GWEN'S POV
"Siguraduhin mong magwo-work 'to, Ash, kung hindi lagot ka sa 'kin," pagbabanta ni Jane.
"Shhh! Baka may makarinig sa'tin. Ang iingay niyo," mahinang sita ni Ann.
Nandito kami sa likod ng math room ng Business Ad Department, sa school namin bawat department may sariling building, at bawat year level may sariling classroom.
"Oo naman, tsaka exclusive lang 'to sa 4th year students," bulong ni Ash. "Ilang section ba tayo ngayon?"
"Dalawa," sagot ni Jane.
"Oh, 'di ba? Section A ang may Math ngayon, tapos tayo na ang sunod," sabi ni Ash.
"Oo nga, ang talino mo, Ash," sang-ayon ni Ann.
"Oh, anong nakita niyo?" tanong ko.
"Wait lang, Gwen," sabi ni Ash. "Stay put ka lang diyan."
"Sabihin niyo na lang kung nandiyan na ang Section A. Ang daming lamok dito," reklamo ko. Kanina pa 'ko kinakagat at gusto ko nang umalis.
"Gwen, look! May pumasok na," tawag ni Ash.
Nagmamadali akong lumapit sa kanila.
"Tabi kayo," sabi ko.
Nakatitig ako sa inuupuan ko lagi, pero wala pang umuupo ro'n.
"Girl, ibig sabihin niyan dalawa na lang ang wala pa. Dalawa na lang ang bakante yung inuupuan mo at yung katabi," paliwanag ni Ash.
"Nakikita ko, Ash," sagot ko.
"Ayan na! May pumasok na dalawa!" excited na sabi ni Ann.
"Hahahahaha!" tawanan ang Section A sa kaklase nilang tabachoy paano ba naman, halos hindi siya kasya sa pintuan.
"Class, that's enough! Steven, please help him," sabi ni Mrs. Reyes.
Pagkapasok ni Taba, may sumunod na isang babae. Teka... pamilyar siya sa 'kin.
"Guixe, yuko!" bulong-sigaw ko sa mga kasama ko.
Wooh! That was close. Muntik na kaming makita bago siya umupo.
---
"Prrrpp! Girl, I think si Taba Chingching 'yung ka-armchat mo, hahaha!" tawa ni Ann.
"Hahaha! Girl, ang taba ng ka-armchat mo!" pang-aasar ni Ash.
Nandito kami ngayon sa cafeteria.
"Girl, paano kung si Taba nga 'yung ka-armchat mo? Itutuloy mo pa ba?" tanong ni Jane.
"No! Alam kong hindi si Taba Chingching 'yon. One hundred percent!" depensa ko.
---
MAINE'S POV
Alam ko kung bakit nasa likod siya ng math room kasama ang mga kaibigan niya. Pagkaalis nila, saka lang ako umupo at tiningnan ang armchair.
May nakasulat.
'Thank you😘'
Kilig
'You're welcome 😉' sagot ko.
"Okay, class dismissed," sabi ni Mrs. Reyes.
Tumayo na ang lahat!maliban sa 'kin. Ayokong makipagsiksikan.
"Maine," may tumawag sa 'kin. Si Macky pala.
"Oh, Macky? Ba't nandito ka pa?" tanong ko.
"Can you help me out? Hindi ko kasi kayang lumabas," mahina at nahihiya niyang sabi.
"Sure, Mack," sagot ko, saka ko siya inalalayan.
---
"Arrrgh! Isa pa, Mack. One, two, three - go!"
Halos fifteen minutes na kami rito, pero hindi pa rin siya makalabas.
"Wait lang, Mack. Kukuha lang ako ng energy," hingalin kong sabi.
"Okay," sagot niya.
"Ready? One, two, three - go!"
Hirap na hirap na 'ko. Paano ba 'to?
"Hey! Need help?"
Isang sobrang pamilyar na boses.
Kahit nahihiya, napalingon pa rin ako. Ayokong maging bastos.
"Ah... uh... ahm," nautal ako. Kinakabahan ako sobrang lapit niya.
"Oh, wait," utos niya habang lumilingon sa paligid.
"Hey! Excuse me, boys! I need your help!" tawag niya sa mga lalaking dumaraan sa hallway.
Agad silang lumapit. Siyempre ikaw ba naman tawagin ng reyna.
"Sure po. Ano 'yon, Ms. Gwen?" tanong ng isa, nagpapacute pa.
Hindi ka cute, boy.
"Can you help him? Nahihirapan na kasi siyang lumabas," maarteng utos niya.
"Sure," sabay-sabay nilang sagot.
"Hey," tawag niya sa 'kin.
"A-ah, yes?" nahihiya kong sagot.
"Sila na bahala diyan, here," sabi niya sabay abot ng panyo.
"A-ano 'to?" tanong ko.
"Panyo, duh!" arte niyang sagot.
Napailing na lang ako.
"A-alam ko po, pero anong gagawin ko dito?"
"Kainin mo. Baka mawala pa 'yang pawis mo," pilosopo niyang sagot.
Ngayon ko lang napagtanto sobrang pawis ko na pala.
Tahimik kong kinuha ang panyo at tumalikod.
"Thank you," mahina kong sabi. Heart, kalma ka lang.
"No biggie. Oh, I think nakalabas na 'yung kaibigan mo. So I have to go. Bye-bye!"
Hindi man lang niya hinintay ang sasabihin ko.
Nang makaalis siya, napatingin ako sa panyo... at inamoy ko nang palihim.
"Hmm... smells like her. Nakaka-in love," bulong ko na may ngiti sa labi.
Hanggang trabaho, hindi ko binitawan. Pati sa pagtulog, ini-imagine ko na siya ang katabi ko.
"Good night, Gwen," sabi ko sa panyo.
Baliw na ata ako.
BINABASA MO ANG
I Love You Forever
RomanceTatlong taon na kitang pinagmasdan sa malayo kasama ng mga kaibigan mo pati yung tuko mong manliligaw, hindi kita kayang lapitan dahil ayaw mo sa mga mahihirap kagaya ko, nag-aaral sa umaga nag jajanitor sa gabi dito sa campus, hanggang kailan kaya...
