Chapter 9

2.9K 113 34
                                        

Maine's POV

Tinatanggap ko na. Wala talaga akong pag-asa sa kanya.

Isang linggo na ang lumipas simula noong marinig ko ang mga masakit na salita mula kay Ann, pero hanggang ngayon, parang sariwa pa rin ang sugat sa puso ko. Isang linggo ko na ring tinitiis na huwag siyang tingnan. Mahirap, pero kailangan. Sa loob ng pitong araw na iyon, nakikita ko siyang sumisilip sa Math room namin. Alam ko naman kung sino ang hinahanap niya,

si Miguel.

Si Miguel na mayaman, gwapo, at higit sa lahat... lalaki. Ano nga ba ang laban ko doon? Hamak na janitor-scholar lang ako.

"Maine, hindi ka ba papasok?" untag sa akin ni Mang Ricky, kasamahan ko sa trabaho.

"Hindi muna, Manong. Sa next subject na lang. Tutulungan ko muna kayong maglinis dito," sagot ko. Ang totoo, iniiwasan ko lang talaga ang pagkakataon na magtagpo ang landas naming dalawa ni gwen.

"O sige, ikaw ang bahala," ani Manong Ricky. Nginitian ko siya, pero alam kong hindi iyon umabot sa aking mga mata.

Nilibang ko na lang ang sarili ko sa paglilinis dito sa pathway. Wala namang dumaan na mga estudyante sa ngayon dahil class hour na. Habang nagmamap ako sa sahig, hindi ko namalayan na may  isang pares pala ng heels  sa harapan ko nakayuko kasi ako. Inangat ko ang ulo ko para makita kung sino ang nakaharang, pero sana hindi ko na lang ginawa.

Paa pala 'yun ng babaeng gusto ko nang kalimutan.

Hindi ko alam kung yuyuko ba ako ulit o ano. Sa talim ng titig niya sa akin at sa pagkakataas ng isang kilay niya, parang may nagawa akong kasalanan. Ano namang ginagawa niya rito eh class hour na?

"Ahem!" tikhim niya.

Siguro dadaan 'to. Pero teka, malaki naman itong pathway, bakit dito siya sa tapat ng nililinis ko dadaan?

"S-sorry po... daan na po kayo," utal kong sabi habang nakayuko. Pero lumipas ang isang minuto, nandoon pa rin siya sa kinatatayuan niya. Inangat ko ulit ang tingin ko sa kanya. "Ah, M-miss G-gwen... daan na po kayo," sabi ko na lang ulit.

Nakatitig lang siya sa akin, hindi gumagalaw. "Stupid," bulong niya bago tumalikod at tuluyang umalis.

May problema ba siya sa akin? Akala niya siguro hindi ko narinig 'yun. Napabuntong-hininga na lang ako at nagpatuloy sa ginagawa ko nang biglang...

"Pssst! Pssst!"

May sumisitsit galing sa loob ng lumang classroom iyung mga silid na hindi na ginagamit dahil luma na.

"Pssst! Psssstt!!!"

Alam ko na kung sino 'to. Mapagtripan nga.

"Sino 'yan?" takot-takutan kong tanong habang dahan-dahang lumalapit.

"Ako si Maria... anong ginagawa mo dito sa tapat ng pamamahay ko??! Ekk! Ekk!" sagot nung boses na nakaipit, pilit na nagpapaka-katatakutan.

"Nako po, sensya na po. Naglilinis lang po ako," sabi ko. Lagot ka sa akin, tignan natin kung kanino ang huling halakhak.

"Walang pasensya-pasensya! Hala, umalis ka dito sa pamamahay ko!!!" galit kuno nung boses.

"Ay, sorry po ulit. Aalis na po ako," sabi ko, pero hindi pa ako gumagalaw.

"Good," sabi niya na nakaipit pa rin ang boses.

"Ay, teka lang po! May itatanong lang po ako."

"Ano 'yun? Ekk! Ekk!"

"Kayo po ba 'yung nagpakamatay diyan? 'Yung nagbigti po?"

BLAAAAGGG!!!

Rinig ko ang malakas na kalabog sa loob ng lumang classroom. Napatawa ako nang malakas.

I Love You ForeverMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon