Chapter 11

132 3 2
                                    

Kristina

Patuloy akong naglakbay pagkatapos kong sumakay ng bus. Buo ang desisyon ko na umalis na sa apartment ni auntie upang hindi na ako muling mahanap ni Jeff. Ayaw kong makita pa muli ako ni Jeff dahil una, ayaw kong mapilitan lang siyang mahalin ako dahil sa buntis ako. 

Ikalawa, alam kong mahal niya pa si Janine halatang halata sa mukha niya habang naghahalikan sila. Pakiramdam ko tinutusok ng karayom ang puso ko. Nakita ko kung gaano niya kamahal si Janine at kung gaano din siya kamahal nito. 

Bakit ba kasi naniwala ako agad na mahal niya ako? Hindi ko naisip na baka panakip butas lang ako at ginawang libangan. 

Bakit ngayon ko lang ito naisip? 

Katulad nga ng sinasabi ng iba, maraming babae si Jeff, bakit ko naman naisip na tatatratuhin niya ako ng iba sa mga naging babae niya? Problema nga lang, nabuntis ako. Sa murang edad, nagpa-uto ako sa lalaking akala ko ay sobra akong minahal. Tanga. Ito na siguro talaga ang pagiging tanga. 

Hindi pala madaling sabihin ang salitang TANGA. Hindi rin pala ito basta basta nalang maihuhusga sa isang taong umibig, sinaktan pero nagmahal ulit sa iisang tao. Dahil pag nagmahal ka, hindi mo naiisip na mali pala ang pinapaniwalaan mo. 

Akala mo kasi, tama. Tama na mahal ka niya. Tama na iba ka. Tama na paninindigan ka niya. Ngunit, heto ako, buntis na palaboy laboy sa kalsada. Walang mapupuntahan, gutom, at higit sa lahat, sawi sa pag-ibig. 

At ikatlo, hindi ito pwedeng malaman ni auntie dahil sigurado akong aabot ito kina daddy. Ayaw kong mag-alala sila. Ayaw ko na mag iba ang paningin nila sa akin. Saka na ako babalik doon pag nakamit ko na ang mga pangarap ko. Pero paano? 

Paano?

Habang naghahanap ako ng pwede kong matuluyan. I passed by a classy restaurant. Kahit sa labas ay amoy na amoy ko ang bango ng luto sa loob. Biglang kumulo ang tiyan ko. Hindi ako dapat magutom dahil magugutom rin ang baby ko.

Dumukot ako ng barya sa wallet ko. Ito lang dapat ang pangkain ko 50 pesos. Hindi ko dapat kunan itong 200 para lang pangkain, kailangan ko pa ito para sa uupahan ko ngayon.

Sa unahan ay nakakita ako ng karenderya. Dito, hindi masyadong magasto 30 pesos lang sapat na, may ulam na, may kanin pa.

Habang kumakain ay nahagip ng tingin ko ang isang poster na nakadikit sa haligi ng karenderya. Nasa tabi ko lamang ito.

WANTED: Waitress with a pleasing personality at least high school graduate. If interested please call the number below for other requirements:

09978854321

Bigla akong nasiyahan. 

Kung may trabaho na ako, makakaipon na ako para sa baby ko. Hindi ako nagdalawang isip na tawagan ang numero.

Ang sabi ay kailangan ko magdala ng resumé pagdating ko sa restaurant. Nagpakilala siya bilang si Ms. Genieve Dumirang, siya ang manager ng restaurant. She texted me the location. Bukas na bukas rin ay tutungo ako roon.

Pagkatapos kong kumain ay patuloy na ako sa paghahanap ng mauupahan ko. Hanggang sa nakahanap na rin ako ng pwede kong maupahan. Hindi ito apartment dahil wala akong pambayad at mahal ang pambayad diyan kaya naman nag boarding house nalang ako. 750 pesos per month. 

Goodness gracious! 200 lang ang pera ko kaya kailangan ko talagang matanggap sa aapplyan ko bukas!

Nangako ako sa landlady na agad naman akong magbabayad pag nagkasweldo ako. Pumayag naman agad ito. Mabait si Aling Teresa. Kaya naman unang approach ko pa lang sa kanya agad gumaan ang loob ko sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 25, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kidnapping My Wife (New Version) - On-GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon