30

10.4K 203 0
                                    

"MAY BALITA ka na ba tungkol sa kaniya?" tanong ni Hannah kay Anthony, madalas niya itong tinatawagan kung may update ba ang binata kay Phrexus. Nalaman niyang tumakas ito ng ospital.

"Nasa Naga siya, sa pinsan niyang si Rhoa," sambit nito. "She told me na maayos naman ang lagay niya at wala nang pain attacks pero hindi tayo nakakasiguro na ligtas na nga siya, hangga't hindi siya nasusuri ng tama, he's still not safe."

"How sick is he?"

"May Chronic Lymphocytic Leukaemia si Phrexus at habang tumatagal na hindi namo-monitor ang kalagayan niya, mas lalong nagiging delikado." Muntik na siyang sumabog right then and there. He was never hers from the start pero nang marinig niya ang tungkol sa sakit nito, she kept thinking she had lost him already.

He's dying... Pa'no niya tatanggapin ang bagay na iyon?

Nagdaan ang mga araw, sinusubukan niyang magpakatatag. Madalas niyang nadaratnan ang sariling naiiyak nalang tuwing naaalala ang mga alaalang kasama ang binata. Those little things, those little moments—they aren't little.

"PHREX, you're here," gulat na bungad ni Anthony nang makita siya nito sa harap ng opisina nito.

"I need your help," he finally said, na sinundan nang malalim na pagbuntong-hininga.

"Are you saying na pumapayag ka na?" Tumango siya. Hindi ito makapaniwala. "Of course!" masayang bulalas ni Anthony, kapagkuwan ay niyakap siya ng kaibigang doktor. "We will do everything to help you, Phrex!"

"Thank you, Anthony."

"I'M SORRY to tell you but—," usal ni Anthony, sinadya nitong tumigil. Mabigat para dito na sabihin ang masamang balita. "Hindi nagiging maganda ang mga resulta ng tests mo, Phrexus. Dalawa ang maaaring dahilan ng pananakit ng itaas na bahagi ng 'yong tiyan, it's either namamaga ang iyong spleen o atay—in your case, it was your spleen."

He swallowed hard.

"A spleen is normally about the size of your fist," patuloy nito. "Hindi iyon madaling makita during an exam, your immune system is weak dahil pinapahina iyon ng cancer cells, madali kang dapuan ng impeksiyon at iyong ang dahilan ng pamamaga niyon."

"The spleen will need to be removed surgically," dugtong nito. "Splenectomy ang tawag sa procedure na 'yon. Pero hindi ibig sabihin na ligtas ka na, you will be more vulnerable to certain infections. Masyado nang komplikado pero hindi kami titigil hanggang gumaling ka."

Napasandal siya sa kaniyang higaan.

"I suggest na bumalik ka ng America," pangungumbinsi nito sa binata. "Mas advanced ang kagamitan nila doon kaysa dito sa Pilipinas, mas matutulungan ka ng mga spesyalista sa sakit mo. May mga kilala rin akong doktor na puwedeng makatulong sa'yo."

"Pa'no kung hindi maging matagumpay ang operasiyon?"

"But, what if it does?" Sumeryoso ito. "Hindi natin alam ang mangyayari, kailangan nating sumugal kung gusto mo pang mabuhay."

Sinabi sa kaniya ni Anthony na kailangan niyang mag-undergo ng stem cell transplant. Sa prosesong iyon ay gumagamit ang mga doktor ng higher doses of chemotherapy, sometimes along with to treat the leukemia. Matapos ang treatment na iyon, the patient receives a transplant of blood-forming stem cells to restore the bone marrow. Walang kasiguraduhan ang isasagawang operasiyon pero kailangan niya iyon para mabuhay.

Isinugal ni Hannah ang puso nito kahit pa alam ng dalagang mamamatay na siya, nararapat lang na sumugal din siya para dito.

Unang beses pa lang na sinabi sa kaniya ni Anthony ang tungkol sa sakit niya ay alam niya at tanggap na niyang hindi na magtatagal pa ang kaniyang buhay. But right now, habang inaaninag niya sa kaniyang balintataw ang mukha ng dalaga—he realized he was not yet ready to die. Kailangan pa niya nang kaunti pang panahon.

"How about Hannah?" Nag-angat siya ng mukha nang banggitin nito ang pangalan ng dalaga.

"What about her?"

"Hindi mo ba sasabihin sa kaniya ang tungkol dito?" sabi nito. "Panay pa rin ang pagtawag niya, itinatanong kung kumusta ka na. Ayoko namang sabihing lumalala ang kondisyon mo, but she deserves to know."

:.5in'>J�Y9ےE

Unlove Me COMPLETED (To be published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon