MAAGANG nagising si Hannah, balak niyang salubungin ang pagsikat ng araw. May naramdaman siyang bagay na nakapilig sa kaniyang ulo at ang mainit na hininga nitong dumadampi sa balat niya. Pinamulahan siya ng mukha, sa balikat pa rin pala ng binata siya makakatulog.
Maingat niyang ipinilig ang ulo nito sa balikat niya, napangiti siya. Iyon ang unang beses na makita niya ang mukha nito nang malapitan. Para itong maamong tuta na ang sarap kurutin.
Bigla siyang nag-iwas ng tingin nang maramdaman ang bahagya nitong pagkilos. Kinuha ni Hannah ang smart phone at mabilisang ini-record ang napakagandang kalangitan upang hindi mahalata ang kanina pa niyang pagnanakaw ng tingin. Napatikhim siya nang magising ito.
"Good morning," she greeted. Patuloy siya sa pagkuha ng video, vibrant colours filled the sky. It was mesmerizing!
"What are you doing?" usisa nito.
"Nire-record ko 'yong sunrise," sambit niya. "Ipapakita ko kay Lola pagbalik ko ng Maynila, she wanted to see this beautiful sunrise again, kaya habang hindi ko pa siya nadadala dito ay ang sunrise muna ang dadalhin ko sa kaniya sa pamamagitan ng video na 'to. She will be happy to see this."
NAKATINGIN lang si Phrexus sa dalaga habang ivini-video nito ang pagsikat ng araw. He could see right through her, alam niya na labis ang sayang nararamdaman nito habang ginagawa iyon but deep down inside, may nagkukubling kalungkutan.
"Alam mo, hindi ko maintindihan why she's in love with this sunrise gayong para sa 'kin ay wala naman iyong pinag-iba sa sunrise sa Maynila," nawika nito.
He smirked. "It's not the sunrise she's in love with," naiusal niya. "It was the memory it brings, may naaalala siya sa sunrise na iyon."
"Si Lolo."
"Kaya ka pumunta dito para diyan?"
"Parte na iyon sa totoong pakay ko kung bakit ako nandito," she smiled at him saka muling bumaling sa maaliwalas na kalangitan.
She had a good heart, iyon ang impresiyon niya sa dalaga. Medyo may pagka-supladita nga lang ito pero ganoon naman siguro ang lahat ng mga babae, they were the hardest creatures to understand. Naiiling nalang ang binata kapagkuwan ay palihim na napangiti.
"NANDITO na tayo," pahayag ng may-edad na driver nang marating nila ang estasyon ng bus. Naunang bumaba ang binata kapagkuwan ay inalalayan si Hannah na bumaba mula doon.
"Maraming salamat po, Manong," sabi ng binata sa driver. Tumango lang ang huli kapagkuwan ay umalis na rin. "Let's go."
Pumasok silang pareho sa ticketing office sa loob mismo ng bus station.
"Siguro naman hindi ka na magre-reklamo kung iiwan na kita dito. Bumili ka nalang ng ticket, may instructions naman diyan." Itinuro nito ang mga nakapaskil na posters sa paligid.
She nodded. "Thank you," aniya, saka ngumiti dito.
"Sana hindi na muling mag-krus ang mga landas nating dalawa," untag nito. "Bye." Sinimangutan niya ang binata na agad rin siyang tinalikuran.
"Sandali!" habol niya dito.
Nilingon siya nito. "Ano na naman ba?" naiirita nitong tanong.
Her eyes met his. "Don't die before you're dead," naiusal ni Hannah. Natigilan ito. "Maikli man ang buhay at paulit-ulit ka mang masaktan—just live." Sana nga ay makatulong ang sinabi niya para hindi nito maisipang gawan ng masama ang sarili.
Nalungkot si Hannah nang magpatuloy ito sa paglakad, hindi niya maiwasang makaramdam ng awa sa binata. Hindi niya alam ang pinagdadaanan nito pero alam niyang hindi iyon madali.
Hindi niya maintindihan kung bakit tila ang bigat ng pakiramdam niya habang ihinahatid ito ng tingin, nais pa sana niya itong bigyan ng mahigpit na yakap para kahit papaano ay maibsan ang sakit na nararamdaman nito pero pinigilan niya ang sarili, ayaw niyang isipin ng binata na naaawa siya dito. Baka mas maawa lang ito sa sarili.
-PH style='èY�D�E