Gwen's POV
"What?! Nasaktan ka ba?" tanong ni Jane na halos lumabas ang mga mata sa pag-aalala.
"Nauntog ba ang ulo mo? May bukol ka ba? Sabihin mo!" sunod-sunod na tanong ni Ann habang sinusuri ang mukha ko.
"Kamusta ang kotse mo? Nagasgasan ba? At higit sa lahat... gwapo ba 'yung nabangga mo?" singit naman ni Ash.
"Guys, stop! I'm fine! Thank you sa concern, pero inaalala ko pa rin 'yung lola na malapit ko nang mabangga kanina," awat ko sa kanila.
"WHAT?! Matanda 'yung nabangga mo?!" gulat na gulat na reaksyon ni Ann.
"Correction: malapit lang," pagtatama ni Jane sa kanya.
"Sayang... akala ko pa naman gwapo ang nabangga mo. Ehehe," hirit ni Ash. Alam niyo na kung sino ang laging uhaw sa love life.
"Puro ka talaga kalokuhan, Ash," saway ni Jane.
"Wh—" Sasagot pa sana si Ash nang biglang tumunog ang phone ko.
Dad calling...
"Who?" tanong ni Jane.
"Dad," maikli kong sagot. Tumango sila, senyales na sagutin ko na.
"Hello, Dad?"
"Gwen, what time ang out mo mamaya?" seryosong tanong ni Daddy sa kabilang linya.
"Ahm, 4:00 PM po, Dad. Bakit po?"
"Good. May susundo sa iyo. Ibigay mo na lang sa guard ang susi ng kotse mo, ipapakuha ko na 'yan. Okay, bye."
"W-wait, Da—"
Tot... tot... tot...
Napabuntong-hininga na lang ako. Galing ng Ama ko, 'no? Hindi man lang ako pinatapos magsalita.
"Oh, anong sabi ng Daddy mo?" chismis agad ni Ash.
"Huy! Ang chismosa mo talaga, Ash!" saway ni Ann sa kanya.
"Nagtatanong lang naman, eh!"
"Guys, stop that. Malalate na tayo, let's go!" aya ko sa kanila pero sa isip ko, palaisipan pa rin kung sino ang susundo sa akin.
Maine's POV
"Tsong! Anong oras ang out mo mamaya?" tanong sa akin ni Vince habang naglalakad kami papunta sa classroom ko. Galing kami sa janitor's closet—huy! Huwag kayong green-minded, ha? May nakalimutan lang akong kunin doon dahil doon ko talaga nilalagay ang mga gamit ko. Mas feel ko kasi doon kaysa sa locker.
"Baka gabihin na ako, tsong. Maglilinis pa kasi ako sa faculty office. Bakit?"
"Hmm, wala lang. Tinatanong lang," sagot niya pero kilala ko ang lalakeng 'to.
"Tsong, kilala kita. Bakit nga?"
"Eh, gusto ko lang sanang mag-bonding tayong dalawa. Matagal na rin kasi tayong hindi nakakapag-relax. Sayang, treat ko pa naman sana," panghihinayang ni Vince sabay pout.
"Ayy, sayang! Sa susunod na lang, tsong. Promise yan," sabi ko habang natatawa sa itsura niya.
"Talaga? Promise 'yan, ha?"
"Haha, opo! Huwag ka ngang mag-pout diyan, hindi bagay sa iyo! Eww!" asar ko sa kanya.
"Tsong naman, eh!" reklamo niya. Para talaga siyang ewan, ang laki-laking tao pero nagpapacute.
"Oh, dito na ako. Salamat, tsong," paalam ko sa kanya nang makarating sa tapat ng room.
"Sige, tsong, alis na rin ako baka mabugahan pa ako ng apoy ni Mrs. Buwaya. Haha! Bye, tsong! See you on Monday!"
"Mang Bert, ako na po diyan. Umuwi na po kayo," sabi ko kay Mang Bert na nagwawalis sa parking lot.
"Naku, Maine, okay lang. Tutulungan na kita, baka hindi mo kayanin dahil marami pa itong lilinisin," sagot ni Mang Bert.
"Mang Bert, wala po kayong bilib sa akin? Yakang-yaka ko po ito!" pagbibiro ko sabay pakita ng muscles ko na wala naman talaga.
"Hahaha! Ikaw talagang bata ka. O sige, sabi mo, eh," ani Mang Bert.
"Ingat po kayo!" sigaw ko habang kumakaway.
Nagsimula na akong magwalis. Sa sobrang bilis ko, hindi ko namalayang may naapakan ako. Nawalan ako ng balanse at akala ko ay hahalik na ako sa semento nang may biglang sumalo sa akin.
"Gotcha," bulong ng isang boses-babae.
"Hey... are you okay?"
Nanatili akong nakapikit ng ilang segundo. Shit, ang ganda ng boses niya.
"A-ahm... thank you po," pasalamat ko habang dahan-dahang tumatayo at nananatiling nakayuko sa hiya.
"Haha! You're cute. You're welcome, kiddo," sabi niya. Ang lambing talaga ng boses niya, parang musika.
"Hey, kiddo, don't be shy. Look at me... hmm?" lambing na utos niya.
Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko at....... Diyosa ba ang kaharap ko ngayon? Parang may kahawig siya, pero hindi ko matandaan kung sino.
"Cute," rinig kong sabi niya muli. Nararamdaman ko ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko.
"By the way, I'm Trisha. And you are?" Pakilala niya sabay abot ng kamay para makipag-shake hands.
"A-ahm... M-maine," utal kong sabi habang tinatanggap ang kamay niya. Ang lambot!
"Nice to meet you, Maine," nakangiti niyang sabi.
"Trish?"
Napatigil kami nang marinig ang isang pamilyar na boses mula sa likuran ko. Iyong boses na kahit nakapikit ako, kilalang-kilala ko.
"Hello, my cousin! Surprise?" masayang bati ni Trisha.
Wait... magpinsan sila? Kaya pala pamilyar ang mukha niya!
"What are you doing here?" masungit na tanong ni Gwen kay Trisha.
"Duh, couz? Siyempre para sunduin ka. Hindi mo ba ako namiss?"
"No! Let's go!" utos ni Gwen. Nag-pout lang si Trisha, ang cute nilang tignan.
"I said let's go!" ulit ni Gwen. Bago tumalikod, sandali siyang tumingin sa akin at ang sama ng tingin niya! Nakasimangot siya na parang galit na ewan.
"Moody!" bulong ni Trisha sa akin pero narinig ko naman. "Pano, alis na kami. Bye, Maine!"
"Bye po... ingat po kayo, Miss Trisha," paalam ko rin.
"Wait, couz! May nakalimutan ako!" sigaw ni Trisha kay Gwen.
"What?!"
Tssuuupp!
Halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang biglang dampian ni Trisha ng halik ang pisngi ko. "Bye ulit, Maine!" sabay kindat niya.
Naiwan akong nakanganga, nakatulala, at hawak-hawak ang pisngi ko kung saan dumaan ang mga labi ni Trisha.
BBBBBLLLLLAAAAAAGGGG!!!
Nagising ako sa pagkakatulala nang marinig ang malakas na pagsara ng pinto ng kotse. Nakita ko si Gwen sa loob, at kung kanina ay masungit lang siya, ngayon ay parang bubuga na siya ng apoy sa sobrang talim ng tingin sa akin.
Teka... bakit ba siya nagagalit sa akin? Kasalanan ko bang pinsan niya ang humalik sa akin?
(Revised December 18, 2025)
BINABASA MO ANG
I Love You Forever
RomanceTatlong taon na kitang pinagmasdan sa malayo kasama ng mga kaibigan mo pati yung tuko mong manliligaw, hindi kita kayang lapitan dahil ayaw mo sa mga mahihirap kagaya ko, nag-aaral sa umaga nag jajanitor sa gabi dito sa campus, hanggang kailan kaya...
