Chapter 10

63 2 0
                                    

Kristina


The truth is...

I believed him. Naniniwala ako sa sinabi niya mahal niya ako. I told him to go home dahil masyado na akong nadadala sa nararamdaman ko na nakalimutan ko na ang rason kung bakit ako lumayo sa kanya.

Si Ms. Cruz, hindi ako titigilan no'n lalong lalo na ngayon na nandito na naman si Jeff. 

I felt so happy a while ago because I know he was being true to me, but I need to make him feel like hindi ko siya pinapaniwalaan para magkaroon ako ng rason upang itulak na naman siya palayo. 

I need to focus.

Hindi na dapat pa mangyari ulit 'to. Bantay sarado si Ms. Cruz, sa akin at kay Jeff, alam ko 'yon. 

"Umalis ka na, Jeff, please," pagmamakaawa ko.

"No, kahit pa hilain mo ako palabas, babalik at babalik ako dito," he crossed his arms.

Nakaupo parin ito sa kama.

"Jeff please..."

Tumayo ito at lumapit sa akin.

"Give me one good reason kung bakit tinutulak mo ako palayo," ani niya.

"I don't trust you," agad na sagot ko.

Ngumisi ito. 

"Look who's lying. You don't trust me, but you even forced me to get your virginity a while ago, and now you are telling me, you do not trust me? Tell me the truth, baby..."

Tumikhim ako. Tama nga noh? Mali pa ang naisip kong rason. Ang tigas ng ulo ng lalaking 'to. Kung pwede lang ipasok sa sako at itapon papunta sa bahay niya, ginawa ko na. Pero hindi ko kaya 'yon. Mahal ko to, eh.

"Ah basta, umalis ka na. Ayaw na kitang makita. Just respect my decision, okay? Gusto mo ba buksan ko pa ang pinto para sa'yo?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Gusto mo ba buksan ko 'yang zipper mo?" agad na tanong niya. 

He teased me.

"Jeff, hindi ako nakikipagbiruan sa'yo ha, akala mo ba joke joke lang 'to?"

"Baby, kanina kasi eh ang sweet mo, ngayon, gusto mo naman akong umalis. I do not get you..."

Napakamot ako sa ulo. 

"Eh gano'n talaga kaming mga babae. Matindi ang mood swings namin sa mga sitwasyong ganito. Please, Jeff, just go out."

"Okay, I'll go out..."

Tiningnan ko lamang siyang lumabas ng bahay. Nasaktan ako na hindi man lang niya ako pinilit na hayaan siyang mag-stay. Ay, nababaliw ka na talaga Kristina. Gusto mong umalis, tapos at the same time, gusto mong magstay. Ano yun?

Nawalan ako ng ganang maglaba, but I have to finish all of these para makapagpahinga na ako na walang iniisip na mga labahin. Baka kasi bigla nalang bumalik ang auntie ko at hindi pa tapos ang mga 'to.

Umiling ako.

Sumasagi na naman sa isipan ko si Jeff. Ano ba 'yon? Muntik na 'yon, ah? Mabuti nalang talaga hindi na tuloy. Salamat, Lord. Salamat. 

I took a deep breath. 

Pumasok akong muli sa sala upang kunin ang sabong panlaba doon, nakulang kasi ang dinala ko dito sa labahan. 

Hindi parin mawala sa isipan ko ang nangyari - ang mukha niya, ang amoy, ang sitwasyon, at marami pang iba. Natigilan ako nang makita ko siyang nakaupo sa sala habang nanonood ng TV.

Kidnapping My Wife (New Version) - On-GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon