Chapter 6

161 4 0
                                    

Jeff

Yes, I like Kristina.

When I first saw her inaamin kong nagustuhan ko na siya no'n. I don't know. Damn! The word "gusto" has never been in my dictionary ngunit hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko whenever I'm with her.

Dahil kaya ito sa brownies? Man, I have never been this stupid to think that I like her because of the brownies.

Ever since we first met, I could not take her off my mind, at ngayon, I want to take the chance. Gusto ko na palagi ko siyang kasama, I want to take care of her, I want to see her smile everyday, I want to make her laugh, I want her so bad.

I took a deep breath to stop the noise inside my head.

Her reaction a while ago made me so happy dahil hindi naman siya mag-re-react ng gano'n kung hindi niya rin ako gusto, diba? Alam ko nagalit siya, but that is fine! At least, I proved something.

Nakatuon lamang ang mga mata nito sa labas ng bintana ng eroplano. Galit parin kaya siya? Ano kaya ang nasa isip niya?

I cleared my throat.

"Ano ba ang nakikita mo sa labas at palagi kang nakatingin diyan? May gwapo ba diyan? Eh puro ulap lang naman ang nakikita mo eh," usal ko.

Tumingin ito sa akin at tinitigan ako ng masama. Bumuntong hininga siya at ipinikit ang mga mata. Sinandal niya ang kanyang ulo sa bintana. Natulog na 'to at hindi man lang ako sinagot.

Napangiti na lamang ako.



Kristina

Nang gumising ako ay nakarating na kami. Hindi ko namalayan na tuluyan nap ala talaga akong nakatulog. Hindi ko parin siya kinakausap, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, para bang kinikilig ako na may halong hiya.

Ewan. Basta.

Pagdating sa airport ay sumakay na naman kami sa kotse papuntang Magsaysay Park. Paglabas ko sa kotse ay agad akong sinalubong ng sariwang hanging dulot ng dagat. Tiningnan ko siya na kanina pa nakangiti.

He looked at me too ngunit agad kong iniwasan ang mga tingin niya.

"How long will you do that to me? It's making me sick, you know," tanong niya sa akin habang naglalakad kami papunta sa isang malaking speedboat.

Hindi ko parin siya sinagot. He even offered his hand para alalayan ako sa pagsakay sa speedboat, but I refused.

Hindi magandang biro ang ginawa niya kanina. I looked like a fool. Parang bata na pinaglalaruan at ito naman ako masyadong halata na nagkakagusto narin ako sa kanya. Alam ko na hindi ko na dapat i-big deal 'yon, pero ako kasi yung tao na ayaw na ayaw na nalalaman ng lalaki na may gusto ako sa kanya.

I just want to keep my feelings private.

Habang pinagmamasdan ko ang paligid ay panay naman ang pagtitig niya sa akin, nakita ko ito sa gilid ng aking mata. Hindi ako makapag-concentrate sapagka't naiilang narin ako.

"You stop doing that to me Kristina. Talk to me."

Hindi ko alam na sadyang malaking bagay pala talaga sa kanya na kausapin ko siya. Napalunok ako sapagka't napakadiin ng boses niya na animo'y mararamdaman mo talaga ang awtoridad.

Magkaharap kami kaya naman hindi ko rin maiiwasan na magkatinginan kami.

"You forgot who I am," dagdag pa nito.

Kidnapping My Wife (New Version) - On-GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon