Kristina
Natahimik lahat ng tao sa loob, kahit ako ay nagulat din. Hindi ko man gaanong kakilala si Ephraim ngunit, nalulungkot parin ako para sa kanya. Kitang kita ko kanina ang kalungkutan sa mga mata niya.
"Honey, I have to drive you home now. It's already seven," pabulong na usal sa akin ni sir.
"Paano na po si Ephraim?" tanong ko.
"Don't worry. Pagkatapos kong ihatid ka, babalik ako rito. He needs me," sagot nito.
Nagpaalam na kami sa kanila at sinabihan niya ang kanyang mga barkada na babalik siya pagkatapos niya akong ihatid sa dorm.
Nang nasa labas na kami ng bahay ni Ephraim ay agad niyang hinawakan ang aking kamay at tumigil sa paglalakad.
"You wouldn't do the same, right honey?"
Itinaas ko ang aking ulo upang makita ang kanyang mukha. Hindi agad na proseso ng utak ko ang ibig niyang sabihin. Ngunit nang tumingin siya sa akin ay nalaman ko kung ano ang ibig niyang iparating.
Hindi naman kami, tapos, tinatanong niya ako kung gagawin ko rin ba ang ginawa ng fianceé ni Ephraim sa kanya? Napabuntong hininga ako.
Bakit ko ba siya pinapabayaan na tawagin akong honey? O di kaya'y darling? Bakit ko ba siya hinahayaang hawakan ang aking mga kamay? Bakit?
Sa tuwing hinahawakan niya ako may animo'y kuryente sa loob ko, at iyon ang dahilan kung bakit ayaw kong pigilan siya at ito rin ang mga dahilan kung bakit nahulog ang loob ko sa kanya.
NBSB ako, baka sadyang ignorante lang talaga ako sa mga ganitong bagay. I shook my head. Gusto ko siya, gusto niya ako pero hindi niya pa sinasabing mahal niya ako.
So dapat hindi muna ako mag-assume. Tama?
"Kristina?" tawag niyang muli.
Agad kong binawi ang aking kamay sa pagkakahawak niya.
"Po?"
"Nothing. I think you're already sleepy," nakangiting sagot nito at nagpatuloy kami sa paglakad papunta sa kanyang kotse.
Nang makaabot na kami sa dorm ay agad akong nagpaalam sa kanya.
Hindi na ako tumingin sa kanya. I just bid him goodbye at tuluyan na akong lumabas sa kotse niya.
"Pssst."
Tawag niya nang mabuksan ko na ang gate. Lumingon ako at nagulat nang makita ko siyang nakatayo sa likuran ko.
He immediately pinned to the wall of the gate. Nakahawak ang mga kamay nito sa aking kamay na nakadikit din sa pader.
Nagkatinginan kaming dalawa, at dahan dahan niyang ipinikit ang kanyang mga mata upang halikan ako. Napalunok ako.
Ito na ba yun? Makukuha niya na ang FIRST KISS ko. Hahayaan ko nalang ba? Hahayaan ko nalang ba? Hindi pwede.
I have to stop myself. Hind--
Hindi paman naproseso ng utak ko ang dapat kong gawin ay naramdaman ko na ang kanyang labi sa akin. Napapikit ako.
Napakalambot ng kanyang labi. He kissed me gently. His lips started moving...
Ito ba yung tinatawag nilang french kiss?
Nakakahiya. Hindi ako marunong. Pinabayaan ko lamang siyang igalaw ang kanyang labi habang ang akin ay naka-steady lang.
Ang sarap sa pakiramdam. Sigurado akong naririnig niya ang lakas ng tibok ng puso ko dahil naririnig ko rin ang kanya.
Nang maghiwalay ang aming labi ay tinitigan niya ako.
BINABASA MO ANG
Kidnapping My Wife (New Version) - On-Going
عاطفيةEverything started in a blink of an eye. Fate led Kristina and Jeff to a happy and satisfying relationship kahit maraming hadlang sa pagmamahalan nila. Akala nila ay magiging maayos na ang lahat, ngunit simula pa pala ito ng mas malaki pang pagsubo...