Kabanata 8

19 0 0
                                    

Payong.

"But hey, that's so damn fine and I find you very cool with that, beautiful."

Alam mo ang sarap mo na batukan. English pa, tamo at masasapak na talaga kita.

"Ewan ko sayo." sagot ko na lang sa kanya.

Diretso lang ako sa pagkain at hindi ko talaga mapigilang hindi mapatingin sa nasa tapat ko. Ewan ko ba.

Maya-maya, napasulyap ako ulit kay Dylan at napansing nakatingin din sa akin ngunit iniwas din niya.

"You know, iba ka sa mga babaeng nakilala ko." Imik na naman ni Austin.

Alam mo din ba na iba ka sa mga lalaking nakilala ko, ang sarap mong ibalibag at itapon sa ilog eh.

Hindi ko siya sinagot, sa halip tinaas ko na lang ang kilay ko.

"Kahit ang sungit mo, still, I will not consider you as a rude person." Dugtong pa niya.

"Hoy Austin, ano na namang pinagsasabi mo sa pinsan ko." Hindi ko namalayang dumating na pala si Gab at nasa likod lang namin.

"I just want to know her more, Gab." Sagot pa niya.

Tiningnan ko lang silang dalawa.

Hay nako.

Tumayo na lang ako sa kinatatayuan ko para bumalik na kina Ate Elle. Mas maigi nga na dun muna ako, para kasing nakakaasar na kausap itong si Austin eh.

"Ches, punta na muna ako kina Ate ha." Sabi ko kay Cheska na busy sa pakikipag-usap kay Arabella.

"Ysabhella, where are you going?" Austin.

Ewan ko ba, pero naaasar talaga ako sa kanya nang di ko alam or talagang hindi lang ako sanay makipag-usap sa katulad niya.

"Punta lang ako kina ate." Sabi ko dito.

"Ahh, sige, ingat! Thank you for talking with me, beautiful." sabi niya sabay kindat pa. Bwiset na yan.

Bago ako tumalikod, napatingin na naman ako kay Dylan na nakatingin na sa aming dalawa.

Napatingin lang din ako sa kanya tapos napailing siya tapos medyo ngumisi.

"Kapag lang talaga Ac nilandi mo yang pinsan ko, malilintikan ka sa akin." Dinig kong sabi ni Gab.

"I'm not flirting with her, dude." Sagot nito.

Kaya diretso na akong naglakad para makalabas na. Wala kwentang kausap eh.

Pero bago pa ako nakalabas, narinig ko pa ang dinugsong ni Austin.

"But, soon." Dagdag pa niya.

"Gago ka ba?" dinig kong imik pa ni Gab na parang asar na.

Balakayojan.

Pagkalabas ko ng pinto, bigla namang may lumabas din pala na kasunod ko.

Ang tangkad talaga niya kaya pagkatingin ko napatingala ako kaya nagulat ako.

"Anong tinitingin-tingin mo diyan?" Sabi ni Dylan. Ano ba yan, akala ko ako lang ang masungit, meron din pala. Pero siyempre, di naman ako susungit kung hindi ganoon yung si Austin makipag-usap. Hindi talaga ako sanay sa ganoon eh.

"Wala naman." Sabi ko at tinalikuran na siya.

"Yung bag mo, naiwan mo." Sabi niya kaya napalingon ulit ako.

Ay shete. Oo nga ano. Bakit sa dinami-dami ng pwedeng iwan, bag pa nakalimutan ko. Hays, ang shunga mo talaga Ysabhella.

Agaran kong kinuha yung bag kong nilahad niya sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 01, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Time FliesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon