Nagulat ang babae sa kaniyang ginawa.
She stepped closer and brought her hand up to his neck. Her eyes were on him. And before she could even brace herself, his hand swiftly slipped on her waist and pulled her closer to him.
Nakita niyang binalingan nito ang babae. "I'm sorry, I think you're making my girlfriend uncomfortable," sabi ni Phrexus. Nagulat siya sa sinabi nito, hindi naman niya akalaing sasakyan nito ang ginawa niya.
Hindi na niya nakita ang ekspresiyon ng babae at wala siyang pakialam sa bruhildang iyon, naramdaman nalang niyang wala na ang presensiya nito sa kaniyang likuran. Hindi pa rin siya binibitawan ni Phrexus. Napalunok tuloy siya nang wala sa oras.
"Good thing you did that," sabi nito.
Her system was too aware of the wild beatings of her heart. The arm that was around his neck started to slip, baka kung ano pa ang isipin ng binata sa kapangahasan niya. But before she could take it back, his hand immediately came up and caught it. His grip was tight and warm. He was deeply staring at her eyes pero bago pa man mamuo ang realisasyon sa kaniyang isipan ay agad siyang nagbawi ng tingin.
"Huuu...mukhang ini-enjoy mo nga 'yong view sa harapan mo, eh," ismid ni Hannah. Nagkaroon siya ng pagkakataong idistansiya ang sarili. She heard him laugh. Ano naman ang nakakatawa sa sinabi niya?
"I like it when you're jealous, sweetheart..." Natilihan siya.
Nagpakawala siya ng pagak na tawa. "Sino naman ang may sabing nagseselos ako?" Her heart gave an unsteady lurch. "Hindi, 'no! Sinasalba lang kita, kailangan iwasan mong magkasala para naman hindi kanselahin ni San Pedro ang ticket mo papuntang langit."
"Really?" namimilyo ang pagngiti nito. "It was written all over your face."
She saw a teasing glint in his eyes kapagkuwan ay unti-unti itong lumapit sa kaniya. Lasing na ito. Napalingon siya sa mga taong naroon, mukhang hindi napapansin ng mga ito ang tensiyong namamagitan sa kanilang dalawa.
Pinanunuyuan siya ng lalamunan habang nakatitig ito sa kaniya. Kailangan niya ng maiinom—tubig, juice o kahit na ano! Nahagip ng kaniyang mga mata ang basong kanina lang ay hawak ni Phrexus, may laman pa iyong wine.
Kinuha niya iyon at ininom lahat ng laman. "Masarap!" she exclaimed. "Tama ka, the best nga ang Vino de Jacinto ng Albay. You should try it again—kukuha lang ako."
But before she knew it, he grabbed her waist,pulled her close to him then kissed her, tasting the sweetness of her lips. "You'reright—masarap nga." -font:minor-la��Y�E