Chapter 10

2.9K 113 12
                                        


Gwen's POV

Krrriiing! Krriiing!

Halos mabitawan ko ang manibela nang biglang tumunog ang phone ko. Pagtingin ko sa screen, si Jane.

"Hello?"

"Girl, where are you na? We're here na sa campus. Start na ng first period oh!" bakas ang pagmamadali sa boses ni Jane.

"I'm on my way. Sobrang traffic kasi, as in hindi gumagalaw ang mga sasakyan," sagot ko habang pilit na sumisilip sa unahan.

"Okay, take care girl. Bye!"

"Bye."

Argggh! Super late na talaga ako! Dapat kasi sa ganitong oras, nagagawa ko nang sumilip sa Math room para makita siya. Isang linggo na. Isang linggong pabalik-balik ang lungkot ko dahil miss na miss ko na siya. Gustong-gusto ko siyang lapitan at kausapin, pero parang may nakabara sa lalamunan ko tuwing nakikita ko siya.

Alam ko namang narinig niya ang sinabi ni Ann noong nakaraang linggo... at iyon ang pinaka-kinatatakutan ko. Na baka isipin niyang pareho kami ng pananaw ni Ann. At ang mas malala? Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang pangalan niya.

Pppeeeeppp!!! Pppeeepp!!!

Nagising ako sa malakas na busina sa likuran ko. Oh, shit! Umusad na pala ang mga sasakyan! Dali-dali kong inapakan ang gas pedal nang biglang may tumawid na matanda sa harapan ko.

SCREEEEEEEECH!

Napa-break ako nang wala sa oras. Halos lumabas ang puso ko sa kaba.

"Oh my God! May nasagasaan yata ako!" mabilis akong bumaba ng kotse. Nakita ko ang isang matanda na nakaupo sa kalsada, nagkalat ang lahat ng kanyang panindang candy at sigarilyo.

Ppppeeeeppp!!! Pppeeeeepppp!!!

"Ano ba?! Nagmamadali ako!!!" sigaw ng driver sa likuran ko.

"Pasensya na po!" sigaw ko pabalik, kahit ang totoo ay nanginginig ang mga kamay ko. Pinaharurot lang niya ang kotse niya. Grabe, ang yabang! Hindi man lang nagtanong kung okay ang matanda.

Agad kong nilapitan si Lola. "Lola?! Okay lang po ba kayo? Dadalhin ko po kayo sa ospital?"

"Naku apo, okay lang ako. Napaupo lang ako dahil sa gulat," mahinang sagot niya sa akin.

"Sure po kayo? Hindi po ba kayo natamaan ng kotse ko? Baka po may masakit sa inyo... makakatayo po ba kayo?"

Hindi naman ako ganito ka-worried sa taong hindi ko kilala, pero kay Lola, parang may kung anong nagtutulak sa akin na alagaan siya. Ang gaan ng loob ko sa kanya.

"Okay lang talaga ako, apo. Huwag kang mag-alala."

"Tutulungan ko na lang po kayong tumayo," inalayan ko siya, pero nang makatayo siya, nakita kong may sugat ang tuhod niya at dumudugo ito.

"Lola, may sugat po kayo. Hindi pwedeng hindi kayo magamot. Dadalhin ko po kayo sa ospital," seryoso kong sabi. Wala siyang nagawa kundi magpa-akay sa loob ng kotse ko.

"Maraming salamat sa iyo, apo. Hindi mo na sana ako dinala sa ospital, tsaka dito sa bahay... nakakaabala pa ako sa iyo. Ayaw mo bang pumasok muna?" pasalamat ni Lola pagkahatid ko sa kanya sa bahay nila sa looban.

"Naku, salamat po pero kailangan ko na pong bumalik sa school. Late na po talaga ako. Di bale po, babalik ako rito 'pag may time ako. Pano po, alis na po ako, Lola?" paalam ko.

"O siya sige, mag-iingat ka, apo."

Pagbalik ko sa campus, tumunog na naman ang phone ko. Si Ash.

"Gwen, nasaan ka na? Magsesecond period na ah?"

"It's a long story, Ash. Nasa campus na ako, see you sa next subject na lang."

At dahil late na ako sa Math class, dumiretso na lang ako sa hallway para sumilip sa silid namin. Pero nadismaya ako. Ang taong gusto kong makita... wala sa loob ng room. Absent ba siya? May sakit? Paalis na sana ako nang makita ko si Vince na parang may hinahanap din. Hindi ko namalayan na sinusundan ko na pala siya hanggang sa makarating ako sa dulo ng pathway, malapit sa mga lumang silid.

"Wait, bakit nandito ako?" tanong ko sa sarili ko. Tatalikod na sana ako nang may mahagip ang mga mata ko. Isang pamilyar na bura sa sahig at isang taong nakayuko habang naglilinis.

Oh! Pagsiniswerte ka nga naman. Nandito lang pala ang hinahanap ko, bulong ko sa sarili ko. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Gusto kong mapunta sa akin ang atensyon niya. Gusto kong makita ang reaksyon niya.

"Ahem!" tikhim ko nang makatayo ako mismo sa harap niya. Naka-heels ako kaya alam kong ramdam niya ang presensya ko.

"S-sorry po... daan na po kayo," utal niyang sabi nang hindi man lang tumitingin sa akin. Nanatili siyang nakayuko.

Awwh, so cute. Akala niya siguro dadaan lang ako. Pwes, nagkakamali siya. Hindi ako gumalaw. Gusto ko siyang tumingin sa akin, gusto kong magtama ang mga mata namin... pero bwisit, hindi man lang ako tinapunan ng tingin!

"Ah... M-miss G-gwen... daan na po kayo," ulit niya, sandali lang tumingin bago umiwas muli.

Stupid, bulong ko sa inis bago ako tumalikod at naglakad palayo habang dinadamdam ang tunog ng heels ko sa semento.

Ang manhid mo! sigaw ng isip ko. Hindi mo ba ramdam na ikaw ang pinunta ko rito?





(Revised December 18, 2025)






I Love You ForeverMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon