Chapter 1

354 6 0
                                    

Kristina

Animo'y binuhusan ako ng isang palangganang yelo sa aking narinig galing sa aking ina. Katatawag lamang niya at ipinaalam sa akin na nasa malubhang kondisyon ang aking ama.

Hindi ko na alam ang gagawin sapagka't nag-aaral pa ako at hindi ako makauwi sa amin dahil wala akong pamasahe balak ko sanang manghiram sa aking mga kaibigan ngunit napag-isipan kong maghanap na lamang ng part time job dito upang makapadala ng pera sa kanila, kaysa naman umuwi ako at bantayan lamang si daddy.

Mas malaki ang aking maitutulong ko kung maghahanap na lamang ako ng trabaho rito at tumulong sa mga gastusin para sa pagpapagamot ng aking ama.

Ako nga pala si Kristina Randa Lopez, nasa ikatlong taon na ako sa kolehiyo. Taga Batangas ako pero sa Maynila ako nag-aaral. Culinary Arts ang kinuha kong kurso dahil gusto kong maging isang chef. Hilig ko ang pagluluto, tinuruan ako ng aking ama noong bata pa lamang ako kung paano magluto. Tinuruan niya ako kung ano ang halaga ng bawat rekado sa isang putaheng niluluto.

Hindi ko inaakala na darating ang ganitong sitwasyon sa aming buhay sapagka't manager ng isang kompanya ang aking ama at malaki ang kanyang sahod, ngunit nalugi ang kompanyang ito hanggang umabot na sa bankrupcy.

Sabi ng aking ina ay malubha na raw ang diabetes nito at may posibilidad pa na maputol ang dalawang paa niya kaya naman kailangan niya sumuong sa iba't ibang medikasyon. Hindi na ako nag aksaya pa ng panahon na maghanap ng part time job upang makatulong sa mga gastusin.

Nag-aaral ako sa umaga at nagtatrabaho naman sa gabi bilang isang call center agent. Alam kong kulang pa ang aking sahod para idagdag sa gastusin sa pagpapagamot ng aking ama, kailangan ko ring kunin rito ang aking pangangailangan sa eskwelahan, ngunit kailangan kong mag tiyaga. Alam kong darating din ang panahon na makakahanap ako ng trabahong mas malaki pa ang sahod.

"Kristina!" Tawag sa akin ni Sandra, ang aking dakilang kaibigan.

Kakatapos lamang ng aming klase at nandito na kami sa dorm upang maghanda na papunta sa aming trabaho.

"Oh? Punta na tayo?" tanong ko habang nag aayos sa sarili.

"Wait, beh. Basahin mo ito dali! Dali!" tili niya habang inilalapag sa lamesa ko ang isang dyaryo.

Nahagip ng aking mga mata ang nakalagay sa itaas na parte ng dyaryo.

HEADLINES: The H Company wanting to help students to finish schooling by offering a part time job at their company.

Animo'y lalabas ang mga mata ko sa aking nakita. Tiningnan ko rin ang guidelines at ang mga benepisyo na maaari naming matanggap. Ang taas pa ng sahod! Tamang tama ito upang agad akong makapagpadala ng malaking pera kina mama.

Hindi rin maaapektuhan ang pag-aaral ko sa pagka't may night shift ito at.Ganoon parin, aral sa umaga, trabaho sa gabi.

Siguro ay makakapasa naman ako sa qualifications nila. Matataas naman ang mga marka ko at willing akong magpakapuyat para rito. Eh kung pagpupuyat lang naman ang pag-uusapan, bakit hindi? Sanay na sanay na ako diyan.

Kinabukasan ay agad kaming nagtungo sa nasabing kompanya. Pagpasok ko ay saka ko pa nalaman na isa pala itong publishing company. Dinala kami ng isang babaeng nakasuot ng formal dress, siguro ay employer ito rito, sa ninth floor ng building.

Hindi ako sanay na sumakay ng elevator, nahihilo ako pero pagdating namin sa ninth floor ay mas nahilo ako nang makita ang napakaraming estudyante.

Napabuntong hininga ako.

Siguro ay mamayang hapon pa kami ma-i-interview ni Sandra. Medyo nawalan narin ako ng lakas ng loob. Sa karamihan ba naman ng mga estudyanteng narito, makukuha pa kaya kami?

Kidnapping My Wife (New Version) - On-GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon