Chapter 6

2.8K 113 0
                                        


Gwen's POV

"So, what's the plan?" tanong ko habang nakahalukipkip.

"Girl, tanggapin mo na lang kasi na si Tabachoy 'yung ka-armchat mo," pang-aasar ni Jane.

"No way! Alam kong hindi siya 'yon. Ramdam ko talaga! Sa handwriting pa lang, hindi na bagay sa matabang 'yon," giit ko. Sigurado ako may kakaiba sa sulat niya.

"Actually, I feel it too," pagsang-ayon ni Ann.

"Girls, may naisip ako," biglang singit ni Ash na may mapaglarong ngiti.

"What?"

"Ano na naman 'yan?"

"Ayan ka na naman," sabay-sabay naming sabi.

"Basta, watch and learn," sagot niya sabay kindat.

___

"Hi!" masayang bati ni Ash kay Tabachoy.

"H-hello..." nauutal na sagot nito, halatang namumula.

Nag-usap lang silang dalawa habang kami ay nakaupo sa bench, nagmamasid mula sa malayo.

"Ano namang pakulo 'yan ni Ash?" tanong ni Jane.

"Just trust her," sagot ni Ann.

Napatingin ako nang makita kong inabutan ni Ash si Tabachoy ng papel at ballpen. Autograph? seryoso?

May sinulat ang lalaki at ibinalik ang papel.

"Alam ko na 'to," bulong ni Ann nang papalapit na si Ash.

"Hey, guys! Guess what?" excited na tanong ni Ash.

"Yeah, we saw it. Nagpa-autograph ka kay Tabachoy," asar ni Jane. "May crush ka ba sa kanya? Halos matunaw ka sa kilig kanina ah."

"Bitch, hell no! Eww!" depensa ni Ash. "Anyway, Gwen, ito na ang sagot sa tanong mo."

Inabot niya sa akin ang papel.

"What's this?" takang tanong ko.

"Paper, duh," maarteng sagot ni Ash pero agad din siyang bumawi nang tinitigan ko siya nang masama.

"I mean, 'yan 'yung papel na pinagsulatan niya."

Hindi na ako nagtanong pa at agad na tiningnan ang sulat-kamay sa papel. Halos mapatalon ako sa tuwa.

"I knew it! Sabi ko na nga ba, hindi siya 'yun!" pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik. Malayong-malayo ang magaspang at malalaking letra ni Tabachoy sa pino at magandang handwriting ng ka-armchat ko.

Parang nabunutan ako ng tinik. Malayong-malayo ang sulat ni Tabachoy sa sulat ng ka-armchat ko.

"Aba, kahit minsan pala may utak ka rin, Ash," biro ni Ann.

"Whatever."

"Thank you, Ash," masaya kong sabi.

"You're welcome. Basta para sa'yo, girl."

"So, any plans, Gwen?" tanong ni Jane.

"No, not yet. Wala muna sa ngayon," sagot ko. Masaya na akong malamang hindi siya si Tabachoy.  

Lumipas ang isang linggo.

Lumipas ang isang linggo at ganoon pa rin ang routine namin palitan ng mensahe sa armchair. One week na rin kaming walang plano nina Ash na alamin kung sino siya. Parang nawalan na rin ako ng gana na mag-imbestiga pa. Sapat na sa akin na masaya akong kausap siya.

"Girl, where are you na? Nandito na si Sir Kalbo!" text ni Ash sa akin.

 "I'm on my way," mabilis kong reply.

 "Okay, faster! Late ka na"

 Pagtingin ko sa relo ko, oh my god, I'm so "pretty" late. Doon ko napagdesisyunan na huwag na lang pumasok. Ayokong mapahiya, lalo na't sobrang strict ni Sir. 

 Naglakad-lakad na lang ako sa hallway nang hindi alam kung saan pupunta. Pero hindi ko namalayan na dinala ako ng mga paa ko sa tapat ng Math room. Lalampas na sana ako nang mahagip ng paningin ko ang upuan ko sa loob. 

 "No, it can't be..." bulong ko. Nakita ko ang isang pamilyar na pigura na nakaupo roon.

ASH'S POV

"Girl, ano bang ginawa mo kagabi at bakit late ka ngayon?" tanong ko kay Gwen habang nakatitig sa kanya.

Pero si ate mo, parang wala man lang narinig. Nakayuko lang siya, pinag­lalaruan ang pagkain niya na para bang may sariling mundo.

"Anyare diyan?" tanong ni Jane na kakarating lang.

"Hindi namin alam," sagot ko sabay kibit-balikat. "Kanina pa ako nagtatanong, pero ni ha o ho, wala."

"May problema yata," sabi ni Ann, seryosong nakatingin kay Gwen.

"Gwen? Are you okay?" tanong ni Jane.

Dedma pa rin.

"See?" sabi ko, sabay turo sa kanya.

Bigla siyang tumingala.

"Can we go now? Baka ma-late pa tayo sa Math," masigla niyang sabi, parang walang nangyari.

Nagkatinginan kaming tatlo.

"Ahm... Jane, kaibigan pa ba natin 'yan?" bulong ni Ann.

"Hindi ko rin alam," sagot ni Jane na nakatulala pa rin kay Gwen.

"Huy! Masamang espiritu, lumabas ka sa katawan ni Gwen!" sigaw ko sabay tayong-tayo. "Binabalaan kita lumabas ka diyan! Maawa ka sa sarili mo, wala kang mapapala—"

"OUCH!"

Napahawak ako sa ulo.

"Aray! Ang sakit nun, Gwen ah!"

"Sira ka kasi!" inis niyang sabi. "Nakakahiya ka! Pasalamat ka at walang masyadong tao dito sa caf."

Tiningnan niya sina Jane at Ann.
"Oh, kayong dalawa, huwag niyong pigilan 'yan, baka sa iba pa lumabas."

"Prrt- hahahahaha!" sabay tawa nina Jane at Ann.

"Sige, tawanan niyo lang ako," tampo kong sabi sabay irap. "Kapag naging famous ako, who you kayo sa'kin!"

"Hahaha! Kailan ba 'yan, Ash?" asar ni Ann.

"Malapit na, maghintay lang kayo," sagot ko nang may yabang.

"Okay, tama na 'yan. Let's go na," awat ni Gwen - kung maka-seryoso, parang nasaniban ng mabuting espiritu.

Gwen's POV 

Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin ang nangyari kahapon. What if nakiupo lang talaga siya roon? What if nakita niya lahat ng chat namin sa armchair? Hindi ko man lang alam ang pangalan niya. Pero... what if siya talaga 'yon? Nakangiti siya habang binabasa ang mga sulat. Hindi pilit. Hindi nagtataka. Parang... pamilyar. At nakita mismo ng dalawang mata ko may sinulat siya sa armchair.

"Baka nakisali lang siya sa inyo ng ka-armchat mo," bulong ng isip ko.

"Ayan, nalunod na yata si Gwen," rinig kong sabi ni Ash. "Jane, ikaw na sumagip. Hindi ako marunong lumangoy sa isip, baka kainin lang ako ng brain niyan."

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Natatakot na ako sa kaibigan natin," bulong pa niya kay Jane habang nagtatago sa likod ni Ann. "Paano kung sinapian nga siya?"

"Pwede ba, Ash!" saway ni Jane. "Gwen, okay ka lang ba?"

"Later, girls," sagot ko. "Nandito na tayo sa room."

Lumapit ako sa upuan ko.

May bagong sulat.

"Hi. Good morning. How are you?
Wag kalimutang mag-smile."

Napangiti ako nang hindi ko namamalayan.

Confirmed. It's her.

~~~~~~~~~~~~~~~~~

(Revised December 18, 2025)

I Love You ForeverMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon