13

10.8K 222 0
                                    

LAKING GULAT si Hannah nang makita doon ang binata. Madilim ang mukha nito habang palapit sa kaniya. Nagtataka siya kung bakit nandoon iyon?

"Bakit nandito ka? 'Di ba sabi ko na 'wag na tayong magkita?" bungad nito sa kaniya.

Umirap siya. Pinaglihi yata ito sa ampalaya! "Pinapasok ako ng babae, hintayin ko daw dito si Phrexus Montefolka. Pupuntahan nalang daw niya ako dito at--."

"Kaya nga pinuntahan na kita dito," putol nito sa sinasabi niya.

Napahinto siya at mas lalong napatitig dito. "Ikaw si--"

"I'm Phrexus Montefolka, the grandson of Lord Gustav Montefolka," pagpapakilala nito.

Gusto niyang matawa pero mukhang hindi ito nagbibiro. Tinitigan niya ito mula ulo hanggang paa. Iba ang ini-imagine niyang itsura nito, she was thinking na may mala-kontrabida itong mukha kagaya ng mga lumang pelikula. Simple lang din ang suot nito para sa isang haciendero, she was expecting na mala-cowboy ang dating nito at may mga bling-bling sa katawan tanda ng kayamanan nito. At sino naman ang mag-aakalang babalaki ng isang mayamang haciendero na tumalon sa tulay gayong marami naman itong pera para masolusyunan ang mga problema nito sa mundo?

"I-ikaw ba talaga si Phrexus Montefolka?" Sana ay nagbibiro lang ito. Kung anu-ano pa naman ang pinagsasasabi niya noong nakaraang gabi.

"Sa tingin mo ba nagbibiro ako?" anito. "Gusto mo ng pruweba?"

Sinundan niya ang direksiyon ng mga mata nito, napatitig siya sa malaking frame sa likuran niya. Hindi na niya iyon napansin kanina sa sobrang kaba habang hinihintay ito. Halos sumayad ang panga niya sa lupa nang makita itong nakaupo sa tabi ni Gustav Montefolka. Kaya pala pamilyar ang mukha nito noong una niya itong makita, may hawig ito sa batang nakita niya sa larawan.

Para siyang binagsakan ng langit. Paano kung hindi ito pumayag sa hihilingin niyang pabor dahil sa pamamakialam niya?

"Ano ba ang kailangan mo at naparito ka?"

Napalunok siya bago sumagot dito. "Apo ako ni Concepcion Lodevico, ang dating may-ari ng tatlong ektaryang lupain na karugtong ng lupain niyo," sabi niya. "Siguro naman ay nakikilala mo siya."

Bahagya itong nag-isip. "Oo, alam ko ang tungkol do'n. And, so?"

"Pumunta ako dito para—" Kinakabahan siya. She took a deep breath. "I wanted my grandmother's property back."

Kumunot ang noo nito. One corner of his lips twisted in a facsimile of a smile. "Ano naman ang akala mo sa lupaing iyon, ipinahiram lang ng pamilya mo sa angkan namin? As far as I know, isinangla iyon sa pamilya namin, hindi natubos kaya hindi na nila nabawi pa ang lupa. At hindi ko iyon ipinagbibili."

"Alam ko, that's why I'm here to negotiate. Sana pumayag kang ipagbili 'yon," sambit ni Hannah. "Hindi ko naman hinihingi sa'yo ng libre. Babayaran kita. Two hundred thousand lang ang utang ng pamilya namin, sobra-sobra ang halaga ng lupa kumpara sa perang inutang ng Lola ko."

"So you mean, balak mong bawiin ang lupa sa halaga ding iyon?" He snorted. "Ilang taon na ang nakalipas, siguro naman alam mong mas tumataas ang presyo ng lupa sa pagdaan ng panahon?"

"Alam ko, base on my computation, 2.2 million ang current land value ng lupang iyon ngayon," sabi niya, credible naman siguro ang impormasyong iyon bilang siya ay isang accountant. "Bibilhin ko."

Gusto niyang sabunutan ang sarili, kung makapagyabang siya akala naman niya na kompleto na ang dala niyang pera.

She gathered all her courage bago muling magsalita. "Pero hindi ko iyon kayang bayaran ng buo, puwede mo naman siguro akong bigyan ng discount, 'di ba? Kahit isang milyon nalang. O kung gusto mo na 2.2 million ang bayaran ko, babayaran ko ngayon 'yong kalahati, kung puwede ay installment nalang 'yong kulang?" Bagaman nahihiya ay kaya niyang lunukin ang pride para sa abuela.

"Are you kidding me?" He sent a sarcastic laugh. "Kung hindi mo pa alam, naging manggahan na ang lupang iyon, triple na ang halaga niyon ngayon. Kung gusto mong makipagtawaran, doon ka sa palengke, hindi 'yan uso dito."

"Sige na naman, o," she almost pleaded, mahigpit siyang napahawak sa braso nito. "Para sa lola ko, gusto niya kasing makabalik dito bago man lang siya—" She bit her lower lip. "—pumanaw."

Napatingin ito sa kaniya. "Please, nagmamakaawa ako sa'yo," aniya. "Handa akong magtrabaho dito, kahit ano'ng gusto mong gawin ko—mag-araro, magtanim ng palay, maglinis ng buong mansiyon. Kahit ano para sa lola ko."

"I'm sorry pero importante rin sa 'kin ang lupangiyon, hindi ko iyon ipinagbibili kaya puwede ka nang umalis." Pagkasabi niyonay basta nalang siya nitong tinalikuran. l Unicode �Y���E

Unlove Me COMPLETED (To be published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon