14

10.8K 212 0
                                    


WALA sa bokabularyo ni Hannah ang sumuko, kung kinakailangang araw-araw siyang bumalik sa mansiyong iyon para lang makumbinsi ito ay gagawin niya.

"Manang, puwede pong makausap si Sir Phrexus?" pakiusap niya sa babaeng naglilinis sa lawn nang bumalik siya kinabukasan.

"Pasensiya ka na, hija pero kabilin-bilinan ni Phrexus na huwag kang papapasukin," nahihiyang sabi nito. Napabuntong-hininga nalang si Hannah.

Kung tutuusin ay puwede naman siyang mag-over-the-bakod dahil walang nakabantay na sikyu pero natatakot siyang makasuhan ng Trespassing at baka mas lalong hindi pumayag ang binata kung gagawa siya ng kalokohan. Tatayo at sisilip sa loob, palakad-lakad sa labas ng gate, uupo kapag napagod na—iyon ang paulit-ulit niyang ginagawa buong maghapon.

Pabalik-balik siya doon pero hindi naman siya nanggugulo. Gusto lang niyang ipakita kay Phrexus na talagang kailangan niya ang lupa. Sana nga lang ay maawa ito sa kaniya.

"NAKAKAAWA 'yong babae, tatlong araw na 'yang pabalik-balik dito," sabi ni Manang Lucia kay Phrexus, dinalhan siya nito ng miryenda. Ang ginang ang siyang nag-alaga sa kaniya simula nang mamatay ang kaniyang ina, para na ring lola ang turing niya dito. "Ano ba'ng pakay no'n sa'yo?"

Napatikhim si Phrexus nang maabutan siya nitong sumisilip sa bintana. Muli siyang naupo at binuklat ang ilang folders na naroon. "Hayaan niyo lang po siya, 'Nang Lucia. Mapapagod din 'yan kakabalik dito."

"Pamilyar ang mukha ng batang iyon," untag nito na bahagyang nag-isip. Napasulyap siya dito. "Parang si Helen noong kabataan niya, 'yong anak ni Concepcion."

"Lodevico?"

"Iyon nga!" anito. "Naaalala ko pa, magkalaro kami ni Concha sa palayan noon, nanghuhuli kami ng kuhol."

"Ano po bang klaseng pamilya mayroon sila?"

"Mabait ang pamilya nila, matulungin at makatao," sambit nito. "Kinatatakutan ang lolo mo sa lugar na 'to noon dahil tuwing may kaunting pagkakamali ang mga trabahante niya sa bukid ay agad na pinarurusahan—kinakaltas iyon sa sahod kaya minsan kulang na pambili ng bigas."

Hindi pa siya ipinanganganak ay sa kanila na naninilbihan si Manang Lucia kaya alam nito ang history ng pamilya nila.

"Kina Concha at Celmo tumatakbo ang mga trabahanteng iyon, at hindi sila nag-aatubiling tumulong. Dating gulayan ang maliit na bahagi ng lupang iyon, hindi naman nila kailangan ng maraming trabahante kaya hindi nila maalok ng trabaho ang ilang gustong lumipat sa poder nila."

"Mayaman po ang pamilya nila?"

"Hindi, sadyang matulungin lang sila," sabi nito. "Namana ni Concha ang lupaing iyon sa mga magulang, talagang taga-Buenavista ang pamilya nila. Napilitan lang magpa-Maynila nang maisangla ang lupa at magkasakit si Celmo."

Naalala niya ang maamong ngiti ni Hannah habang ivini-video ang sunrise. She wanted to see this beautiful sunrise again, kaya habang hindi ko pa siya nadadala dito ay ang sunrise muna ang dadalhin ko sa kaniya, iyon ang sabi ni Hannah.

Napabuga nalang ng hangin si Phrexus. Iniisip niya ang mga trabahante sa manggahan, paano ang mga ito kung mawala na siya? Kung papayag siya sa pabor na hinihingi ni Hannah, hindi pa rin siya nakatitiyak kung magiging maganda ang trato nito sa mga taong nagtratrabaho doon.

"O siya, magmiryenda ka muna," sabi ni Manang Lucia. "Mamaya na 'yang binabasa mo." Ngumiti lang siya dito, umalis na din ito pagkatapos.

Agad niyang tinawagan si Nikolas, isa sa mga pinagkakatiwalaan niya sa hacienda. "Gusto kong ipa-background check ang dating may-ari ng manggahan, si Concepcion Lodevico at ang apo niyang si Hannah Cornico. Alamin mo kung ano'ng klaseng tao sila at kung paano sila makitungo sa iba."

/o:p>&e<>

Unlove Me COMPLETED (To be published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon