Kristina
"Tin? Pakibigay naman ito kay ma'am Liezel oh. Sabihin mo galing kay ma'am Martha," utos sa akin ng aking kaklase na nag working student rin sa kompanya.
Oo, si ma'am Martha ang mentor/boss/trainer ng kaklase ko. Absent din kasi yung assigned sa pagdeliver ng mga papeles sa iba't ibang storey ng kompanya, kaya ako ang napag-utusan.
"Ito kasing amo ko ang raming utos, hindi ako makaalis basta basta," bulong niya sa akin.
"Okay lang, malapit na rin naman akong matapos sa ginagawa ko eh," sagot ko at nginitian siya.
Nagpasalamat ito at tuluyan ng lumabas.
Nasa second floor ang opisina ni ma'am Liezel, agad akong nagtungo doon. Kumatok ako sa kanyang pintuan at pumasok.
Nang binuksan ko na ang kanyang pintuan ay nakita kong may bisita pala ito kaya naman nagdalawang isip akong tumuloy. Ngunit mabait talaga si ma'am Liezel at tinanguan niya ako, na animo'y sinasabi sa akin na pwede akong tumuloy.
"Yes Ms. Lopez?" nakangiting tanong niya sa akin nang makalapit ako sa lamesa niya.
"Good evening ma'am, pinapabigay po ni ma'am Rose," sabi ko sabay abot ng folder.
"Thank you."
Paalis na sana ako ngunit bahagya akong napahinto nang marinig kong pinag-uusapan nila si sir...ay, si Jeff pala. Napangiti ako. Kailangan ko naring sanayin ang sarili kong tawagin siya sa kanyang pangalan, kasi boyfriend ko na siya.
That thought made me blush.
"Eh, diba, yung babaeng pumunta rito kahapon, sabi nila girlfriend daw yun ni sir at sabi rin nila yun daw ang papakasalan niya?" ani ng kausap ni ma'am.
"I don't know May, siguro. Maganda at matalino naman yun eh bagay sila. Isa pa, ama naman niya ang tumulong kay Jeff para mapalago itong kompanya."
Nagpatuloy ako sa paglakad palabas, ngunit napanghinaan ako sa aking narinig. Kanina nang ipinagluluto ko si sir ng hapunan, masayang masaya kami. Kumain pa nga ako ulit kahit tapos na akong maghapunan pero kung gaano naman ako kasaya kanina ganoon din ako kalungkot ngayon.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.
I trust Jeff, siguro ay magpapaliwanag siya sa akin kung sino talaga si Shanara sa buhay niya. Sigurado akong hindi ako ipagpapalit ni Jeff sa kanya. Hindi naman niya ako liligawan eh kung mahal niya ang babaeng yun.
I sighed.
O baka naman...pinaglalaruan niya lang ako. I shook my head.
MAHAL AKO NI JEFF.
Jeff
"Sobrang tahimik nitong baby ko ah, ano'ng problema?" paglalambing ko sa kanya habang nagdadrive.
Nakatingin lamang ito sa labas.
She sighed.
"What's that for honey? Come on, tell me," dagdag ko pa.
"J-Jeff, sino si Shanara?" nanginginig ang boses nito at binaling ang attensyon sa akin.
Napatigil ako sa tanong niya.
Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Damn! I just stared at her at napagdesisyunang iparada ang kotse sa tabi ng kalsada.
"B-Babe, how did you know her?" agad na tanong ko sa kanya.
Hindi ko alam kung saan niya nakilala si Shanara at kung paano.
She smiled at me.
"Importante pa ba yun Jeff?"
![](https://img.wattpad.com/cover/136226393-288-k646162.jpg)
BINABASA MO ANG
Kidnapping My Wife (New Version) - On-Going
RomanceEverything started in a blink of an eye. Fate led Kristina and Jeff to a happy and satisfying relationship kahit maraming hadlang sa pagmamahalan nila. Akala nila ay magiging maayos na ang lahat, ngunit simula pa pala ito ng mas malaki pang pagsubo...