Kristina
Isang buwan na ang lumpipas simula noong napahiya ako sa party. Isang buwan na focus sa pagtatrabaho at isang buwan na rin na hindi nagpaparamdam si sir Harris.
Hindi naman sa gustong gusto ko na palagi siyang nagpaparamdam sa'kin. Siguro, naninibago lang? Ah, basta. Siguro sobrang busy niya ngayong mga araw na 'to.
"Anak, pakisabi sa sir mo maraming salamat," narinig ko ang boses ni daddy sa kabilang linya halatang malakas na ito at napakasigla ng kanyang boses.
Naghihintay na ako ng masasakyan pauwi sa dorm. Naluha ako nang marinig muli ang boses niya. Gusto ko siyang yakapin ngunit wala akong ibang magawa kundi makontento na lamang sa aming pag-uusap.
Hindi na ako makahintay sa semestral break namin, gustong gusto ko ng umuwi.
"Mabuti naman po! Uuwi na po ako ngayong semestral break," nagagalak na sagot ko.
"Anak, miss na miss ka na namin. Siya nga pala, anak, hahanap ako ng paraan upang mabayaran natin ang sir mo. Kaya huwag kang mag-alala diyan ha?" dagdag niya pa.
"Daddy, huwag ho muna kayo mag-isip ng mga ganyan. Kagagaling niyo lang, eh. Isa pa, napagdesisyunan ko na po na hindi muna ako titigil sa pagtatrabaho sa kompanya nila hangga't hindi ko nababayaran ang cash advance ko," pagpapaliwanag ko.
"Anak, hindi mo kakayanin 'yong binayad niya sa karagdagang pagpapagamot ko. Nagpadala ka noon ng 50, 000, di' ba? Ibinayad namin 'yon sa doktor at mga gamot ko kaso eh, may bill parin kami sa ospital. Nagulat nalang ako noong isang araw eh, bayad na raw lahat. Hindi naman nagpakilala ang nagbayad ngunit kilala ng ospital ang sir mo. Sikat raw kasi ito sa business, kaya naman nalaman namin na siya pala ang nagbayad. Nako, personal na pumunta pa raw 'yon dito para siguraduhing mababayaran talaga lahat ng bill," nagagalak na pagpapaliwanag niya.
Napaawang ako.
Ano ang gagawin ko? Masaya naman talaga ako sa ginawa niya, kasi hindi na naghirap si mommy kaiisip ng pambayad. Pero paano ko ba mababayaran ang lahat ng ginastos ni sir?
Napapikit ako ng mariin. Basta, ang importante magaling na si daddy.
Napabuntong hininga ako. Bukas na bukas rin kailangang kausapin ko si sir tungkol dito. Una, magpapasalamat ako. Ikalawa, tatanungin ko siya kung ilang taon pa ako magtatrabaho sa kompanya niya para mabayaran lahat ng utang ko. Mababayaran ko rin 'yon!
Jeff
Napapikit ako ng mariin bago muling tumingin sa mga papeles. Sa wakas, tapos narin ako sa mga dapat kong gawin. Last month was the busiest month. Hindi ako halos makalabas sa opisina para lang tapusin ang mga 'to.
Inangat ko ang aking ulo nang marinig na bumukas ang pinto ng aking opisina.
"Hey," bati ko sa kanya.
"Sir, good evening po," nakatayo lamang ito sa harapan ng lamesa ko.
"Maraming salamat po sa pagbayad sa bill ng daddy ko sa hospital. Gagawin ko po ang lahat ng trabaho rito sa kompanya niyo para mabayaran ko lang ho kayo. Maraming salamat po talaga."
Napatitig ako sa kanya. Halatang seryoso ito sa pagpapasalamat niya at nag-bow pa talaga ito sa akin. Hindi ko mapigilan ang sarili kong tumawa.
"You don't have to do that," I replied in between laughter.
Napakunot ang noo nito. "Babayaran ko po kayo, pangako," she insisted.
"Well, hindi mo na ako kailangang bayaran. Ito nalang, semestral break niyo na next week, diba?"
BINABASA MO ANG
Kidnapping My Wife (New Version) - On-Going
RomansaEverything started in a blink of an eye. Fate led Kristina and Jeff to a happy and satisfying relationship kahit maraming hadlang sa pagmamahalan nila. Akala nila ay magiging maayos na ang lahat, ngunit simula pa pala ito ng mas malaki pang pagsubo...