Kabanata 3

14 0 0
                                    

Sungit.

"Help me find my charger."

What the?

What the heck? Eh hindi ko naman pag-iinteresang kunin charger niya. Mukha bang ako ang kukuha non?

Hindi ako sumunod. Sa halip, nanatili lang ako doon.

Ngunit nagtaka ako kasi bigla naman siyang bumalik ulit at nilingon ako.

Lumapit siya.

"What? I'm trying to be nice dito ha. Pero sa totoo lang hindi ko pag--"

"Shh." Tumawa siya ng bahagya.

"I'm just kidding!" Tumawa muli ito. "Hindi talaga nawawala charger ko. Joke lang yun!" Sabi nito at nagtawa. "Pwede na ba akong artista?" Sabi nito at naghihintay ng sagot ko. Nakangisi siya.

Bwiset! Gusto ko na talaga umuwi, bakit ganito ang mga ito. Di ko naman sila kilala eh, tas siya, inaasar agad ako.

"Joke lang! Pinapatawa lang kita! Kagabi ka pa nakasimangot eh." Sabi nitong muli. Wow, ang friendly mo naman, ganyan pala siya makipag-usap sa di kakilala noh.

"Anyway, let's go inside, I can sense that you're really hungry. Kanina ka pa yata nag-aantay diyan. Malayo pa hacienda dito so better to eat first while waiting for them." sabi niya at inaantay akong tumayo.

Nakatingin lang ako sa kanya. May halong inis kasi inaasar niya agad ako.

"Yow? Bahala ka, magugutom ka diyan." Sabi nito at akmang tatayo na sa inuupuan.

"Okay, sama na ako." Sabi ko at tumayo na. Fine, alisin ko na init ng ulo, gutom lang talaga to eh."

Nagpunta na kami sa loob, nakahain na pala. Nakalapag na yung mga pagkain which is may mga ulam na tira pa kagabi and may lechon pa din. Omg.

Dali-dali na akong kumuha ng plato and nagkuha na ako ng mga gusto kong kainin.

Pagkatapos ko kuhain lahat, yung plato ko, puno na ng pagkain.

Naupo na lang ako doon sa may isa pang lamesa at nagsimula na kumain.

Kahit feeling ko di ako kilala dito at sa tingin ko nagtataka ata yung iba bakit ako andito, okay lang, last day ko na dito sa bahay niyo and di naman ako babalik dito unless may party pa ulit na imbitado sina mommy, so yun, ay basta ang mahalaga makakain na lanf ako.

After kong kumain, napansin ko na nasa harap ko pala yung Austin, kasama yung isa pang pinsan niya.

Nakatingin sa akin habang natatawa silang dalawa.

Ano sasabihin ko? Grabe, nakakahiya na pinagagawa ko.

"Uhm, ano, san ko na ito ilalagay?" Medyo nahihiya kong tanong. Ayan, mahiya ka din minsan Ysabhella.

"Just eat if you want to eat. Free lang naman yan." Sabi pa nito at natatawa pa din. Grabe, ano nakakatawa ha?

Busog na ako kaya okay na hindi kumain.

"Okay na, busog na ako hehe." Sabi ko at ngumiti ng pilit dito. Baka kasi pagtawanan na naman ako.

Hay nako.

Tumayo na lang ako at pumunta sa kitchen nila. Doon ko na lang nilagay yung pinagkainan ko and pagkadating ko doon, nakita ko yung lalaki kagabi.

Andon siya sa may upuan dun, nakaupo, habang hawak phone niya.

Napatingin lang ako at nilapag ko na yung pinagkainan ko sa mismong lababo.

Tumingala siya ng sandali tapos agad ding binaling yung paningin sa phone niya at umalis na lang ako.

Time FliesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon