Kabanata 1

20 0 0
                                    

Siya.

"Malayo pa ba yun my?" tanong ko sa aking ina dahil bukid itong nilalakaran namin at parang nakakatakot kasi isa pa ang dilim-dilim tapos wala pa gaanong mga bahay.

"HALA MAY ASWANG!" Sigaw ni kuya na akala naman niya'y maniniwala kami sa paraan ng pananakot niya.

"Magtigil ka nga diyan kuya, para kang sira!" si ate.

Tinawanan ko na lang silang dalawa.

Suot ang aking gray na hoodie kasi malamig at maganda ang sariwang hangin at lamig dito sa bukid, at shorts, nakatsinelas lang ako, pumasok kami sa isang bahay. Napakagandang bahay dito sa bukid na ito.

Ang yaman naman nila, biruin mo bihira sa bukid at hindi mo aakalaing magkakaroon ng ganito ka-sosyal na bahay sa bukid.

"Magandang Gabi po!" bati nina Tita Alena at Mommy sa asawa yata ni Gov.

"Nice to see you again Alena and Rosie! Nasaan si Alfred?" tanong nung asawa ni Gov. Hindi ko naman kasi sila kilala kasi sa tuwing napunta ako sa bukid, ngayon lang ako nakarating dito.

"Naandoon pa sa Manila, busy sa pagtatrabaho." sabi ni Mommy at tumawa.

"Napakasipag talaga ni Alfred hanggang ngayon!" sabi nung asawa ni Gov. at muli silang nagtawanan.

"Ay sige, pumasok na kayo at kumain." sabi niya at ngumiti sa aming magkakapatid.

Nang makapasok na kami, marami-rami ding mga tao kahit nasa bukid. Nagtungo kami sa hapag-kainan upang kumuha ng pagkain at makakain na tapos doon na kami nagpwesto sa may terrace, habang sa may garden naman, naandoon yung parang pinakamismong party na may mga upuan din, may stage
, at may mga tao ding nagtitipon-tipon, yung iba'y kumakanta.

Seryoso lang akong kumakain at hindi ko pinapansin ang dalawa kong kapatid, ang sarap kasi kumain, lalo na't may lechon.

Maya-maya, nagtungo ulit ako sa loob at kumuha ng juice, pagkatapos bumalik ulit ako sa terrace kung saan ako kumakain.

Pagkatapos kong kumain, hindi pa ako busog. Gusto ko oang kumain kasi andaming pagkain dito dahil minsan lang kasi umattend sa mga ganito kaya't sulitin ko na para hindi masayang pagpunta ko dito.

Mas madami talaga ang nakuha kong lechon, lalo na yung balat kaya't-kain lang ako ng kain.

Naka-apat na balik ako doon sa mga pagkain upang kainin at tikman lahat ng nakahain.

"Ysabhella!" bigla akong tinawag ng ate ko habang kumakain ako ng salad na nasa maliit na mangkok.

Tumingala lang ako sa kanya at alam na niya kung anong ibig sabihin ng reaksyon ko.

"Tumigil ka na sa kakakain mo, nakakahiya ka, kanina ka pa pabalik-balik sa lamesa." sabi ni ate. Kahit kailan talaga, ang KJ ni ate.

"Yaan mo na, minsan lang yan makakita ng ganyan kadaming pagkain eh." si kuya at biglang tumawa, inasar pa ako.

Si Mommy at tita Alena naman ay naandoon sa may garden, nakikipagkwentuhan sa mga kakilala nila.

Tumawa na lang din ako at tumayo na ulit para ilagay ang pinagkainan doon sa paglalagyanan.

Pagkabalik ko sa terrace, bigla akong nakaramdam ng parang may sumingit sa ngipin ko, nahihiya naman akong dito pa magkuting-ting ng ngipin kasi hindi lang namin kami nina Kuya ang naandito sa terrace, may mga tao din dito.

Kaya't napagpasyahan ko munang mag-cr.

Hindi ko alam kung saan ang cr dito sa bahay kaya't nagtanong na lang ako.

Time FliesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon