Chapter 2

167 5 0
                                    

Jeff

"Free taste! Free taste!" sigaw ng isang babaeng nakatayo malapit sa gate ng culinary arts department.

Pumunta kami rito to evaluate the university. Ako kasi ang major stakeholder ng university, so I went here to see kung maayos pa ba ang kondisyon ng paaralan.

Lumapit ako doon sa bench kung saan may free taste. Nagsitinginan ang mga estudyante sa akin habang naglalakad ako papunta roon. They are also busy trying the "Free taste food."

"Give me one," usal ko nang makalapit.

Nagtama ang mga mata namin ng babaeng namimigay ng pagkain.

"S-Sir?" utal utal na sabi nito.

"Yes, why?"

"Sigurado po ba kayong gusto niyo nito?"

Hindi parin ito kumukurap. Tinitigan ko siya ng maayos, she look so beautiful, honestly speaking. Hindi ko nga rin alam kung bakit iyan pa ang unang impression ko sa kanya.

Sa lahat ng mga babaeng nakilala ko, I will not say that she's different because I have seen a lot of girls in my life. But there's something in her. I can feel intense connection towards her, that it feels like I've known her before. It feels like we've been so close before.

Napailing ako. Sobra naman itong iniisip ko, but hey, I'm just explaining what I truly feel the moment our eyes met.

"Sir?"

Bumalik ako sa realidad nang magsalita itong muli.

"Y-Yes, I would like to try," sagot ko naman.

I almost forgot, sinama ko pala ang barkada kong si Kael. Hindi ko maaalala na kasama ko siya kung hindi ito nagsalita upang humingi rin ng isa. Palagi kong kasama si Kael, not because siya lang ang kaibigan ko, but because siya yung type na, "One Call Away friend."

Natigilan ako sa pagnguya nang malasahan ko ang pagkain, isa itong brownies, pero kakaiba ito sa iba pang brownies na natikman ko. This is so delicious, siguro nga dahil nasa culinary arts department ako.

"Sir, pagkatapos niyo pong tikman, paki sagutan niyo po ang questionnaire," usal nito habang inaabot sa amin ang questionnaire.

So, this is part of their requirement sa isang subject nila.

Pagkatapos naming sagutan ang questionnaire ay naglakad na kami. Sayang, if only I have a cook at home na ganoon kasarap magluto, halos taga minuto siguro ako kakain.

Ang sarap ng brownies, kakaiba.

"Sir, sir!" napalingon ako sa babaeng nagsalita mula sa aking likuran.

Nakita ko siyang tumatakbo papunta sa akin, nakangiti.

Inabot niya sa akin ang isang supot na may lamang mga brownies nang makalapit.

"Sir, mukhang nagustuhan niyo talaga yung brownies, excellent lahat ang nilagyan mo ng check, eh. Ito oh, para po sa inyo."

I didn't move my eyes away from her. What's really in her? I just met her, but it feels like...I don't know.

Napabuntong hininga ako.

Pilit akong ngumiti. "Thank you."

Hindi ko namalayan na nakatitig lamang pala ako sa pader habang iniisip ang eksena kung kailan, saan at papaano ko unang nakita si Kristina.

Kidnapping My Wife (New Version) - On-GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon