Chapter 7

86 2 0
                                    

Kristina

Pag gising ko sa umaga, nakaramdam ako ng matinding antok. Hindi naman sa ang aga kong gumising. Hindi lang talaga ako nakatulog ng maayos kagabi dahil hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni sir na gusto niya raw ako.

Ayaw kong maging assuming kaya ginawa ko ang aking makakaya upang burahin ito sa isipan ko ngunit ayaw ng isip ko eh. Ano pa bang magagawa ko?

Natawa rin ako sa reaksyon niya nang magpretend ako na nakalimot na naman ako. His eyes were huge na para bang gulat na gulat. Sayang, dapat talaga hindi ako tumawa eh. Kaso, hindi ko napigilan ang sarili ko.

Napatitig ako sa salamin.

May gusto na rin naman ako sa kanya kahit ilang beses ko itong i-deny sa sarili ko. Hindi naman ako ganito. Hindi naman ako basta basta nagkakagusto sa mga lalaki ngunit kakaiba siya. Kakaiba itong nararamdaman ko para sa kanya na para bang napakatagal na nito sa puso ko at ngayon pa lamang napukaw.

Pagkatapos kong magsipilyo ay agad akong lumabas ng aking kwarto upang maamoy ang sariwang hangin sa labas. Agad ko siyang nakita sa gilid ng dagat na may kausap sa cellphone. Mukhang wala pa nga ito sa mood at hindi maiguhit ang mukha nito habang nakikipag-usap.

Umupo ako sa bench na nasa gilid ng mismong tinatayuan niya. Tumingin ito sa akin at bahagyang ngumiti. Nang matapos ang pag-uusap nila ay agad akong tumayo.

"Okay ka lang ba sir?" Tanong ko.

He took a deep breath. "No, I'm not fine. They just ruined our vacation, honey."

Oh, honey na naman. Ano ba 'yan. Uminit ang magkabila kong pisngi.

"Nag leave po ba kayo para pumunta rito? K-Kasi po diba kami lang ang may break kayo wala?"

"Yes Kristina. I just want to spend some time with you at alam kong ito ang tamang oras para do'n," sagot nito.

"Hindi po ito ang tamang oras, may trabaho pa po kayong iniwan doon dahil sa akin. Pasensya na po at hindi ko ito naisip agad nang niyaya niyo ako," nakayukong sagot ko sa kanya.

He slowly lifted my chin and smiled at me. "No, it's not your fault. It's mine. Masyado lang siguro akong excited makasama ka."

Nagulat ako sa mga pinagsasabi niya. Masyado siyang straight to the point at wala akong ibang maisagot kundi katahimikan lamang.

Talaga bang gusto niya ako? Napansin niya na naguguluhan ako kung ano ba talaga ang totoo sa nararamdaman niya para sa akin, nabasa niya siguro ito dahil sa ekspresyon ko sa mukha.

"Yes Kristina, I like you. I'm not lying when I told you last night that I like you, ayaw kong magpaligoy ligoy pa sa nararamdaman ko para sa'yo. Hindi ako humihingi ng kapalit, I just want you to be happy," aniya.

Bakit naman? Bakit ako? Sa dinami daming babae na naghahabol sa kanya, bakit ako?

Hindi ko alam kung anong dapat kong isagot sa sinabi niya. Gusto ko rin siya pero hindi sapat iyon para agad ko nalang siyang sagutin. Ayaw kong sayanging ang pagiging NBSB ko, No Boyfriend Since Birth ako kaya kailangan ay mag-isip ako ng mabuti sa mga sitwasyong katulad nito.

Ang OA ko naman mag-isip. Tsk, mabuti pa siya kaya niyang sabihin lahat ng nararamdaman niya na walang pagdadalawang isip. Habang ako? I am screaming inside. I have a lot of questions na hindi ko man lang matanong sa kanya agad. Ganito lang talaga ako.

Ilang minuto rin akong hindi nakasagot, he just looked at me at naghintay sa aking sagot. I took a deep breath.

"B-Bakit ako?"

Kidnapping My Wife (New Version) - On-GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon