MAINE'S POV
"Bugs, paki-bilisan please! Late na talaga ako!" taranta kong utos kay Bugs habang halos tumalon na ako sa upuan ng pedicab niya.
"Konting kimbot na lang, my friend! Malapit na tayo!" sagot niya habang todo-padyak.
Bakit ba kasi nakalimutan kong mag-set ng alarm? Ayan tuloy, parang sasabog ang dibdib ko sa kaba habang papalapit sa school.
"Nandito na tayo, my fri—"
"Salamat, Bugs!" putol ko sa kanya. Hindi ko na hinintay na matapos siya at mabilis akong bumaba.
"You're welcome, my friend!" sigaw pa niya. Nagtaas na lang ako ng kamay habang patakbong tinatahak ang hallway. Pagdating ko sa tapat ng Math room, saktong narinig ko ang pamilyar na boses.
"JAMAINE DELOS REYES?" tawag ni Mrs. Reyes sa attendance.
"PRESENT, MA'AM!" hingal na hingal kong sigaw habang pumapasok sa pinto.
"Good timing, Ms. Delos Reyes," sabi ni Mrs. Reyes habang nakataas ang isang kilay. Nginitian ko na lang siya nang pilit at naglakad patungo sa upuan ko.
"Hi, Mac—" Napahinto ako. Napatitig ako sa paligid. May kakaiba.
"Yes, Ms. Delos Reyes? May problema ba?" tanong ni Mrs. Reyes.
"N-no, ma'am. Wala po," sagot ko at dahan-dahang naupo. Pagkaupo ko, agad kong kinalabit si Macky.
"Mac, nasaan 'yung mga silya natin dito? Bakit parang bago na ang lahat ng 'to?" bulong ko. Kinakabahan ako.
"Ah, 'yun ba? Pinalitan na kaninang madaling araw. Mga sira na kasi 'yung dati. Sabi nila, 'yung iba na pwede pang magamit, idononate na sa mga paaralan sa bundok," sagot ni Macky.
Nanlamig ang buong katawan ko. No way. Ang armchair... ang tanging ugnayan namin ni Gwen... wala na.
"Tsong, puputulin ko na talaga 'yang nguso mo, ang haba oh!" biro ni Vince habang nakatambay kami sa soccer field noong breaktime.
"Tsk! Manahimik ka na nga. Ang daldal mo," sita ko sa kanya, pero ang totoo, gusto ko nang maiyak.
"Daldal ka diyan? Concern lang ako sa 'yo. 'Di ba gusto mong mag-move on? Edi mas mabuti na 'to. Wala nang paalala," sabi ni Vince.
"Hindi mo ako naintindihan, Vince. Mahalaga sa akin 'yun. Alam mo 'yung feeling na wala na nga kaming pag-asa, tapos 'yung kaisa-isang magandang alaala ko sa kanya, nawala pa?" Napayuko ako. Sobrang nanghihinayang ako.
"Maging alaala talaga? So anong gagawin mo? Pupuntahan mo sa bundok para lang makuha 'yun?"
"Siyempre hindi. Siguro nga hanggang dito na lang talaga kami," walang gana kong sabi.
"Hays, tsong. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Malay mo, meron talagang para sa 'yo," pang-aaliw niya.
"Sino naman aber?"
"Si... si Macky! Prrffft!" Hagalpak siya ng tawa.
"Bwisit ka talaga!" Sinamaan ko siya ng tingin at akmang babatukan pero mabilis siyang tumakbo.
Habang naglalakad ako para habulin si Vince, nakakita ako ng dalawang estudyante na basta na lang iniwan ang pinagkainan sa damuhan.
"Itapon mo na lang diyan, bro. May maglilinis naman niyan, eh," rinig kong sabi nung isa bago sila umalis.
"Aba, mga gago 'to ah. Porket may maglilinis, gagawin nang basurahan ang school? Palibhasa mga anak-mayaman," bulong ko sa sarili ko. Nagsimula akong magpulot. Bilang janitor-scholar, tungkulin ko ito, pero masakit pa ring makita ang kawalan ng disiplina ng iba.
BINABASA MO ANG
I Love You Forever
RomanceTatlong taon na kitang pinagmasdan sa malayo kasama ng mga kaibigan mo pati yung tuko mong manliligaw, hindi kita kayang lapitan dahil ayaw mo sa mga mahihirap kagaya ko, nag-aaral sa umaga nag jajanitor sa gabi dito sa campus, hanggang kailan kaya...
