Owner.
Pagkalabas ko, nagpahangin lang ako sandali sa terrace kasi sobrang banas na naman then pumasok na ulit ako para mag almusal.
Diba? Tamad ko talaga mga besh. Ang umagahan ko, tanghalian na. Mas inuna ko pa pakikipagdaldalan kesa kumain.
Nang matapos na ako kumain, lumigo na din ako kasi nahihiya din naman ako kahit papaano dun sa mga pinsan ko, ang baho ko na daw eh.
Pagkatapos kong maligo, gising na pala sina Angelo at Kyle, andon na sila sa terrace nina Cheska habang si Sofia naman, which is nasa 3rd year college, studying accountancy, busy pa din sa laptop.
"Wow fresh ate Ysa!" Bungad sakin ni Kyle. Siya ay incoming grade 10 this pasukan.
"Oo naman! Banas kasi, you know." Sabi ko dito.
Naupo na lang ako sa tabi nila at sinaksak ko na lang earphones ko sa tainga ko. Wala eh, tahimik nila, naging busy tuloy kaming lahat sa phone.
Dumating ang hapon na wala kaming nagawa kundi matulog at nagcellphone. Medyo pagod pa kasi mga pinsan ko kaya siguro wala pang gana.
"Eh? Pwedeng lumipat kapag grade 12?" gulat na tanong ni Cheska kay Gab.
"Oo daw. Lilipat kasi si Ac ng school at magtransfer na sila dun. Hindi na sila sa taguig."
"Ay sayang naman, mahihiwalay ka na sa iyong brotha. Hahaha" Cheska.
Dinig kong usapan nilang dalawa doon sa terrace kasama yung iba kong pinsang may mga trabaho na tsaka sila ate, habang ako naman ay busy pa sa pagkain nung gulaman, hindi muna ako nakikiepal sa kanila.
"Teh Ysa, mahirap ba mag grade 11?" Tanong sa akin ni Angelo which is incoming grade 11 na.
"Mahirap siya. Actually, wala namang madali. Kelangan mo lang talaga magfocus sa pag-aaral para hindi mo masabing mahirap." sagot ko at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Talaga ba teh? Paturo ako sayo mga minsan."
"Grabe ka, di ako pwede magturo. Di ako magaling sa ganyan. Kay Cheska ka paturo." Sabi ko. Kasi same lang din naman kami ng kinukuhang strand ni Cheska eh, and I guess ganon din kukuhain ni Angelo na strand.
"Nako, damot nun ni Ate." reklamo niya.
"Edi kay Gab ka na lang." Sagot ko.
"Aba, ay lalo naman diyan!" Aba, grabe kay Gab ah, ano bang kalokohan pinagagawa nun sa school at ganyan reaction ni Angelo. Tinawanan ko na lang siya.
Maya-maya pa ay pumasok na din si Gab sa may salas.
"Ba't naririnig ko pangalan ko?" tanong niya sa amin ni Angelo. Hindi ako umiimik, nakain lang ako habang nakatingin sa tv.
"Wala." Sagot ni Angelo.
"Saeyo Angelo. Magdayag ka dun!" Utos naman ni Gab.
"Aba, bakit di ikaw?" hamon naman ni Angelo.
Balakayojan. Basta ako kakain lang dito.
At tumayo na ako tapos kumuha naman ulit ako ng papapaking pagkain.
"Aba Ysabhella, tama na pagkain!" saway sa akin ni Mommy habang busy sila sa kusina sa paggagawa ng lumpia para bukas.
Sinunod ko na lang si mommy. Minsan, kailangan magdiet na din ako. Feel ko kasi tataba ako sa pinagagawa ko eh.
Hinugasan ko na lang yung mga pinggan. Letse, ang tamad din maghugas ng mga pinsan ko kaya ako na lang muna maghugas ngayon. Basta, halinhinan kami kapag nagstay na sila dito ng matagal.